Obispo ng Surigao, nagpaabot ng panalangin sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 408 total views

Idineklara na ang state of calamity sa Surigao City matapos makaranas ng magnitude 6.7 na lindol kagabi.

Batay sa ulat maraming mga gusali at establisyemento ang naapektuhan ng lindol habang ilang mga kalsada at tulay ang hindi pa din madaan.

Patuloy ang isinasagawang clearing at rescue operation ng lokal na pamahalaan bagamat hindi pa rin nanunumbalik ang supply ng kuryente at tubig sa maramig lugar.

Kasalukuyan na rin kumikilos ang Social Action Center ng Diocese of Surigao upang makapagsagawa ng Post Disaster Assessment bagamat hirap itong kumilos dahil apektado rin maging ang mga kinatawan nito.

Samantala, naka antabay na ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan sa ano mang pangangailangan ng diyosesis sa oras na nakapangalap na ito ng impormasyon.

Ayon kay Caritas Manila Damayan Program Priest In Charge Rev. Fr. Ricardo Valencia, naka-monitor sila
sa mga kaganapan sa Surigao at nauunawaan nito ang hirap at takot na nararanasan ngayon ng mga residente maging mga kinatawan ng Simbahan sa lugar.

Batay sa datos ng Provincial Government ng Surigao City, 6 na ang naitalang nasawi sa naganap na lindol habang mahigit 100 tao ang nasugatan.

Kaugnay nito, nagpaabot ng panalangin si Diocese of Surigao Bishop Antonito Cabahog sa mamamayan ng lalawigan.

“Father all powerful and most loving, You have spared your faithful in the Diocese of Surigao from greater harm amidst the strong earthquake.

We thank you for sparing so many from death and destruction.

Shaken but more dependent on your Love and Providence, we move on in the journey as a people of communion in our Basic Ecclesial Communities.

We implore the help of Our Lady of Lourdes, to whom we turn our gaze, to stay with us and lead us safely to the peace of Jesus, her Son. Amen.”

Prayer from Diocese of Surigao Bishop Antonieto Cabajog

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 5,685 total views

 5,685 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 28,837 total views

 28,837 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 98,949 total views

 98,949 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 173,563 total views

 173,563 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 253,291 total views

 253,291 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 91,281 total views

 91,281 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top