Miyerkules, Pebrero 19, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,181 total reads

Miyerkules ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 8, 6-13. 20-22
Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Marcos 8, 22-26

Wednesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 8, 6-13. 20-22

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng daong, at pinalipad ang isang uwak. Ito’y lumigid nang lumigid hanggang ang tubig ay matuyo sa lupa. Sunod niyang pinalipad ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig. Palibhasa’y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya’t nagbalik ito; hinuli ito ni Noe at muling ipinasok sa daong. Pagkaraan ng pitong araw, muli niyang pinalipad ang kalapati. Pagbalik nito kinagabihan, ito’y may tangay na sariwang dahon ng olibo. Natiyak ni Noe na kati na ang tubig. Nagpalipas uli ng pitong araw si Noe saka pinalipad uli ang kalapati, ngunit hindi na ito nagbalik.

Noon ay animnaraa’t isang taon si Noe. Nang unang araw ng unang buwan, inalis ni Noe ang takip ng daong at nakita niyang natutuyo na ang lupa.

Si Noe ay nagtayo ng dambana para sa Panginoon. Kumuha siya ng isa sa bawat hayop at ibong malinis, at sinunog bilang handog. Nang masamyo ng Panginoon ang halimuyak nito, sinabi niya sa sarili, “Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao. Alam kong masama ang kanyang isipan mula sa kanyang kabataan. Hindi ko na lilipulin uli ang anumang buhay.

Hanggang naririto’t buo ang daigdig,
tagtanim, tag-ani, palaging sasapit;
tag-araw, tag-ulan, taglamig, tag-init,
ang araw at gabi’y hindi mapapatid.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog
sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang,
ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.
Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang,
sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

ALELUYA
Efeso 1, 17-18

Aleluya! Aleluya!
D’yos Ama ni Hesukristo,
kami ay liwanagan mo
at tutugon kami sa ‘yo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 22-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating sina Hesus at ang mga alagad sa Betsaida. Dinala kay Hesus ng ilang tao ang isang bulag at ipinamanhik na hipuin ito. Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata saka ipinatong ang kanyang mga kamay. “May nakikita ka na bang anuman?” tanong niya. Tumingin ang lalaki at ang wika, “Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit sila’y parang punongkahoy.” Muling hinipo ni Hesus ang mga mata ng bulag; ito’y tuminging mabuti. Nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakita ang lahat. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Umuwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Hilingin natin sa Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang makasunod tayo sa kanya nang buong puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, punuin Mo kami ng iyong liwanag.

Ang Simbahan nawa’y umunlad sa kanyang pagsisikap na dalhin ang liwanag sa mga nakararanas ng kadiliman sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating mabuting gawain, ang mga hinahamak, mga itinakwil at mga walang nagmamahal sa ating lipunan nawa’y makaramdam ng pagkalinga ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus na siyang nagbubukas ng ating paningin sa kagandahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagmahal na presensya ng Diyos sa mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y makatagpo ng walang maliw at walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang mabuhay kami sa liwanag ng iyong Anak na si Kristo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

ANAK NG TAO

 2,189 total reads

Homiliya para sa Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon, 13 Nobyembre 2026

2 Juan 4–9; Lucas 17:26–37

Sa ating unang pagbasa, may babala si San Juan tungkol sa mga taong tinatawag niyang mga manlilinlang o Antikristo. Sino sila? Sila raw ang mga hindi kumikilala na si Hesukristo ay tunay na naging tao.

Nakakagulat, ano? Noong panahon pa pala ni San Juan, mayroon nang mga Kristiyanong nahihirapang tanggapin ang tunay na pagkatao ni Hesus. Madali nilang tanggapin na si Hesus ay Anak ng Diyos. Pero Anak ng Tao? Na ang Diyos ay talagang naging tao, tulad natin?

