Pagmamahalan at pagpapatawad, hamon ni Cardinal Advincula sa pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,904 total reads

Ipinaalala ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga pamilya na paigtingin ang pagmamahalan at paghariin ang pagpapatawad sa puso.

Ito ang mensahe ni Caridnal Advincula sa fiesta mass ng Holy Family Parish ng Diocese of Novaliches.

Ayon kay Cardinal Advincula, katulad ng kasagraduhan ng Holy Family si Jesus, Maria at Joseph ay patuloy na mamayani ang pagmamahalan ng bawat kabilang sa pamilya.

“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa pagtipon niya sa atin bilang kaniyang pamilya upang kaniyang busugin ng kaniyang salita at katawan, at dugo, mahalaga ang pamilya, kahit ang Diyos, ng pinili niyang magkatawang tao, pinili niyang maging bahagi ng isang pamilya, pinili niyang manahan sa sinapupunan ng ina, sa siyam na buwan upang maging bahagi ng isang pamilya, umuuwi tayo sa pamilya kapag nasasaktan tayo, nagugutom, naguguluhan sa mga pangyayari sa buhay, tahanan ang ating uwian bilang pamilya,” ayon sa pagninilay ng Arsobispo.

Tiniyak naman ng Diocese of Novaliches ang pagsusulong sa kasagraduhan at kahalagahan ng pamilya bilang pundasyon ng lipunan.

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, mahalagang mapanatili ang pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya upang malampasan ang anumang pagsubok.

“Paanyaya po ng ating kapistahan ay tayo ay tunay na mabuo at magkaisa sa pamilya, isabuhay ang pagpapahalaga, isabuhay ang ugnayan sa pamilya para tunay nating mapanatili ang pagiging pamilya, siguro unang-unang kilalanin muna si Maria, pati si Hesus paano nga ba sila namuhay dito sa lupa? para alam natin kung sino yung gagayahan natin at tutularan natin at tayo din ay maging halimbawa sa ating kapwa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Gaa.

Nangako din si Fr. Wilmer Samillano Sch. P, na bilang pastol ay titiyakin na mananatiling sagrado ang pamilya sa pamamagitan ng pagdedebosyon sa mga katuruan ng Holy Family.
Inihayag ng Pari na kung magiging masaya at matatag ang pamumuhay ng isang pamilya kung naka-sentro sa panginoon ang kanilang pamumuhay sa gitna ng maraming banta na maaring sumira dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,125 total reads

 49,125 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,822 total reads

 128,822 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,269 total reads

 162,269 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,567 total reads

 197,567 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,174 total reads

 422,174 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top