Linggo, Marso 9, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,580 total reads

Unang Linggo ng Apatnapung Araw
na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K)

Deuteronomio 26, 4-10
Salmo 90, 1-2. 10-11. 12-13. 14-15

Poon ko, ako’y samahan
sa dusa at kahirapan.

Roma 10, 8-13
Lucas 4, 1-13

First Sunday of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 26, 4-10

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa bayan: “Ang mga unang bungang inyong iaalay ay kukunin ng saserdote at ilalagay sa harap ng altar. Pagkatapos ay saysayin ninyo ito sa harapan ng Panginoon: ‘Isang pagala-galang Arameo ang aming ninuno. Maliit ang kanyang sambahayan nang magpunta sila sa Egipto upang doon makipamayan. Ngunit dumating ang panahon na ang angkan niya’y naging malaki at makapangyarihang bansa. Hindi mabuti ang ginawang pakikitungo sa amin ng mga Egipcio. Pinahirapan nila kami at inalipin. Kaya, dumulog kami sa inyo Panginoon, Diyos ng aming mga ninuno. At dininig ninyo kami. Nakita ninyo ang aming pagdurusa, ang kahirapan at kaapihang dinaranas. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, ng mga kakila-kilabot na gawa at mga kababalaghan, inalis ninyo kami sa Egipto at dinala sa lupaing itong sagana sa lahat ng bagay. Kaya, narito ngayon, Panginoon, ang unang bunga ng aming mga pananim sa lupaing ibinigay mo sa amin.’

“Pagkasabi noon, ang dala ninyo’y ilalapag sa harap ng altar, saka kayo luluhod upang sambahin ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 90, 1-2. 10-11. 12-13. 14-15

Poon ko, ako’y samahan
sa dusa at kahirapan.

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
at nanatili sa kalinga niyong Makapangyarihan;
makapagsasabi sa kanyang Panginoon:
“Muog ka’t tahanan,
ikaw ang aking Diyos,
ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Poon ko, ako’y samahan
sa dusa at kahirapan.

Di mo aabuting ika’y mapahamak, at walang daratal
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
Susuguin niya ang maraming anghel, sila’ng susubaybay,
kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan.

Poon ko, ako’y samahan
sa dusa at kahirapan.

Sa kanilang palad ay itatayo ka’t, silang magtataas
nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas.
Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik,
di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis.

Poon ko, ako’y samahan
sa dusa at kahirapan.

Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilalanin.
Pag sila’y tumawag; laging handa ako na sila’y pakinggan,
aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

Poon ko, ako’y samahan
sa dusa at kahirapan.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 10, 8-13

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Ito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan, “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong mga labi at nasa iyong puso,” ibig sabihi’y ang salitang pinangangaral namin tungkol sa pananampalataya. Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Hesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. Sapagkat nananalig ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayo’y napawawalang-sala; at nagpapahayag sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayo’y naliligtas. Sinasabi ng Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang nananalig sa kanya. “Walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Griego. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya ang nagkakaloob ng kanyang kayamanan sa lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b

Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal.

MABUTING BALITA
Lucas 4, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon: Umalis si Hesus sa Jordan, puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu doon sa ilang, at sa loob ng apat-napung araw ay tinukso ng diyablo. Hindi siya kumain sa buong panahong iyon, kaya’t gutom na gutom siya.

Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, iutos mo na maging tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sinagot siya ni Hesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’”

Dinala siya ng diyablo sa isang napakataas na lugar at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian ng sanlibutan. “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga kahariang ito,” wika ng diyablo. “Ipinagkaloob ito sa akin at maibibigay ko sa kaninumang ibigin ko. Kaya’t kung ako’y sasambahin mo, magiging iyong lahat ito.” Sumagot si Hesus, “Nasusulat, ‘Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.’”

At dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo ng Jerusalem, at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka’ at ‘Aalalayan ka nila, upang hindi ka matisod sa bato.’”

