Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 51,657 total reads

Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo na mapag-aral at mapagtapos ng karera sa kolehiyo ang iyong mga anak.

Bukod sa kakulangan ng mga guro, maayos na pasilidad…Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagiging balakid sa kinabukasan ng higher education institutions(HEIs) ang “financial instability”. Natuklasan sa pag-aaral ng PIDS na may titulong “Financial Sustainability of Higher Education Institutions in the Philippines: Issues, Challenges and Opportunities”, na ang dependensiya ng HEIs sa tution fees (matrikula) at pampublikong HEIs sa government subsidies ay lumilikha ng kahinaan at lamat sa higher education system ng bansa.

Ibinabala din ng PIDS na marami sa mga pribado at pampublikong paaralan ay nahihirapang ipagpatuloy ang operasyon dahil sa mga outdated na regulasyon, political disruptions at mataas na operational costs. Dulot ng mga problemang ito ay nalalagay sa alanganin ang pinansiyal na kalagayan ng mga HEIs.

Malaki at nababawasan din ang enrollment sa mga pribadong HEIs dulot ng “free tuition policy” ng pamahalaan sa mga pampublikong paaralan. Sinasabi ng mga eksperto na dapat ibigay ng pamahalaan ang scholarship sa mga nangangailangan nito, at palawakin ang scholarship program kasama ang pribadong HEIs students.

Tinukoy din sa pag-aaral ang problema sa kawalan ng “long term direction” sa Commission on Higher Education (CHED). Ika nga Kapanalig, “It goes with the wind. Whatever the political breeze is”. Napapanahon ng ilagay sa CHED ang mga career officials mula sa academe… hindi mga political appointee na walang alam sa pagpapatakbo ng sektor ng edukasyon. Kapag nagpalit ng pamumuno, iba na naman ang polisiyang ipapatupad. Ang sektor ng edukasyon ay nangangailangan ng matatag na pundasyon hindi niyayanig ng mga pulitiko.

Ang krisis sa edukasyon ay isang wake-up call sa mga policy makers at educators na magkaisa upang matugunan ang problema.

Sa talaan ng CHED, mayroong 1,708 ang mga pribadong HEIs, 137 naman ang Local Universities and Colleges, 113 ang State Universities and Colleges (SUC) habang 546 ang State Universities and Colleges at 13 ang Other Government Schools (OGS) sa bansa.
Kapanalig, tinututukan at pinapalawak ng Caritas Manila, ang social arm ng Archdiocese of Manila ang scholarship na Youth Servant Leadership Education Program (YSLEP) na mayroong 4,240 scholars mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. Ang YSLEP ay magandang programa sa poverty eradication o masugpo ang kahirapan sa bansa. Binigyan-diin ng pinuno ng Caritas Manila na “education is the best social equalizer”.

Ipinaalala ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Amoris Laetitia Chapter 7: (259) Towards a better education for children “Parents always influence the moral development of their children, for better or worse”.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 2,485 total reads

 2,485 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 55,279 total reads

 55,279 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 92,070 total reads

 92,070 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 124,582 total reads

 124,582 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 175,432 total reads

 175,432 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 237,055 total reads

 237,055 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 55,280 total reads

 55,280 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 92,071 total reads

 92,071 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 124,583 total reads

 124,583 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top