Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 89,379 total reads

Mga Kapanalig, mababasa natin ang paalalang ito sa Tito 2:7-8: “Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo.”

Hindi tumatatak ang mga salitang ito kay dating Pangulong Duterte. Parang tanggap na rin ng marami ang paraan ng pananalita niya mula noon hanggang ngayon—walang preno, walang pakundangan, at walang kaangkupan. Ang nakalulungkot, marami pa rin sa atin ang pumapalakpak at tumatawa pa nga sa kanyang mga sinasabi. Kahit sa mga lider sa ating bayan, ang hinahanap pa rin natin ay entertainment—nakakatawa, nakakaaliw, nakaka-relate.

Sa proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (o PDP-Laban), nagbiro ang dating presidente na may naiisip siyang paraan kung paano mananalo ang kanyang mga manok sa senado. Kailangan daw madagdagan ang mga senador na papalitan. Kailangan daw magkaroon ng mas maraming vacancies. Paano? Patayin daw ang mga nakaupong senador. Kung mapapatay daw ang labinlimang senador, pasók ang kanyang mga kandidato. Nakakaawa raw ang papataying mga senador pero nakakairita naman daw din sila. Kaya kung may pagkakataon, ang paggamit ng bomba ang tatapos sa kanilang buhay. Tumawa ang mga nakikinig sa panibagong “biro” ng dating presidente.

Sa ating mga tren dito sa Metro Manila, kapag nagbiro tayong may bomba sa ating bag, huli agad ang kaparusahan. Ganito rin sa mga paliparan natin. Ang mga bomb jokes at bomb threats ay may kaukulang parusa. Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, dapat magbayad ng hanggang ₱40,000 ang mapatutunayang nagbitiw ng bomb joke o bomb threat. Maaari ding makulong ng hanggang sa limang taon ang gagawa nito. Ilang beses na tayong nakakarinig sa balita ng mga kababayan nating hinuli, ikinulong, at pinagmulta dahil sa ganitong mga hindi nakakatawang biro.

May kaparusahan din para sa mga taong pinagbabantaan ang buhay ng iba. Hindi naman masasabing grave threat ang mga salitang binitawan ni dating Pangulong Duterte dahil hindi naman siya seryoso nang sabihin ang mga ito. Para matawag na grave threat ang pagbabanta sa buhay ng iba, dapat mapatunayan ang tinatawag na serious intent ng nagbitiw nito at talagang may potensyal na isakatuparan ang banta. Makalulusot at makalulusot talaga ang dating presidente dahil joke lang naman daw ang kanyang mga sinasabi.

Pero maging seryoso naman sana ang ating mga lider dahil inaasahan natin silang magsilbing halimbawa ng pagiging mabuti, matino, at disenteng mamamayan. Hindi natin maidadaan sa biro ang mga problema ng bayan. Hindi natin dapat gawing laro lamang ang pulitika dahil kapakanan ng taumbayan ang nakataya. Hindi lamang entertainment ang larangan ng paglilingkod-bayan. 

May kasabihan ngang “when you elect clowns, expect a circus!” Huwag tayong umasang magkakaroon tayo ng matino at malinis na gobyerno kung ang mga nagpapatakbo nito ay mga taong hanggang salita na nga lang, marumi at bastos pa ang kanilang sinasabi. Huwag tayong maghahanap ng disenteng gobyerno kung pinapalakpakan at sinusuportahan natin ang mga pulitikong hindi binabantayan ang kanilang bibig. Mananatiling marumi ang ating pulitika kung iluluklok natin ang mga pulitikong ginagawa lamang itong laro, biro, at larangan para magkaroon ng kapangyarihan at impluwensya. 

Ikinalulungkot din ni Pope Francis ang hindi magandang reputasyon ng pulitika ngayon. Pero hindi natin makakamit ang tinatawag niyang “universal fraternity”—o pagkakapatiran—kung walang “good politics”, kung walang matinong pulitika.

Mga Kapanalig, kung hindi na nga gumagamit ng “nararapat na pananalita” ang mga pulitiko—o kumakampi sila sa mga lider na may ganitong katangian—huwag tayong aasa sa kanila ng matinong pamamahala. Kaya sa darating na eleksyon, iboto ang mga karapat-dapat, hindi lamang sa gawa—kahit pati sa pananalita.

Sumainyo ang katotohanan.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 378 total reads

 378 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 57,244 total reads

 57,244 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 117,741 total reads

 117,741 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 136,968 total reads

 136,968 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 217,622 total reads

 217,622 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 316,744 total reads

 316,744 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 57,245 total reads

 57,245 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 117,742 total reads

 117,742 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 136,969 total reads

 136,969 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 217,623 total reads

 217,623 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top