Hindi titigil ang Simbahan sa pangangaral ng Mabuting Balita- Archbishop Cruz kay Speaker Alvarez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Tungkulin ng Simbahan ang manindigan sa katotohanan at sa katuruan ng Diyos.

Ito ang naging sagot ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na masyadong nakikialam ang Simbahang Katolika sa gobyerno lalo na sa pagtutol sa death penalty.

Iginiit pa ni Archbishop Cruz mananatiling konsensya ng bayan ang Simbahan at may kalayaan naman ang estado na pumili ng mabuti at mali ngunit hindi aniya siya titigil sa pangangaral ng Mabuting Balita ng Diyos lalo na ng buhay.

“I’m not offended I understand him (Alvarez) kaya lamang napakahirap naman tumahimik ako bilang alagad ng Diyos pagkat pangalan ng Diyos ang sinusuway wala akong kibo. Ano ako manunuod? Huwag naman ganun. Kung gusto niyang pag aralan yung sinabi ko sige lang salamat, kung ayaw niya tapon niya sa basura salamat din no problem.” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Kaugnay pa rin ng pagsusulong ng death penalty sa kongreso idinagdag pa ni Archbishop Cruz na lahat ng kanilang pangangaral ay hindi naman galing lamang sa sarili nilang opinyon kundi galing sa Panginoon.

Pinaalalahanan rin nito ang ilang public leaders na tungkulin ng mga ito na maging lingkod bayan at hindi ang maging ‘diyos ng bayan.’

“Hindi ko naman mauutos yung huwag kang papatay, sa akin ba galing yun? Galing sa Panginoon yun inuulit ko lang, kung makinig siya (Alvarez) salamat kung hindi, siya ang bahala. Yun nga kung minsan ‘public officials’ they should be ‘public servants’ , hindi they became like ‘public lords and public Gods’ nakakahiya.” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Nauna na ring sinabi ni Caloocan Bishop Ambo David na kailanman ay hindi katanggap – tanggap na gamitin ang Bibliya sa pagsusulong ng parusang kamatayan.

Umapela na rin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng panalangin at pagkilos laban sa death penalty.

Kasabay rin nito ang inilabas na pastoral letter ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pinamumunuan ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas lalo na pagkabagabag ng mga ito sa kultura ng kamatayan.

Nabatid na nakapagtala ang Amnesty International noong 2015 ng pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng mga nahatulan ng parusang kamatayan na umabot sa 1, 634.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,824 total reads

 13,824 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,572 total reads

 48,572 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,054 total reads

 85,054 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,266 total reads

 103,266 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,874 total reads

 186,874 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,255 total reads

 216,255 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,577 total reads

 355,577 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top