Subalit sinagot siya ni Hesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!’” Pagkatapos siyang tuksuhin ng diyablo sa lahat ng paraan, ito’y umalis at naghintay ng ibang pagkakataon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma

Sa buhay natin ay napakaraming tukso, at kung minsan, tayo’y natitisod at nadarapa. Buong pagpapakumbaba at pagtitiwala nating hilingin sa Panginoon ang biyayang pahalagahan natin ang ating pananagutan at misyon sa buhay na tulad ng ginawa ni Hesus:

Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa Inang Simbahan: Nawa’y manatili siyang tapat sa kanyang misyong magpahayag at magbigay-saksi sa Ebanghelyo sa kabila ng kahinaan ng marami niyang kasapi. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng namumuno sa atin: Nawa’y itaguyod nila ang mga pagpapahalagang espirituwal sa harap ng patuloy na panunuligsa ng materiyalismo, kalayawan, at komersiyalismo. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng ating mga manggagawang pangkalusugan na tumutulong sa lahat ng may kapansanan: Nawa’y magtiyaga sila sa kanilang propesyonal na pangako at magtanim ng pag-asa sa mga nanghihinawa at nawawalan ng tiwala. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng kasapi ng ating pamayanan, lalo na ang mga pamilyang matinding naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin: Nawa’y ang Panginoon ang kanilang maging pinakadakilang
kaibigan at saligan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng pamilyang hindi nagkakasundo nawa’y makatagpo sila ng lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagi ng kapatawaran, pagtuklas sa yamang panloob na taglay ng bawa’t isa, sa kabila ng kanilang nagkakaibang pananaw, manalangin tayo!

Panginoong Hesus, bukal ng aming pag-asa at kaligtasan, panatilihin mo kaming laging tapat sa
iyo sa lahat ng pagsubok at tukso upang makabahagi kami sa iyong tagumpay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasa walang hanggan.

Amen!

LUNDAG-LINYA

 1,666 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Setyembre 2026, Lucas 8:19–21

Naranasan na ba ninyo na nakapila kayo, tapos biglang may sumingit? Sa English, ang tawag diyan ay jumping the line. Lalo pang sasama ang loob ninyo kung ang sumingit ay iyong taong feeling entitled, dahil malakas daw siya sa taong pinipilahan. Walang pakundangan sa mga nagpasensya at nagtiyagang pumila.

Parang ganiyan ang sitwasyon sa ating Ebanghelyo ngayon. Dumating ang nanay at mga kapatid ni Hesus habang abala siya sa pagtuturo sa maraming tao. Hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. Kaya may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Gusto po nilang makipagkita sa inyo.”

Medyo kakaiba ang Ebanghelyong ito dahil parang hindi gaanong positibo ang paglalarawan sa pamilya ni Hesus.

Pero linawin muna natin: kapag sinabi ng Ebanghelyo na mga kapatid ni Hesus, hindi ito nangangahulugang may iba pang anak si Mama Mary. Ang salitang Griyego na adelphos ay maaaring tumukoy sa mas malawak na ugnayang pampamilya. Maaaring mga pinsan o iba pang malapit na kamag-anak. May tradisyon din na maaaring mga anak sila ni Jose sa una niyang asawa, kung siya ay nabiyudo bago naging asawa ni Maria. (May tradisyon pero walang matibay na batayan sa kasaysayan.)

Pero ang punto ng Ebanghelyo ay ito: dahil kamag-anak sila ni Hesus, parang inaasahan nilang bibigyan sila ng espesyal na pagtrato. Hindi lang sila sumisingit sa pila. Parang sinasabi pa nila, “Sabihin ninyo kay Hesus na lumabas siya at puntahan kami. Kamag-anak niya kami!”

Kaya maintindihan natin ang naging sagot ni Hesus: “Ang aking ina at mga kapatid ay yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.”

Hindi naman niya itinatakwil ang kanyang ina at mga kamag-anak. Ang ipinakikilala niya ay isang bagong uri ng pagkakamag-anak, isang bagong pamilya na ang pundasyon ay hindi lamang dugo kundi ang pagiging magkakapatid bilang mga anak ng Diyos.

At dito, walang puwedeng mag-claim ng special privilege dahil lamang sa relasyon niya sa Panginoon.

