Pagpapasara sa mga mapinsalang minahan, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total reads

Pinuri ng mga makakalikasang grupo at ng Simbahan ang naging desisyon ng Department of Environment and Natural Resources na ipasara ang mga minahang nagdulot ng matinding pinsala sa kalikasan, at nagpahirap sa komunidad na malapit dito.

Ayon kay Jaybee Garganera, National Coordinator ng grupo, malaking hakbang patungo sa pagbabago ang ipinamalas ni Environment Secretary Gina Lopez, dahil sa mahabang panahon na pakikipaglaban ng mamamayan para sa maayos at malinis na kapaligiran ay natugunan din ito ng pamahalaan.

“Yung mining audit palang kongkreto na yung hakbang at ngayon itong pagkansela at pagsuspinde ito ay patunay at magandang tuldok nga ito sa mining audit, patunay na napakinggan yung mga reklamo ng tao at mayroong tamang aksyon ang gobyerno.” pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Pinasalamatan din ng mamamayan ng Zambales ang DENR dahil sa pagpapasara nito sa mga kumpanya ng minahan sa kanilang lalawigan.

Ayon kay Ben Molino, pinuno ng Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales, mahabang panahon nang naghirap ang mamamayan ng Zambales, kaya naman laking pasasalamat nito dahil natugunan ng bagong administrasyon ang kanilang hinaing.

Umaasa si Molino na magpapatuloy ang mabubuting programa ng DENR at hindi ito magpapadaig sa mayayamang kumpanyang sumisira sa kalikasan at nagpapahirap sa mga Filipino.

“Ang mamamayan ng Zambales at Pangasinan ay nagpapasalamat sa desisyong ginawa ng butihing kalihim ng DENR. Matagal nang inaasahan ito ng mamamayan ng Sta. Cruz, Infanta at Candelaria at sa wakas pagkaraan ng ilang taong mahabang pakikibaka laban sa mga mapanirang pagmimina ay nakamit din ang matagal nang hinihintay na tagumpay ng taumbayan.” pahayag ni Molino sa Radyo Veritas.

Samantala, bagamat nagpapasalamat sa naging resulta ng mining audit, nais ni Fr. Niño Garcia, Parish Priest ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Manicani Island ng kongkretong kasulatan na nagsasaad ng pagpapasara sa minahan sa kanilang isla.

Sa pamamagitan nito ayon sa pari ay mas mapapanatag ang kanilang kalooban at tunay ngang mawawala na ang banta ng mina sa kanilang lugar.

“Una, isang malaking pasasalamat ang gusto naming ipaabot sa ating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Secretary Gina Lopez…Pangalawa, gusto sana naming mabigyan din kami ng kopya… We are still waiting for a hard copy ng closure ng mining sites para talagang magbunyi kaming lahat at sabihin namin na talagang wala na, totally stop na ang mina dito sa amin sa Eastern Samar.” bahagi ng pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Mula sa kabuuang bilang na 41 metallic mines sa Pilipinas, 23 kumpanya ng minahan ang ipasasara ng DENR na mula sa mga lalawigan ng Benguet, Bulacan, Zambales, Homonhon, Dinagat Island, at Surigao Del Norte.

Read: http://www.veritas846.ph/21-minahan-ipapasara-ng-denr/

Una na ring binigyang diin ng kanyang kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si ang mariing pagtutol nito sa mapanirang industriya ng pagmimina na lalong nagbibigay ng pasakit sa mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,596 total reads

 66,596 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,346 total reads

 145,346 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,793 total reads

 178,793 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,090 total reads

 214,090 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,878 total reads

 437,878 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,948 total reads

 37,948 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,834 total reads

 30,834 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top