May lumaganap noon na katuruang tinatawag na Docetism, mula sa salitang Griyego na nangangahulugang “magmukha lamang.” Para sa kanila, nagmukha o nag-anyong tao lang si Hesus. Para bang Diyos siyang nagpanggap na tao. Hindi nila matanggap na naging tunay na tao ang Diyos, dahil iniuugnay nila ang pagiging tao sa kahinaan, karupukan, kasalanan na dahilan ng pagdurusa, at kamatayan.
Parang magandang pakinggan, pero mali. Dahil minamaliit nila ang likas na dangal ng ating pagkatao.Hindi ba’t hanggang ngayon, kapag nagkakamali tayo, ang madalas nating sabihin, “Pasensya na, tao lang.” Para bang napakasamang maging tao. Para bang ang pagiging tao ay katumbas ng pagiging mahina, makasalanan, at palpak.

Pero iba ang ipinahahayag ng ating pananampalataya. Ang Diyos ay naging tao, hindi para maliitin ang ating pagkatao, kundi para itaas ang dangal nito. Hindi siya nagkunwaring tao. Naging tunay siyang tao, maliban sa kasalanan.

At sa pamamagitan niya, binigyan tayo ng Diyos ng isang bagong huwaran ng pagkatao. Kung dati, sina Adan at Eba ang ating iniuugnay sa pagkataong nasira ng kasalanan, ngayon mayroon na tayong bagong Adan, si Hesukristo, na nagtuturo sa atin kung paano tunay na magpakatao.

Ito naman ang koneksyon sa ating Ebanghelyo. Kapansin-pansin na kapag nagsasalita si Hesus tungkol sa kanyang muling pagbabalik, hindi niya ginagamit ang titulong Anak ng Diyos. Ang ginagamit niya ay Anak ng Tao.

Sinasabi niyang darating ang araw ng pagbubunyag ng Anak ng Tao. Isang sandali ng krisis, ng pagsusulit, ng pagbubukod. Tulad noong panahon ni Noe at ni Lot, nagpapatuloy ang mga tao sa kanilang karaniwang pamumuhay—kumakain, umiinom, nag-aasawa, bumibili, nagbebenta, nagtatanim at nagtatayo. Walang kamalay-malay na darating ang sandali ng pagsusulit.
At ano ang magiging batayan ng pagbubukod? Dito mahalagang pakinggan ang sinabi ni Hesus: “Ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang handang mawalan ng kanyang buhay ay siyang magliligtas nito.”

Ito ang kakaibang prinsipyo ng bagong pagkataong ipinakilala sa atin ni Kristo.

Sa mundong ito, ang madalas nating iniisip ay kung paano natin maililigtas ang ating sarili, paano tayo makakaangat, paano tayo makakalamang sa kapwa. Pero para kay Hesus, ang tunay na pagkatao ay hindi nasusukat sa kung gaano karami ang ating naipon o napakinabangan para sa sarili, kundi sa kung gaano tayo natutong magmahal, maglingkod, at mag-alay ng buhay para sa kapwa.
Hindi sapat ang maging tao. Ang hamon sa atin ay magpakatao. At hindi tayo tunay na makapagpapakatao kung hindi tayo matututong makipagkapwa-tao. Ito ang bagong pagkataong ipinakilala sa atin ng Anak ng Tao.

Habang papalapit tayo sa pagtatapos ng taon ng liturhiya at naghahanda sa panahon ng Adbiyento, ito ang paalala sa atin ng mga pagbasa: Ang kaligtasang hinihintay natin ay hindi lamang tungkol sa pagdating ng Panginoon sa katapusan ng panahon. Tungkol din ito sa ating paghahanda na maging tunay na tao, ayon sa kanyang halimbawa.

Dahil sa huli, ang haharap sa atin bilang Hukom ay walang iba kundi ang Anak ng Tao—si Hesukristo, ang tunay na huwaran ng ating pagkatao. At ang tanong niya sa atin ay hindi lamang, “Naniwala ba kayo sa akin?” kundi, “Natuto ba kayong magpakatao, tulad ng itinuro ko sa inyo?”

PERSISTENCE

 2,515 total reads

Gospel Reading for November 14, 2026 – Luke 18: 1-8

PERSISTENCE

Jesus told his disciples a parable about the necessity for them to pray always without becoming weary. He said, “There was a judge in a certain town who neither feared God nor respected any human being. And a widow in that town used to come to him and say, ‘Render a just decision for me against my adversary.’ For a long time the judge was unwilling, but eventually he thought, ‘While it is true that I neither fear God nor respect any human being, because this widow keeps bothering me I shall deliver a just decision for her lest she finally come and strike me.’” The Lord said, “Pay attention to what the dishonest judge says. Will not God then secure the rights of his chosen ones who call out to him day and night? Will he be slow to answer them? I tell you, he will see to it that justice is done for them speedily. But when the Son of Man comes, will he find faith on earth?”

