MIYERKULES, HULYO 31, 2024

SHARE THE TRUTH

 6,688 total views

Paggunita kay San Ignacio ng Loyola

Jeremias 15, 10. 16-21
Salmo 58, 2-3. 4-5a. 10-11. 17. 18

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Mateo 13, 44-46

Memorial of St. Ignatius of Loyola, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Jeremias 15, 10. 16-21

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Napakahirap ng katayuan ko! Bakit pa ba ako isinilang sa sangmaliwanag? Lagi akong may kaaway at katalo sa lupain. Hindi ako nagpautang, at hindi rin naman ako nangutang; gayunman, nilalait ako ng lahat.

“Nagsalita ka sa akin, at pinakinggan kitang mabuti. Ang mga salita mo’y aking kagalakan. Ako’y sa iyo, Panginoon, Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Hindi ko sinayang ang panahon sa pagpapasasa sa buhay, kasama ng ibang mga tao, ni hindi ako nakigalak sa kanila. Manapa, nanatili akong nag-iisa, sapagkat may ipinagagawa ka sa akin. Kaya nga, nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Bakit hindi na natapos ang aking paghihirap? Bakit hindi na gumaling ang mga sugat ko? Talaga bang wala nang lunas ito? Wala ba akong tatanggapin kundi kabiguan, gaya ng isang batis na natutuyo sa tag-araw?”

Ganito ang itinugon ng Panginoon, “Kung manunumbalik ka, tatanggapin kitang muli, at ika’y muli kong gagawing alipin. Kung magsasalita ka ng bagay na may kabuluhan, at iiwasang sambitin ang anumang kasumpa-sumpa, gagawin uli kitang propeta. Babaling na muli sa iyo ang mga tao, subalit huwag kang paroroon sa kanila. Sa harapan ng mga taong ito’y gagawin kitang isang matibay na pader na tanso. Makikipaglaban sila sa iyo, ngunit hindi ka nila matatalo. Sasaiyo ako upang ika’y pangalagaan at ingatan. Ililigtas kita sa kamay ng masasama, at iingatan laban sa mararahas.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 58, 2-3. 4-5a. 10-11. 17. 18

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Sa aking kaaway,
iligtas mo ako, Panginoong Diyos;
ingatan mo ako pag sila’y lumusob.
Sa masamang tao,
ako ay iligtas, at sa pumapatay
agawin mo ako at ipagsanggalang.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Sila’y nag-aabang,
pagmasdan mo yaong taong mababagsik;
nagtipo’t ang layon ako ay iligpit.
Ang dahilan nito,
di dahil sa ako’y may pagkakamali
O may pagkukulang na ako ang sanhi;
O Diyos, masdan sila at nagdudumali.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Ikaw, Panginoon,
ang aking malakas na tagasanggalang,
ikaw ang muog ko at aking kublihan.
Ako’y minamahal,
mahal ako ng Diyos; ako’y lalapitan
upang ipamalas ang kanyang paglupig sa mga kaaway.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Ngunit aawit ako.
pagkat ang taglay mo’y pambihirang lakas,
Sa tuwing umaga ang awitin ko’y pag-ibig mong wagas.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

Pupurihin kita,
tagapagtanggol ko at aking kublihan,
Diyos kong mapagmahal.

Ang D’yos ang aking takbuhan
sa araw ng kagipitan.

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tanan
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 44-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan uli. Sa laki ng tuwa, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.

“Gayun din naman, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang perlas na napakahalaga, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Pakinggan natin ang paanyaya ng Diyos na humingi tayo sa kanya ng mga bagay na tunay na mahalaga.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming Diyos at ang lahat sa amin.

Ang Santo Papa at ang mga obispo nawa’y magabayan at maliwanagan ng karunungan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang gamitin nang mahusay ang mga mahahalagang bagay para sa ating ikabubuti at huwag tayong maging mga alipin ng kasakiman at pagkamasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahanap sa katotohanan nawa’y higit na lumalim araw-araw ang kanilang pagpapahalaga sa pananampalataya kay Kristo bilang perlas na walang katumbas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nag-aaruga sa kanila nawa’y mabiyayaan sa kanilang mga pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay na sa buhay na ito nawa’y mamahinga sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama sa Langit, bukal ng lahat ng kabutihan sa buhay, tulungan mo kaming gamitin nang wasto ang iyong mga biyaya at magbunyi kami sa kayamanan ng iyong pagmamahal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 24,443 total views

 24,443 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 198,377 total views

 198,377 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 176,010 total views

 176,010 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 239,254 total views

 239,254 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 257,234 total views

 257,234 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Mayo 28, 2026

 382 total views

 382 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 2,046 total views

 2,046 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 3,703 total views

 3,703 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 3,519 total views

 3,519 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,797 total views

 2,797 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top