Walk for Life, panawagan laban sa death penalty,abortion at EJK

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 467 total reads

Muling iginiit ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity na ang isasagawa nilang “Walk for Life” ngayong Pro-Life month ay isa ring panawagan laban sa death penalty, abortion at extrajudicial killings.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, layunin ng naturang aktibidad na kilalanin ang dignidad ng buhay lalo na ang mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Bishop Pabillo na maituturing na pagtatapon ng buhay ang paggamit ng droga dahil sinisira nito hindi lamang ang buhay ng tao kundi lalo na ang moral ng lipunan na nagdudulot ng sari – saring krimen.

“Walk for Life’ ibig sabihin laban iyan sa death penalty, laban iyan sa abortion, laban iyan sa extrajudicial killing at laban din iyan sa drug addiction. Kasi yung mga addicts din sinisira nila ang buhay nila at sinisira lang ang buhay ng iba. Kaya iyan ay dapat panindigan natin, panawagan sa mga lay faithful natin na sumama dito sa ‘Walk for Life’ na gagawin natin sa Quirino Grandstand.” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Gaganapin ang “Walk for Life” sa ika – 18 ng Pebrero taong kasalukuyan na susuportahan at dadaluhan ng mahigit 50 lay organizations at institutions na nasasakupan ng Metropolitan Province ng Archdiocese of Manila na idaraos sa Quirino Grandstand mula 4:30 hanggang ika – 8 ng umaga kung saan lahat ay inaanyayahan magpatala at makiisa.

Nauna na ring inilathala at binasa sa mga parokya noong Pro – Life Sunday ang liham pastoral ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na nagpapahayag ng pagkabagabag ng mga Obispo sa nangyayaring kultura ng pagpatay.

Read: http://www.veritas846.ph/takot-pagsasawalang-kibo-sa-madugong-war-om-drugs-pinuna-ng-cbcp/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 15,563 total reads

 15,563 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 50,199 total reads

 50,199 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 86,681 total reads

 86,681 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 104,893 total reads

 104,893 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 188,427 total reads

 188,427 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,364 total reads

 216,364 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,648 total reads

 355,648 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top