Moratorium sa pagbaklas ng fishpens sa Laguna lake, pinalawig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 410 total reads

Muling naglabas ang Laguna Lake Development Authority ng moratorium kaugnay sa pagbabaklas ng mga fish pens at cages sa Laguna Lake.

Kasama ang team ng Radio Veritas, nilibot ng LLDA at ng National Anti-Environmental Crime Task Force -Department of Environment and Natural Resources, ang Laguna Lake upang ibaba sa mga fish pens at cages owner ang moratorium na nagsasaad na hanggang March 31, 2017 ang huling palugit nito upang maharvest at maibenta ang kanilang fish stocks.

Bukod dito siniyasat din ng NAECTF ang mga palaisdaan matapos itong makatanggap ng ulat na mayroong armadong security ang malalawak na hektaryang palaisdaan.

Gayunman sa pag iikot ng grupo ay wala itong nasabat na mga armas at pawang mga katiwala lamang ang naiwang nagbabantau sa mga palaisdaan.

Sa kabila nito, tiniyak parin ni Under Sec. Arturo Valdez na ipagpapatuloy ng Task Force ang pagbabantay sa Laguna lake at titiyaking walang mang aabuso sa maliliit na mga mangingisda.

Nangako ang LLDA na tutuparin nito ang inihayag ni President Duterte sa kanyang SONA noong 2016, na bibigyang prayoridad ang maliliit na mangingisda.

“Ayon sa Board resolution, kailangang siguruhin ng LLDA na hindi maaapektuhan ang kalagayan at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda, ang pinagbilin po ng ating Pangulo at ni Secretary Gina Lopez, siguraduhin na ang mahihirap at maliliit na mangingisda ay hindi maaapektuhan ng mga paglilinis na iton dahil po dyan lahat po ng mga istrukturang maliliit, yung mga maliliit na mangingisda (200sqm o mas maliit pa) ay hindi po maaapektuhan ng paglilinis na ito.” pahayag ni LLDA General Manager Jaime Medina.

Sa susunod na Linggo ay muling magsasagawa ng dismantling operation ang task force at layon nitong malinis ang 13,000 hektarya ng lawa bago ang muling SONA ni President Duterte ngayong 2017.

Sa Social Doctrine of the Church, pabor ang simbahan na kumita ang mga mamumuhunan subalit hindi dapat ito magdulot ng masamang epekto sa kalikasan o makadagdag sa paghihirap ng mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 35,442 total reads

 35,442 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 73,250 total reads

 73,250 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 108,549 total reads

 108,549 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 334,819 total reads

 334,819 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 225,990 total reads

 225,990 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 36,191 total reads

 36,191 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 29,082 total reads

 29,082 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top