Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,803 total reads

Mga Kapanalig, noong huling araw ng Enero, iba’t ibang grupo ang nagkasá ng kilos-protesta para protektahan ang pondo ng bayan. Pangunahing panawagan nila ang pagbibigay-linaw ng administrasyon sa ipinasá nitong budget para ngayong taon. Ikinababahala kasi ng mga grupong ito na baka magamit ang pera ng bayan para sa mga proyektong gagatasan ng mga tiwaling pulitiko at sa mga ayudang baka magamit sa vote buying. Ikinabit na rin ang mga pagkilos na ito sa panawagang paandarin na ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte nang lumabas na ang katotohanan kung paano ginamit ng kanyang opisina ang confidential funds. 

May tatlong pagtitipong ginanap noong araw na iyon. Noong umaga, nagsama-sama sa People Power Monument ang mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, kabilang ang mga pamilya ng mga biktima ng madugong giyera kontra droga. Pagkatapos ng tanghalian, mga progesibong grupo at mga samahan ng mga estudyante ang dumagsa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Nagtapos ang araw sa isang prayer rally sa ESDA Shrine. 

Sa mga pagkilos na ito, kapansin-pansin ang presenya ng mga taong Simbahan—mga pari, madre, at seminarista. Gaya sa ibang mga kilos-protesta, pinuna ng ilan ang pakikilahok ng mga relihiyoso sa mga ganitong gawain. May mga komentong katulad ng: “Bakit nakikisali ang mga pari at madre sa paglaban sa gobyerno?” O kaya naman, “May ibang mas mahahalagang isyung dapat tutukan ang Simbahan.” Meron ding ganitong puna: “Nalilimutan na yata ng mga pari at madre ang separation of Church and State.”

Hindi pa rin tayo nakalalampas sa paniniwalang ang Simbahan ay hindi dapat nakikisawsaw sa mga isyung panlipunan at pampulitika. Ang papel lang daw ng Simbahan ay ang palalimin ang pananampalataya natin sa Diyos at ang ipagtanggol ang moralidad laban sa mga makamundong kultura at pamumuhay. 

Pero hindi ba’t kinuwestyon mismo ni Hesus ang umiiral na balangkas sa lipunan noong panahon niya? Hindi ba’t pumanig siya sa mga dukha at inaapi ng mga nasa poder? Lantaran niyang pinuna ang mga Pariseong nagpapanatili ng hindi pagkakapantay-pantay. Hinamon niya ang mga pinunong pinagsasamantalahan ang maliliit at pinagkakakitaan ang templo. Hindi siya nanawagan ng pagpapatalsik sa mga nakaluklok sa posisyon, pero hindi siya nangiming punahin ang mga nakikita niyang mali. Sa Lucas 4:43, sinabi ni Hesus, “Dapat ko ring ipangaral… ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, sapagkat ito ang dahilan kaya ako isinugo.”

Walang humahadlang sa mga taong Simbahan na sumali sa mga usaping panlipunan at pampulitika. Bahagi ito ng Ebanghelisasyon. Bahagi ito ng pagpapalaganap ng Salita ng Diyos. Bahagi ito ng pagtatatag ng kaharian ng Diyos dito sa lupa. Bilang mga tagasunod ni Hesus, ang mga pari, madre, seminarista, at iba pang itinatalaga ang kanilang sarili sa pagsunod kay Kristo ay may tungkuling isabuhay ang mga turo ng Panginoon, lalo na ang pagtatanggol sa mga nasa laylayan, pagtataguyod ng katotohanan, at pagpapanatili ng kapayapaan at katarungan.

Sa Catholic social teaching na Evangelii Gaudium, ipinapaalala sa atin ng ating Simbahan: ang ating pagtatayâ para sa mabuti ay hindi lamang sa mga gawain at programang nagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan. Inuudyukan tayo ng Banal na Espiritu hindi para sumali sa marahas at magulong aktibismo. Ang pagkilos nating mga Katoliko—relihiyoso man o layko—ay dapat nakatuon sa ating kapwa, sa paraang nakikita natin sila bilang hindi iba sa atin. Ito ang dahilan ng “pakikialam” ng Simbahan sa buhay ng lipunang kinapapalooban nito. Walang ibang agenda kundi ang kapakanan ng sambayanan ng Diyos.

Mga Kapanalig, may kasabihan nga: “The price good men pay for indifference to public affairs is to be ruled by evil men.” Walang magbabago kung nasa tabi lang tayo at walang gagawin.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 110,705 total reads

 110,705 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 196,087 total reads

 196,087 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 259,925 total reads

 259,925 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 340,302 total reads

 340,302 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 418,028 total reads

 418,028 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Special treatment?

 110,706 total reads

 110,706 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 196,088 total reads

 196,088 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 259,926 total reads

 259,926 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 340,303 total reads

 340,303 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »
Scroll to Top