Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Miyerkules, Pebrero 19, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,658 total views

Miyerkules ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 8, 6-13. 20-22
Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Marcos 8, 22-26

Wednesday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 8, 6-13. 20-22

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng daong, at pinalipad ang isang uwak. Ito’y lumigid nang lumigid hanggang ang tubig ay matuyo sa lupa. Sunod niyang pinalipad ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig. Palibhasa’y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya’t nagbalik ito; hinuli ito ni Noe at muling ipinasok sa daong. Pagkaraan ng pitong araw, muli niyang pinalipad ang kalapati. Pagbalik nito kinagabihan, ito’y may tangay na sariwang dahon ng olibo. Natiyak ni Noe na kati na ang tubig. Nagpalipas uli ng pitong araw si Noe saka pinalipad uli ang kalapati, ngunit hindi na ito nagbalik.

Noon ay animnaraa’t isang taon si Noe. Nang unang araw ng unang buwan, inalis ni Noe ang takip ng daong at nakita niyang natutuyo na ang lupa.

Si Noe ay nagtayo ng dambana para sa Panginoon. Kumuha siya ng isa sa bawat hayop at ibong malinis, at sinunog bilang handog. Nang masamyo ng Panginoon ang halimuyak nito, sinabi niya sa sarili, “Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao. Alam kong masama ang kanyang isipan mula sa kanyang kabataan. Hindi ko na lilipulin uli ang anumang buhay.

Hanggang naririto’t buo ang daigdig,
tagtanim, tag-ani, palaging sasapit;
tag-araw, tag-ulan, taglamig, tag-init,
ang araw at gabi’y hindi mapapatid.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 115, 12-13. 14-15. 18-19

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Sa Diyos ko’t Panginoon, ano’ng aking ihahandog
sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?
Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,
bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang,
ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.
Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw,
kahit ito ay iisa, labis siyang magdaramdam.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang,
sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay
ang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.

Maghahandog ako sa D’yos
ng pagpupuring malugod.

ALELUYA
Efeso 1, 17-18

Aleluya! Aleluya!
D’yos Ama ni Hesukristo,
kami ay liwanagan mo
at tutugon kami sa ‘yo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 22-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating sina Hesus at ang mga alagad sa Betsaida. Dinala kay Hesus ng ilang tao ang isang bulag at ipinamanhik na hipuin ito. Inakay niya ito sa labas ng bayan, niluran sa mga mata saka ipinatong ang kanyang mga kamay. “May nakikita ka na bang anuman?” tanong niya. Tumingin ang lalaki at ang wika, “Nakakakita po ako ng mga taong lumalakad, ngunit sila’y parang punongkahoy.” Muling hinipo ni Hesus ang mga mata ng bulag; ito’y tuminging mabuti. Nanumbalik ang kanyang paningin at malinaw na niyang nakita ang lahat. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Umuwi ka na. Huwag ka nang dumaan sa bayan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Hilingin natin sa Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang makasunod tayo sa kanya nang buong puso.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, punuin Mo kami ng iyong liwanag.

Ang Simbahan nawa’y umunlad sa kanyang pagsisikap na dalhin ang liwanag sa mga nakararanas ng kadiliman sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating mabuting gawain, ang mga hinahamak, mga itinakwil at mga walang nagmamahal sa ating lipunan nawa’y makaramdam ng pagkalinga ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus na siyang nagbubukas ng ating paningin sa kagandahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagmahal na presensya ng Diyos sa mga taong kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y makatagpo ng walang maliw at walang hanggang kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang mabuhay kami sa liwanag ng iyong Anak na si Kristo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,556 total views

 18,556 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 29,534 total views

 29,534 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,985 total views

 62,985 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 83,291 total views

 83,291 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,710 total views

 94,710 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Marso 30, 2025

 170 total views

 170 total views Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Josue 5, 9a. 10-12 Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7

Read More »

Sabado, Marso 29, 2025

 631 total views

 631 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 6, 1-6 Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab Katapatan ang naisin kalakip ng paghahain.

Read More »

Biyernes, Marso 28, 2025

 927 total views

 927 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Oseas 14, 2-10 Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tinig ko’y iyong

Read More »

Huwebes, Marso 27, 2025

 1,611 total views

 1,611 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 7, 23-28 Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang

Read More »

Miyerkules, Marso 26, 2025

 2,187 total views

 2,187 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Deuteronomio 4, 1. 5-9 Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20 Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong

Read More »

Martes, Marso 25, 2025

 2,637 total views

 2,637 total views Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa Panginoon Isaias 7, 10-14; 8, 10 Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 11 Handa akong

Read More »

Lunes, Marso 24, 2025

 1,122 total views

 1,122 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda 2 Hari 5, 1-15a Salmo 41, 2. 3; Salmo 42, 3. 4 Aking kinasasabikan

Read More »

Linggo, Marso 23, 2025

 3,731 total views

 3,731 total views Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Exodo 3, 1-8a. 13-15 Salmo 102, 1-2. 3-4. 6-7. 8

Read More »

Sabado, Marso 22, 2025

 3,865 total views

 3,865 total views Sabado sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Mikas 7, 14-15. 18-20 Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12 Ang ating mahabaging D’yos

Read More »

Biyernes, Marso 21, 2025

 4,081 total views

 4,081 total views Biyernes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 37, 3-4. 12-13a. 17b-28 Salmo 104, 16-17. 18-19. 20-21 Gunitain nang malugod ang

Read More »

Huwebes, Marso 20, 2025

 4,082 total views

 4,082 total views Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 17, 5-10 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Mapalad ang umaasa sa

Read More »

Miyerkules, Marso 19, 2025

 3,914 total views

 3,914 total views Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen 2 Samuel 7, 4-5a. 12-14a. 16 Salmo 88, 2-3. 4-5. 27

Read More »

Martes, Marso 18, 2025

 3,266 total views

 3,266 total views Martes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Isaias 1, 10. 16-20 Salmo 49, 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin sa

Read More »

Lunes, Marso 17, 2025

 3,147 total views

 3,147 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 9, 4b-10 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Panginoon, aming hiling: patawad

Read More »

Linggo, Marso 16, 2025

 3,100 total views

 3,100 total views Ikalawang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) Genesis 15, 5-12. 17-18 Salmo 26, 1. 7-8. 9abk. 13-14

Read More »
Scroll to Top