10 parokya sa Diocese of Cubao, nalubog sa baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,218 total reads

Sampung parokya sa Diocese of Cubao ang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Carina at hanging Habagat.

Ayon kay Cubao social action director, Fr. Ronnie Santos, pinakamatinding apektado ng nagdaang sakuna ang San Antonio de Padua Parish sa San Francisco del Monte at Most Holy Redeemer Parish sa Masambong sa Quezon City.

“Naglutangan po ang mga pews (upuan) po nila, so talagang matinding baha po ito. May mga ilang areas po na hindi pa tayo makapasok dahil baha, but for the meantime, nakaready na po ‘yung mga ibibigay nating tulong sa mga affected areas,” pahayag ni Fr. Santos sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Pagbabahagi ni Fr. Santos na kumpara sa mga nagdaang kalamidad, nadagdagan ang mga lugar at parokyang nalubog sa baha.

Ikinababahala ng pari na marahil dahil ito sa iba’t ibang gusali at imprastrakturang itinatayo sa lungsod.

“May mga lugar na dating hindi binabaha ngayon ay binabaha. Nadagdagan ang mga parokyang binabaha marahil dahil sa mga bagong imprastrukturang itinatayo,” ayon kay Fr. Santos.

Samantala, ilang simbahan naman sa diyosesis ang nagbukas upang magsilbing evacuation centers ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.

Batay sa huling tala ng Caritas Cubao, nasa halos 2,000 pamilya o 9,000 indibidwal ang nagsilikas at ngayo’y nangangailangan ng tulong.

Panawagan ni Fr. Santos ang tulong-pinansiyal at in-kind donations tulad ng food packs, bigas, canned goods, maiinom na tubig, sleeping kits, at hygiene kits.

Sa mga nais magpaabot ng cash donations, maaari itong ipadala sa Metrobank Account na Roman Catholic Bishop of Cubao Inc, Our Lady of Perpetual Help Parish sa account number na 013-7-01354436-7.

Sa in-kind donations naman, maaari itong dalhin sa Our Lady of Perpetual Help Parish sa 13th Avenue, Cubao, Quezon City.

Para sa karagdang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa facebook page na Our Lady of Perpetual Help Parish-OLPH o kaya nama’y kina Lawrence Laureta sa 0998-424-6773 o Fr. Ronnie Santos sa 0917-522-1890.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 14,522 total reads

 14,522 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 120,719 total reads

 120,719 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 206,829 total reads

 206,829 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 276,961 total reads

 276,961 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 309,981 total reads

 309,981 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,828 total reads

 161,828 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top