Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Biyernes, Pebrero 21, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,638 total views

Biyernes ng Ika-6 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Pedro Damian, obispo at pantas ng Simbahan

Genesis 11, 1-9
Salmo 32, 10-11. 12-13. 14-15

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Marcos 8, 34 – 9, 1

Friday of the Sixth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Peter Damian, Bishop and Doctor of the Church (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 11, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sa simula’y iisa ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, nagawi sila sa silangan, sa isang kapatagan sa Sinar. Dito sila huminto at namayan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuing mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Ngayo’y magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng abot sa langit upang matanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak.”

Bumaba ang Panginoon upang tingnan ang lungsod at ang toreng itinatayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng kanilang mga binabalangkas; hindi magluluwat at gagawa sila ng anumang kanilang maibigan. Ang mabuti’y puntahan natin at guluhin ang kanilang wika upang huwag silang magkaunawaan.” At pinangalat ng Panginoon ang mga tao sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lungsod. Babel ang itinawag nila sa lungsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ng Panginoon ang wika ng mga tao. At mula roon, pinapangalat nga niya ang mga tao sa buong daigdig.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 10-11. 12-13. 14-15

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababago’t winawalang-bisa.
Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagi’t walang pagkatapos.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kanyang nilalang.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

Nagmamasid siya at namamahala
sa lahat ng tao sa balat ng lupa.
Ang isip nila’y sa kanya nagmula
walang nalilingid sa kanilang gawa.

Mapalad ang ibinukod
na bansang hinirang ng D’yos.

ALELUYA
Juan 15, 15b

Aleluya! Aleluya!
Aking mga kaibigan,
alam na ninyo ang tama
na mula sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 8, 34 – 9, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pinalapit ni Hesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at sinabi, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Kapag ang sinuman ay nahiyang kumilala sa akin at sa aking mga salita sa harapan ng lahing ito na makasalanan at hindi tapat sa Diyos, ikahihiya rin siya ng Anak ng Tao, pagparito niya na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel.”

Sabi pa ni Hesus sa kanila, “Tandaan ninyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga’t di nila nakikitang naghahari ang Diyos nang may buong kapangyarihan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang masundan natin si Jesus, ang kanyang Anak, at matularan siya nang lubos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, palakasin Mo kaming makasunod sa Iyong anak.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y yakapin ang krus ni Kristo at maging mga buhay na mensahe ng pag-asa sa mga taong ipinagkatiwalang mapasaating pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y marinig nila ang mga daing ng ating mga kababayan lalo na yaong mga nagdurusa dahil sa kawalan ng katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging mga karapat-dapat na katuwang ng mga taong nabibigatan sa kanilang dinadalang krus sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan at kalakasang espiritwal sa pamamagitan ng ating pagkalinga at pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapahinga sa kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, nawa’y mabanaagan sa aming buhay at sa aming pagkalinga sa pangangailangan ng iba ang lahat ng aming pagsisikap na sumunod kay Jesus. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 1,499 total views

 1,499 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 22,564 total views

 22,564 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 45,586 total views

 45,586 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 85,049 total views

 85,049 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hunyo 26, 2026

 543 total views

 543 total views Biyernes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 25, 1-12 Salmo 136, 1-2. 3. 4-5. 6 Kung ika’y aking limutin, wala

Read More »

Huwebes, Hunyo 25, 2026

 1,923 total views

 1,923 total views Huwebes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 24, 8-17 Salmo 78, 1-2. 3-5. 8. 9 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Miyerkules, Hunyo 24, 2026

 3,361 total views

 3,361 total views Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista Isaias 49, 1-6 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Pinupuri kita, D’yos ko, dahil ako’y nilikha

Read More »

Martes, Hunyo 23, 2026

 4,140 total views

 4,140 total views Martes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Hari 19, 9b-11. 14-21. 31-35a. 36 Salmo 47, 2-3a. 3b-4. 10-11 Lungsod ng D’yos

Read More »

Lunes, Hunyo 22, 2026

 3,476 total views

 3,476 total views Lunes ng Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Paulino ng Nola, obispo o kaya Paggunita kay San Juan Fisher, obispo,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top