Nasunugan sa Parola compound,kinakalinga ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 991 total views

Umaapela ng panalangin at tulong ang Our Lady of Peace and Good Voyage Parish para sa mga naapektuhan ng sunog sa Parola Compound, Tondo Maynila.

Ayon kay Rev. Fr. Jorge Peligro, kura-paroko ng OLPGV, ilang mga pamilya ang nananatili ngayon sa kanilang parokya at kanilang binibigyan ng pagkain at iba pang pangangailangan habang ang ilan ay nanatili sa mga malapit na evacuation center.

Kasalukuyan din aniyang nag-iikot ang mga volunteers ng Simbahan para malaman ang iba pang impormasyon sa naganap na sunog bagamat ang iba sa mga ito ay naapektuhan din.

Sinabi ni Fr. Peligro na kumikilos na sila ngayon para makatulong sa mga apektadong pamilya at bukas sila sa anumang tulong na maibabahagi ng mga may mabututing kalooban.

“Nakita ko naman na marami talaga nabiktima itong sunog maari po lamang na buksan natin ang ating mga puso at tumulong tayo sa mga nangangailangan, sa mga biktima. Sa ngayon yung mga normal na pangangailangan ay mga pagkain, mga damit, mga puwede nila gamitin para makatawid sa problema nila ngayon. Lahat po tayo manalangin, magdasal na sana malampasan nila ang problema na ito.” pahayag ni Fr. Peligro sa panayam ng Veritas 846.

Kaugnay nito inaasahang naman ang pagtugon ng Caritas Manila at Simbahang ng Quiapo sa mga naapektuhan ng sunog sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga relief packs, hygiene kits at pagpapakain sa mga nasunugang residente.

Tinatayang aabot sa 3 libong pamilya o mahigit sa 6 na libong indibidwal ang naapektuhan ng nasabing sunog na tumagal ng halos sampung oras.

Taliwas sa mga naglalabasang ulat, ang Simbahan ay mabilis na tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima ng sunog at kalamidad.

See: http://www.veritas846.ph/diocese-gumaca-pinasalamatan-ang-radio-veritas-caritas-manila/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 63,249 total views

 63,249 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 86,408 total views

 86,408 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 107,682 total views

 107,682 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 273,838 total views

 273,838 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 72,290 total views

 72,290 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top