Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Pebrero 20, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,751 total views

Huwebes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 9, 1-13
Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

Marcos 8, 27-33

Thursday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 9, 1-13

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Si Noe at ang kanyang mga anak ay pinagpala ng Diyos: “Magkaroon kayo ng maraming anak at kalatan ninyo ang buong daigdig. Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop, pati mga ibon, ang lahat ng gumagapang sa lupa at ang mga isda. Ang lahat ng ito ay inilalagay ko sa ilalim ng inyong kapangyarihan. Ibinibigay ko sa inyo ang mga hayop at mga halamang luntian upang maging pagkain ninyo. Isang bagay lamang ang hindi ninyo makakain, ang karneng hindi inalisan ng dugo na siyang sagisag ng buhay. Papatayin ang sinumang papatay sa inyo, maging ito’y hayop. Sisingilin ko ang sinumang taong papatay ng kanyang kapwa.

Sinumang pumatay ng kanyang kapwa ay buhay ang bayad sa kanyang ginawa, sapagkat ang tao’y nilalang, nilikha ayon sa larawan ng Diyos na dakila.

“Magkaroon nga kayo ng maraming anak upang kalatan nila ang buong daigdig.”

Sinabi ng Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak, “Ako’y makikipagtipan sa inyo ngayon, pati na sa inyong magiging mga anak, gayun din sa lahat ng mga bagay na may buhay sa paligid ninyo – mga ibon, maaamo’t maiilap na hayop na kasama ninyo sa daong. Ito ang masasabi ko sa aking pakikipagtipan sa inyo: Kailanma’y hindi ko na lilipulin sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay. Wala nang baha na gugunaw sa daigdig.” Sinabi pa ng Diyos, “Ito ang magiging palatandaan ng walang hanggang tipan na ginagawa ko sa inyo at sa lahat ng hayop: Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari, at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

Ang lahat ng bansa sa Poon ay takot,
maging mga hari sa buong sinukob.
Kung iyong itayong pamuli ang Sion,
ika’y mahahayag doon, Panginoon.
Daing ng mahirap ay iyong diringgin,
di mo tatanggihan ang kanilang daing.

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

Ito’y matititik upang matunghayan,
ng sunod na lahing di pa dumaratal;
ikaw nga, O Poon, ay papupurihan.
Mula sa itaas, luklukan mong banal,
ang lahat sa lupa’y iyong minamasdan
iyong dinirinig ang pagtataghuyan
ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,
upang palayain sa hirap na taglay.

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

At ang mga anak ng ‘yong mga lingkod,
mamumuhay namang panatag ang loob;
magiging matatag ang kanilang angkan,
sa pag-iingat mo, sila ay tatagal.
Anupa’t ang iyong ngala’y mahahayag,
sa Sion, O Poon, ika’y ibabansag;
pag ang mga bansa ay nagsasama-sama
sa banal na lungsod upang magsisamba.

Mula sa iyong luklukan,
lahat ay ‘yong minamasdan.

ALELUYA
Juan 6, 63k. 68k

Aleluya! Aleluya!
Espiritung bumubuhay
ang Salita mo, Maykapal,
buhay mo ang tinataglay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 27-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus, kasama ang kanyang mga alagad, ay nagtungo sa mga nayon ng Cesarea, sakop ni Filipo. Samantalang sila’y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” Sumagot sila, “Ang sabi ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo; at may nagsasabi pang isa kayo sa mga propeta.” “Kayo naman – ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya. “Kayo ang Kristo,” tugon ni Pedro. “Huwag ninyong sasabihin kaninuman kung sino ako,” mahigpit na utos niya sa kanila.

Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa kanyang mga alagad na ang Anak ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap. Siya’y itatakwil ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba at ipapapatay. Ngunit sa ikatlong araw, muli siyang mabubuhay. Maliwanag na sinabi niya ito sa kanila. Kaya’t niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan. Ngunit humarap si Hesus sa kanyang mga alagad at pinagwikaan si Pedro: “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sa ating pagtitipon upang ipagdiwang ang misteryo ng ating kaligtasan, bumaling tayo nang may pananalig sa Diyos Ama at hilingin ang kanyang awa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipahayag ka nawa ng aming buhay.

Ang Santo Papa nawa’y mapanatili ang Simbahan sa pananampalataya ni San Pedro, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y makasunod sa yapak ni Kristo sa pamamagitan ng pagtanggap ng kanilang krus araw-araw bilang pakikiisa sa pagdurusa ng ating Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan at nahihirapan sa pagpapasan ng kanilang krus nawa’y makatagpo kay Kristo ng lakas at kaginhawahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita na tahib lamang ng krus ni Kristo ang kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nauna na sa atin sa kabilang buhay, nawa’y makita nila ang Mananakop na nagpakasakit para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, pakinggan mo ang panalangin ng iyong bayan at tulungan mo kaming yakapin araw-araw ang pagsubok ng aming krus. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,028 total views

 18,028 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 29,006 total views

 29,006 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,457 total views

 62,457 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,778 total views

 82,778 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,197 total views

 94,197 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Marso 30, 2025

 131 total views

 131 total views Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Josue 5, 9a. 10-12 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Read More »

Sabado, Marso 29, 2025

 592 total views

 592 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 6, 1-6 Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab Katapatan ang naisin kalakip ng paghahain.

Read More »

Biyernes, Marso 28, 2025

 888 total views

 888 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 14, 2-10 Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tinig ko’y iyong

Read More »

Huwebes, Marso 27, 2025

 1,572 total views

 1,572 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang

Read More »

Miyerkules, Marso 26, 2025

 2,148 total views

 2,148 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong

Read More »

Martes, Marso 25, 2025

 2,613 total views

 2,613 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong

Read More »

Lunes, Marso 24, 2025

 1,098 total views

 1,098 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan

Read More »

Linggo, Marso 23, 2025

 3,707 total views

 3,707 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Exodo 3, 1-8a. 13-15 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8

Read More »

Sabado, Marso 22, 2025

 3,841 total views

 3,841 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 21, 2025

 4,057 total views

 4,057 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 20, 2025

 4,058 total views

 4,058 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 3,890 total views

 3,890 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 3,242 total views

 3,242 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 3,123 total views

 3,123 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 3,076 total views

 3,076 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Read More »
Scroll to Top