————

Of course, Jesus was not saying that God is like the judge who had no respect for any human being. Jesus was pointing out that if even such a person eventually rendered a just decision to the widow because of her PERSISTENCE, why would the God who loves us so much not listen to our pleas?

Faith and Trust in God are our PERSISTENCE. As long as we continue to have these, we will be able to see when and how God answers our prayers.

Perhaps, for most of us, we did not receive exactly what we asked or hoped for at the time we expected. But time will tell when God finally answers our prayers.

Lord Jesus, help us to always put our Faith and Trust in you. Amen.

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 25,998 total reads

Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno ay hindi na pinagkakatiwalaan ng taumbayan.

Ordinaryo na sa Pilipinas ang paghihirap. Bawat araw, nagigising ang maraming Pilipino at nahaharap sa kaparehong katanungan: Hanggang kailan tataas ang halaga ng mga bilihin? Magkakasya ba ang kakarampot na sahod sa pang-araw-araw na gastusin? Matustusan ba ang pagpapaaral ng mga anak? Makakabayad ba ng kuryente at tubig?

Kailan kaya tutuparin ng mga inihalal at pamahalaan ang pangako nitong serbisyo publiko?

Ito ay hindi lamang araw-araw na frustrations ng mga Pilipino. Ito ay senyales ng isang bansang nangangailangan ng makabuluhang pagbabago mula sa mga politikong iniluklok sa puwesto.

Kapanalig, kabilang sa alalahanin at pasanin ng mayorya ng mga Pilipino ang “cost of living”. Base sa report ng Philippine Statistic Administration, umabot na sa 7.8-porsiyento ang inflation, pinakaabilis sa nakalipas na apat na taon.

Para sa ordinaryong pamilyang Pilipino, ito ay nangangahulugan ng kulang na pagkain sa hapag kainan, kawalan ng pagkakataon na makapag-ipon o makapag-impok, at kahirapan na matugunan ang pangunahing pangangailangan.

Kahit sabihin ng pamahalaan na ito ay economic statistic lamang, ang epekto nito ay nararamdaman sa pamilihang bayan, grocery stores at kabahayan sa bansa..

Kapanalig, paano pagkakatiwalian ng mga Pilipino ang gobyerno kung nagiging endemic na ang katiwalian?

Ang kawalan ng transparency at accountability ng pamahalaan sa paggasta ng pera ng bayan ang unti-unting umuubos sa pasensiya ng mga Pilipino.

Ang nararanasang hirap ng mga manggagawang Pilipino ay dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan, marami ang nagta-trabaho ng mahabang oras ngunit ang sahod ay hindi sapat sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Ang pinangangambahan ay matinding epekto ng El Niño, inaasahan itong magdudulot ng kakulangan sa supply ng tubig, pagkalugi ng sektor ng agriculture at maging sanhi ng pagtaas lalu ng presyo ng pagkain na magiging mabigat na pasanin ng mga magsasaka, mangingisda at bulnerableng komunidad sa bansa.

Kapanalig,ang malalim na problema ay kawalan ng malasakit ng gobyerno na tugunan ang nararanasang paghihirap ng mga ordinaryong Pilipino. Ika nga, bulsa muna bago ayudad.

Kapanalig, sinasabi ng “Proverbs 19:17- Whoever is kind to the poor lends to the Lord, and he will reward them for what they have done.”

Sobra sobra na ang hirap na dinaranas ng mga Pilipino. “They deserve a government that listens, acts, and takes responsibility.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 25,999 total reads

 25,999 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 110,201 total reads

 110,201 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 204,532 total reads

 204,532 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 266,218 total reads

 266,218 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 310,698 total reads

 310,698 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 21,730 total reads

 21,730 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 24,252 total reads

 24,252 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 26,335 total reads

 26,335 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 24,854 total reads

 24,854 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 25,955 total reads

 25,955 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top