Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 82,661 total reads

Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung hindi natin sila mapabilang sa ating education system, hindi makatarungan ang ating gawain.

Ang edukasyon ay isa sa ating mga pangunahing karapatan. Susi ito sa pag-unlad ng isang bansa. Ang pagkakaroon ng inklusibong edukasyon ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagtiyak na ang bawat Pilipino, anuman ang kanilang kalagayan o kakayahan, ay nagkakaroon ng patas na pagkakataon upang matuto at magtagumpay. Ang inklusibong edukasyon ay naglalayong tanggalin ang mga hadlang na pumipigil sa pag-aaral ng mga mag-aaral na may iba’t ibang pangangailangan.

Isa sa pinaka-malaking hamon, kapanalig ng inclusive education sa ating bansa ay ang pagkakaroon ng abot kayang programa para sa mga disabled children. Dito matingkad, halimbawa, ang mga pangangailangan ng mga batang nasa autism spectrum sa ating bayan. Napakalaking halaga ang kailangan, lalo ng mga maralitang pamilya, na tustusan ang kanilang pangangailangang pang-edukasyonal. Mula sa diagnosis pa lamang, marami na ang nangangapa, paano pa kaya nila mahihimay ang iba pang therapies o activities na kailangan para makapasok at makagamit sa pasilidad at program na akma sa kanila?

Isang entry-point na maari sana nating patatagin, kapanalig, ay ang early childhood care and education, lalo na sa mga bulnerableng bata. Kailangang nating magtaguyod sa barangay level o community level ng mga child care centers kung saan ang bawat mag-aaral ay nararamdaman na sila ay bahagi ng isang komunidad na nagmamalasakit at tumatanggap sa kanila. Malawakang training ang kailangan dito, at kailangang tiyakin na tunay na naabot ang maralita dahil hindi nila kakayanin ang presyo at kahit logistics pa ng mga therapies at activities na available ngayon para sa mga batang may mga disabilities.

Kailangan natin pag-diinan dito kapanalig, ang komunidad dahil ang tagumpay ng inklusibong edukasyon ay nakasalalay sa pagtutulungan ng buong pamayanan. Ang mga magulang, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders ay dapat na magtulungan upang masiguro na ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ay natutugunan. Hindi lamang resources at infrastructure ang kailangan, kailangan ang pakialam, kaalaman, at pagmamahal dahil malakas ang stigma laban sa mga may kapansanan, kulang sa pagsasanay ang mga guro, at hirap ang lito ang mga kaanak at magulang.

Angkop sa puntong ito ang paalala ng Populorum Progressio, na bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: Minsan, ang makatarungang buhay ay tila ilusyon dahil sa hirap ng buhay na dinadanas ng mga mamamayan. Pero pag may mas maayos na edukasyon, kapag may oportunidad, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na “to do more, know more and have more in order to be more.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 166,179 total reads

 166,179 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 197,907 total reads

 197,907 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 299,732 total reads

 299,732 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 340,290 total reads

 340,290 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 353,995 total reads

 353,995 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 166,180 total reads

 166,180 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 197,908 total reads

 197,908 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 299,733 total reads

 299,733 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 340,291 total reads

 340,291 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top