Hindi titigil ang Simbahan sa pangangaral ng Mabuting Balita- Archbishop Cruz kay Speaker Alvarez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total reads

Tungkulin ng Simbahan ang manindigan sa katotohanan at sa katuruan ng Diyos.

Ito ang naging sagot ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na masyadong nakikialam ang Simbahang Katolika sa gobyerno lalo na sa pagtutol sa death penalty.

Iginiit pa ni Archbishop Cruz mananatiling konsensya ng bayan ang Simbahan at may kalayaan naman ang estado na pumili ng mabuti at mali ngunit hindi aniya siya titigil sa pangangaral ng Mabuting Balita ng Diyos lalo na ng buhay.

“I’m not offended I understand him (Alvarez) kaya lamang napakahirap naman tumahimik ako bilang alagad ng Diyos pagkat pangalan ng Diyos ang sinusuway wala akong kibo. Ano ako manunuod? Huwag naman ganun. Kung gusto niyang pag aralan yung sinabi ko sige lang salamat, kung ayaw niya tapon niya sa basura salamat din no problem.” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Kaugnay pa rin ng pagsusulong ng death penalty sa kongreso idinagdag pa ni Archbishop Cruz na lahat ng kanilang pangangaral ay hindi naman galing lamang sa sarili nilang opinyon kundi galing sa Panginoon.

Pinaalalahanan rin nito ang ilang public leaders na tungkulin ng mga ito na maging lingkod bayan at hindi ang maging ‘diyos ng bayan.’

“Hindi ko naman mauutos yung huwag kang papatay, sa akin ba galing yun? Galing sa Panginoon yun inuulit ko lang, kung makinig siya (Alvarez) salamat kung hindi, siya ang bahala. Yun nga kung minsan ‘public officials’ they should be ‘public servants’ , hindi they became like ‘public lords and public Gods’ nakakahiya.” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Nauna na ring sinabi ni Caloocan Bishop Ambo David na kailanman ay hindi katanggap – tanggap na gamitin ang Bibliya sa pagsusulong ng parusang kamatayan.

Umapela na rin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng panalangin at pagkilos laban sa death penalty.

Kasabay rin nito ang inilabas na pastoral letter ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pinamumunuan ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas lalo na pagkabagabag ng mga ito sa kultura ng kamatayan.

Nabatid na nakapagtala ang Amnesty International noong 2015 ng pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng mga nahatulan ng parusang kamatayan na umabot sa 1, 634.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 68,020 total reads

 68,020 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,713 total reads

 146,713 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 180,160 total reads

 180,160 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,457 total reads

 215,457 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,190 total reads

 439,190 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,057 total reads

 298,057 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,010 total reads

 409,010 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top