Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Setyembre 8, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,326 total views

Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Isaias 35, 4-7a
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Santiago 2, 1-5
Marcos 7, 31-37

Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 35, 4-7a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:
“Huwag kang matakot,
lakasan mo ang iyong loob,
darating na ang Panginoong Diyos,
at ililigtas ka sa mga kaaway.”
Ang mga bulag ay makakikita,
at makaririnig ang mga bingi;
katulad ng usa, ang pilay lulundag,
aawit sa galak ang mga pipi.
Mula sa gubat ay bubukal ang tubig
at ang mga batis dadaloy sa ilang;
ang umuusok na buhanginan ay
magiging isang lawa,
sa tigang na lupa ay babalong ang tubig.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

o kaya: Aleluya.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Kalul’wa ko, ‘yong purihin
ang Panginoong butihin.

IKALAWANG PAGBASA
Santiago 2, 1-5

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Mga kapatid, bilang sumasampalataya sa ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Panginoon, huwag kayong magtatangi ng tao. Halimbawa: pumasok sa inyong kapulungan ang isang lalaking nakasingsing ng ginto at nakadamit nang magara, at isa namang dukha na panay sulsi ang damit. Kung asikasuhin ninyong mabuti yaong magara ang damit at sabihin sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sabihin naman sa dukha, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya’y, “Sa sahig ka na lang maupo,” nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.

Tingnan ninyo, mga kapatid kong minamahal! Hinirang ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutan upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 4, 23

Aleluya! Aleluya!
Ipinangaral ni Hesus
ang paghahari ng Diyos.
Sakit ay kanyang ginamot.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 7, 31-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pagbabalik ni Hesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Hesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Hesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, “Effata,” ibig sabihi’y “Mabuksan!” At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw. Sinabi ni Hesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito. Sila’y lubhang nanggilalas, at ang wika, “Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang pipi!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Sa kabila ng mga biyayang dulot ng makabagong agham at teknolohiya, nakararanas pa rin tayo ng kakulangan at limitasyon sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Kailangan pa rin natin ang mapagligtas na pamamagitan ng Diyos sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahang Katolika: Nawa’y magtagumpay siya sa pagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan at tapat na pakikipagkasundo sa mga bansa. Manalangin tayo!

Para sa mga pinanghihinaan ng loob at waring napapabayaan ng lahat: Nawa’y makatagpo sila ng malinaw na tanda ng pagkalinga ng Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga may kapansanang pisikal: Nawa’y makadama sila ng pagtanggap at pagmamahal sa kanilang mga kamag-anak at pasanin nila ang kanilang krus nang may buong pananalig. Manalangin tayo!

Para sa mga kabingihang espirituwal at moral: Nawa’y buksan ng biyaya ng Diyos ang kanilang mga kalooban sa pagtanggap ng mensahe ng Mabuting Balita at tumugon sila sa mga daing ng kanilang kapwa. Manalangin tayo!

Para sa mga kautalang espirituwal at moral: Nawa’y makatagpo sila kay Hesus ng lakas ng loob na magpahayag ng katotohanan, manindigan sa tama, at isumpa ang masama. Manalangin tayo!

Upang tayong lahat ay matutong makinig sa panaghoy ng kalikasan at sa pagtangis ng lahat ng biktima ng mga trahedya sa kalikasan at hagupit ng pagbabago ng klima, at nang lahat ay matuto ring mangalaga para sa daigdig na kinalalagyan natin. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, panghi- hinaan kami ng loob kung wala Ka, ngunit kung kasama Ka namin, may magagawa kaming mga kadakilaan. Pagalingin Mo kami ngayon sa aming mga pangamba, kahinaan, at kapintasan nang kami’y mabuhay sa Iyong presensiya nang may pinasiglang kalooban. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 20,401 total views

 20,401 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 41,466 total views

 41,466 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 64,488 total views

 64,488 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 103,551 total views

 103,551 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 1,464 total views

 1,464 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 2,844 total views

 2,844 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 4,282 total views

 4,282 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 4,661 total views

 4,661 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

Lunes, Hunyo 22, 2026

 3,997 total views

 3,997 total views Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Paulino ng Nola, obispo o kaya Paggunita kay San Juan Fisher, obispo,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top