Sabado, Marso 8, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,779 total reads

Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo

Isaias 58, 9b-14
Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Lucas 5, 27-32

Saturday after Ash Wednesday (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 58, 9b-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinasabi ng Panginoon:
“Kung titigilan ninyo
ang pang-aalipin at pagsuway sa akin,
at ang masamang salita’y iiwasan,
kung ang nagugutom
ay pakakainin ninyo at tutulungan,
ang kadilimang bumabalot sa inyo
ay magiging tila liwanag sa katanghalian.
At akong Panginoon
ang siyang sa inyo’y laging papatnubay,
lahat ng mabuting kailangan ninyo’y
aking ibibigay, at palalakasin ang inyong katawan.
Kayo’y matutulad sa pananim na sagana sa dilig.
Matutulad sa batis
na di nawawalan ng agos ng tubig.
Muling itatayo ng mga lingkod ko ang kutang nadurog,
muling itatayo sa dating pundasyon,
makikilala kayo bilang tagapagtayo ng sirang muog,
mga tagapagtayo ng wasak na mga bahay.”
Sinabi pa ng Panginoon,
“Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga,
huwag kayong gagawa ng inyong gawain sa araw na banal,
sa araw na ito’y mamamahinga kayo’t huwag maglalakbay
ni gagawa o maghuhunta nang walang kabuluhan.
At kung magkagayon,
ay madarama ninyo ang kagalakan sa paglilingkod sa akin.
Bibigyan ko kayo ng karangalan
sa harap ng buong daigdig
at lalasapin ninyo ang kaligayahan
sa paninirahan sa lupaing
ibinigay ko sa nuno ninyong si Jacob.
Mangyayari ito pagkat akong
Panginoon ang nagsabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Sa aking dalangin, ako’y iyong dinggin,
tugunin mo, Poon, ang aking pagdaing;
ako’y mahina na’t wala nang tumingin.
Yamang ako’y tapat, ingatan ang buhay,
lingkod mo’y iligtas sa kapahamakan
pagkat may tiwala sa ‘yo kailanman.

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Ikaw ang aking Diyos, ako’y kahabagan,
sa buong maghapo’y siyang tinatawagan.
Poon, ang lingkod mo’y dulutan ng galak,
sapagkat sa iyo ako tumatawag.

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Mapagpatawad ka at napakabuti;
sa dumadalangin at sa nagsisisi,
ang iyong pag-ibig ay mananatili.
Pakinggan mo, Poon, ang aking dalangin,
tulungan mo ako, ako’y iyong dinggin.

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 33, 11

Sinabi ng Poong mahal:
“Di ko nais na mamatay
ang mga makasalanang
nagbabagong-kalooban
upang sila ay mabuhay.”

MABUTING BALITA
Lucas 5, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nakita ni Hesus ang isang publikano na nagngangalang Levi, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin,” Tumindig si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod kay Hesus.

Si Hesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking piging sa kanyang bahay. Nakasalo niya roon ang mga publikano at ang iba pang mga tao. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang kanilang mga kasamang eskriba. Sinabi nila sa mga alagad ni Hesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga publikano at ng mga makasalanan?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang may sakit. Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Sabado Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo

Dumating si Kristo upang iligtas ang mga makasalanan. Buong kababaang-loob sa pagtugon sa kanyang tawag, ilapit natin sa Ama ang ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Tagapagpagaling, gawin Mo kaming buo.

Ang Simbahan nawa’y maituring bilang isang tahanan ng nagpapagaling para sa mga mahihina at makasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria nawa’y mamayani ang kapayapaan sa bawat bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng habag na ipinakikita nila sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating bansa nawa’y maghari ang pagkakaisa, bunga ng paggalang ng mga mamamayan sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa lugar ng ating hanapbuhay at maging sa ating mga pamilya nawa’y hindi tayo manguna sa pamimintas sa ating mga kasama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na ay makaranas nawa ng mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, sa panahong ito ng Kuwaresma, bagamat hangad naming maging matuwid, nawa ay iadya mo kami sa pagiging labis na mapagmatuwid. Sa pagnanais naming makamit mula sa Tagapagligtas ang kanyang walang-hanggang awa, maibahagi nawa namin ang kanyang pagpapala sa pamamagitan ng aming pagpapatawad sa aming kapwa, lalo’t higit sa amin ay nagkasala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

LUNDAG-LINYA

 1,968 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Setyembre 2026, Lucas 8:19–21

Naranasan na ba ninyo na nakapila kayo, tapos biglang may sumingit? Sa English, ang tawag diyan ay jumping the line. Lalo pang sasama ang loob ninyo kung ang sumingit ay iyong taong feeling entitled, dahil malakas daw siya sa taong pinipilahan. Walang pakundangan sa mga nagpasensya at nagtiyagang pumila.

Parang ganiyan ang sitwasyon sa ating Ebanghelyo ngayon. Dumating ang nanay at mga kapatid ni Hesus habang abala siya sa pagtuturo sa maraming tao. Hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. Kaya may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Gusto po nilang makipagkita sa inyo.”

Medyo kakaiba ang Ebanghelyong ito dahil parang hindi gaanong positibo ang paglalarawan sa pamilya ni Hesus.

Pero linawin muna natin: kapag sinabi ng Ebanghelyo na mga kapatid ni Hesus, hindi ito nangangahulugang may iba pang anak si Mama Mary. Ang salitang Griyego na adelphos ay maaaring tumukoy sa mas malawak na ugnayang pampamilya. Maaaring mga pinsan o iba pang malapit na kamag-anak. May tradisyon din na maaaring mga anak sila ni Jose sa una niyang asawa, kung siya ay nabiyudo bago naging asawa ni Maria. (May tradisyon pero walang matibay na batayan sa kasaysayan.)

