Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 79,194 total reads

Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS.

Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS.

Ang VIPS na sinasabi natin ay ang mga volunteers in prison ministry or service. Ang pagkilala sa kanila ang tema ng pagdiriwang kahapon ng ika-37 na Prison Awareness Sunday. Ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang araw na ito tuwing huling Linggo ng Oktubre para pataasin ang kaalaman ng mga mananampalataya tungkol sa kalagayan at kapakanan ng mga kapatid nating bilanggo o persons deprived of liberty (o PDL). Sa Prison Awareness Sunday, ipinaaalala din sa ating alamin at unawawin ang mga hamong kinakaharap ng mga PDL. Ang pagdiriwang ay taun-taong pinangungunahan ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP).

Ang mga VIPS, sabi nga sa tema ng Prison Awareness Sunday, ay katuwang ng ating Simbahan sa “pagbabagong punung-puno ng pag-asa” ng mga PDL. Sa pagbibigay nila ng kanilang panahon at lakas para sa isa sa mga pinakaisinasantabi sa ating lipunan, dininig at isinapuso nila ang mga salita ni Hesus sa Mateo 25:36: “Ako’y nabilanggo at inyong pinuntahan.”

Hindi lang simpleng pagpunta sa kulungan ang ginagawa ng mga VIPS. Sa laki ng pagkukulang ng ating gobyerno para tugunan maging ang mga pangunahing pangangailangan ng mga PDL, napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga VIPS. Wala tayong eksaktong bilang ng mga nagboboluntaryo at naglilingkod sa mga bilangguan, pero napakarami ng serbisyong inihahatid nila sa mga kapatid nating tumatahak sa landas tungo sa pagbabagong-buhay.

May mga nagbibigay ng pagkain at mga gamit panlinis ng katawan (o hygiene kits). May mga doktor at health practitioners na nagbibigay ng libreng konsultasyon para matiyak ang kalusugan ng mga bilanggo, lalo na ng mga matatanda at maysakit. May mga gurong nagtuturo sa mga PDL hanggang sa makatapos sila sa kanilang pag-aaral kahit pa nasa loob ng kulungan. May mga nagsasagawa ng mga livelihood projects upang tulungan ang mga bilanggong magkaroon ng mapagkakakitaan. Ang kanilang kinikita ay hindi lamang para makabili sila ng kailangan nila; may ilang nagbibigay pa sa kanilang pamilyang nasa labas. May mga VIPS din na nagbibigay ng espiritwal na paggabay sa PDL; talaga naman kasing napakalaki ng epekto ng pagkakakulong sa buhay-pananampalataya ng mga bilanggo.

Instrumento ang mga VIPS para malampasan ng mga bilanggo ang anumang hadlang sa pagkamit nila ng kanilang mga kailangan. Sa pamamagitan nila, nakikita at napahahalagahan ng mga bilanggo ang kanilang dignidad na hindi nabubura ng kahit anong pagkakamali sa buhay. Sa mensahe ni Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP-ECPPC, ang misyon ng Simbahang kalingain ang mga bilanggo ay hindi epektibong maisasakatuparan kung wala ang mga volunteer. Dahil sa kanila, namamalas ng mga pinagkakaitan ng kalayaan ang pag-ibig at habag ng Panginoon. Ang mga VIPS ang nagsisilbing mukha ng pag-ibig at habag na ito. 

Matinding hirap ang pinagdaraanan ng ating mga nakakulong na kapatid. Hanggang noong Hunyo 2024, aabot sa halos 127,000 ang bilang ng mga nasa bilangguang nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (o BJMP). Sobrang siksikan ang kalagayan sa mga kulungan; pangatlo nga raw ang Pilipinas sa tinatawag na “jail and prison overcrowding”. Saksi ang mga VIPS sa problemang ito, at sa abot ng kanilang makakaya, iniibsan nila ang hirap na nararanasan ng ating mga PDL.

Mga Kapanalig, kulang ang anumang salita para pasalamatan ang mga volunteers in prison ministry or service. Mabuhay ang mga VIPS!

Sumainyo ang katotohanan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 12,058 total reads

 12,058 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 25,916 total reads

 25,916 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 54,934 total reads

 54,934 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 103,200 total reads

 103,200 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 125,289 total reads

 125,289 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 223,678 total reads

 223,678 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nalulugi ang transportasyon

 25,917 total reads

 25,917 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 54,935 total reads

 54,935 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

PAX SILICA

 125,290 total reads

 125,290 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »
Scroll to Top