Pero ang punto ng Ebanghelyo ay ito: dahil kamag-anak sila ni Hesus, parang inaasahan nilang bibigyan sila ng espesyal na pagtrato. Hindi lang sila sumisingit sa pila. Parang sinasabi pa nila, “Sabihin ninyo kay Hesus na lumabas siya at puntahan kami. Kamag-anak niya kami!”

Kaya maintindihan natin ang naging sagot ni Hesus: “Ang aking ina at mga kapatid ay yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.”

Hindi naman niya itinatakwil ang kanyang ina at mga kamag-anak. Ang ipinakikilala niya ay isang bagong uri ng pagkakamag-anak, isang bagong pamilya na ang pundasyon ay hindi lamang dugo kundi ang pagiging magkakapatid bilang mga anak ng Diyos.

At dito, walang puwedeng mag-claim ng special privilege dahil lamang sa relasyon niya sa Panginoon.

Hindi sapat na sabihin nating, “Katoliko ako. Binyagan ako. Nagsisimba ako. Malapit ako sa mga pari at obispo.” Hindi rin sapat na sabihing, “Marami akong kilalang madre at pari. May kamag-anak pa nga akong obispo!”

Ang tanong ng Panginoon ay hindi kung gaano karami ang kakilala mo sa Simbahan, kundi kung gaano mo isinasabuhay ang kanyang salita.

Kaya ang tunay na pagiging kapamilya ni Hesus ay hindi lamang nakasalig sa binyag, kundi sa pakikinig at pagtupad sa salita ng Diyos.

At sino ang pinakamagandang halimbawa nito? Walang iba kundi ang kanyang sariling ina, si Maria. Siya ang unang nakinig, naniwala, at tumupad sa salita ng Diyos nang sabihin niya, “Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.”

Ito lang ang punto: sa pamilya ng Diyos, hindi kailangang sumingit sa pila. Walang palakasan. Walang special treatment. Bukas ang kanyang puso sa lahat ng handang makinig at tumupad sa kanyang salita.

At ang magandang balita: tayong lahat ay inaanyayahan niyang maging tunay na mga kapatid at kapamilya niya.

When is enough really enough?

 2,414 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Fifth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Padre Pio of Pietrelcina, 23 September 2026
Proverbs 30:5-9     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 9:1-6
Photo by Pixabay on Pexels.com
Your words today,
dear God our Father
are so comforting and 
reassuring of your loving
presence; however, 
you teach us also too
to completely trust you
so that we may be comforted
and reassured,
thereby learn
when enough is
really enough.

Two things I ask of you, deny them not to me before I die: Put falsehood and lying far from me, give me neither poverty nor riches; provide me only with the food I need; lest, being full, I deny you, saying, “Who is the Lord?” Or, being in want, I steal, and profane the name of my God (Proverbs 30:7-9).

Teach me to be content
with whatever there is for me,
not desiring more than I need
so that I remain open for you
and your work,
for you O Lord is more than enough; 
teach me to learn to stop
in pursuing whatever
I set my eyes or heart on when 
it is causing more harm than 
joy and wellness for it is only
in following you enough is enough; 
teach me, Lord, 
to be like St. Padre Pio
in leading a simple life, 
just praying, 
hoping and not worrying
for you O Lord is more than
enough.
Amen.

PAR EXCELLENCE

 2,173 total reads

Gospel Reading for September 23, 2026 – Luke 9: 1-6

PAR EXCELLENCE

Jesus summoned the Twelve and gave them power and authority over all demons and to cure diseases, and he sent them to proclaim the Kingdom of God and to heal the sick. He said to them, “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic. Whatever house you enter, stay there and leave from there. And as for those who do not welcome you, when you leave that town, shake the dust from your feet in testimony against them.”

Then they set out and went from village to village proclaiming the Good News and curing diseases everywhere.

————

Jesus was truly a teacher PAR EXCELLENCE. He did not just teach the disciples in theory; he sent them on practicum. But even more than that, he had already given them the gift and the authority to do what he himself was doing for the people.

For some teachers, theory may be enough. When the school year ends, the students can practice what they have learned. But what Jesus was doing was far more than teaching a lesson. He was entrusting the disciples with a mission. That is why he was so hands-on in preparing them.

Imagine if we were among the disciples of Jesus. How privileged they were to have the Son of God as their professor! Every “nook and cranny” was covered. He made sure they were fully prepared. He made sure that what the Father had planned for them would be accomplished.

As baptized Christians, we are all called to share our gifts in Christ’s salvific mission. It did not end with the apostles. It continues to this very day through us.

Lord Jesus, may the way we live our lives according to your teachings be our best teaching tool ever. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 20,311 total reads

 20,311 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 53,645 total reads

 53,645 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 85,791 total reads

 85,791 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 151,848 total reads

 151,848 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 169,818 total reads

 169,818 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Setyembre 25, 2026

 1,225 total reads

 1,225 total reads Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 3, 1-11 Salmo 143, 1a at 2abk. 3-4 Ang Poon ay papurihan, siya ang

Read More »

Huwebes, Setyembre 24, 2026

 2,933 total reads

 2,933 total reads Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 1, 2-11 Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan

Read More »

Miyerkules, Setyembre 23, 2026

 4,619 total reads

 4,619 total reads Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Kawikaan 30, 5-9 Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay

Read More »

Martes, Setyembre 22, 2026

 5,816 total reads

 5,816 total reads Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44 Sa pagsunod sa

Read More »

Lunes, Setyembre 21, 2026

 6,786 total reads

 6,786 total reads Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita Efeso 4, 1-7. 11-13 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top