Hindi sapat na sabihin nating, “Katoliko ako. Binyagan ako. Nagsisimba ako. Malapit ako sa mga pari at obispo.” Hindi rin sapat na sabihing, “Marami akong kilalang madre at pari. May kamag-anak pa nga akong obispo!”

Ang tanong ng Panginoon ay hindi kung gaano karami ang kakilala mo sa Simbahan, kundi kung gaano mo isinasabuhay ang kanyang salita.

Kaya ang tunay na pagiging kapamilya ni Hesus ay hindi lamang nakasalig sa binyag, kundi sa pakikinig at pagtupad sa salita ng Diyos.

At sino ang pinakamagandang halimbawa nito? Walang iba kundi ang kanyang sariling ina, si Maria. Siya ang unang nakinig, naniwala, at tumupad sa salita ng Diyos nang sabihin niya, “Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.”

Ito lang ang punto: sa pamilya ng Diyos, hindi kailangang sumingit sa pila. Walang palakasan. Walang special treatment. Bukas ang kanyang puso sa lahat ng handang makinig at tumupad sa kanyang salita.

At ang magandang balita: tayong lahat ay inaanyayahan niyang maging tunay na mga kapatid at kapamilya niya.

When is enough really enough?

 1,985 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Fifth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Padre Pio of Pietrelcina, 23 September 2026
Proverbs 30:5-9     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 9:1-6
Photo by Pixabay on Pexels.com
Your words today,
dear God our Father
are so comforting and 
reassuring of your loving
presence; however, 
you teach us also too
to completely trust you
so that we may be comforted
and reassured,
thereby learn
when enough is
really enough.

Two things I ask of you, deny them not to me before I die: Put falsehood and lying far from me, give me neither poverty nor riches; provide me only with the food I need; lest, being full, I deny you, saying, “Who is the Lord?” Or, being in want, I steal, and profane the name of my God (Proverbs 30:7-9).

Teach me to be content
with whatever there is for me,
not desiring more than I need
so that I remain open for you
and your work,
for you O Lord is more than enough; 
teach me to learn to stop
in pursuing whatever
I set my eyes or heart on when 
it is causing more harm than 
joy and wellness for it is only
in following you enough is enough; 
teach me, Lord, 
to be like St. Padre Pio
in leading a simple life, 
just praying, 
hoping and not worrying
for you O Lord is more than
enough.
Amen.

PAR EXCELLENCE

 1,814 total reads

Gospel Reading for September 23, 2026 – Luke 9: 1-6

PAR EXCELLENCE

Jesus summoned the Twelve and gave them power and authority over all demons and to cure diseases, and he sent them to proclaim the Kingdom of God and to heal the sick. He said to them, “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic. Whatever house you enter, stay there and leave from there. And as for those who do not welcome you, when you leave that town, shake the dust from your feet in testimony against them.”

Then they set out and went from village to village proclaiming the Good News and curing diseases everywhere.

————

Jesus was truly a teacher PAR EXCELLENCE. He did not just teach the disciples in theory; he sent them on practicum. But even more than that, he had already given them the gift and the authority to do what he himself was doing for the people.

For some teachers, theory may be enough. When the school year ends, the students can practice what they have learned. But what Jesus was doing was far more than teaching a lesson. He was entrusting the disciples with a mission. That is why he was so hands-on in preparing them.

Imagine if we were among the disciples of Jesus. How privileged they were to have the Son of God as their professor! Every “nook and cranny” was covered. He made sure they were fully prepared. He made sure that what the Father had planned for them would be accomplished.

As baptized Christians, we are all called to share our gifts in Christ’s salvific mission. It did not end with the apostles. It continues to this very day through us.

Lord Jesus, may the way we live our lives according to your teachings be our best teaching tool ever. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 16,011 total reads

 16,010 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 49,344 total reads

 49,344 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 81,490 total reads

 81,490 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 147,546 total reads

 147,546 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 165,861 total reads

 165,861 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Setyembre 25, 2026

 1,101 total reads

 1,101 total reads Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 3, 1-11 Salmo 143, 1a at 2abk. 3-4 Ang Poon ay papurihan, siya ang

Read More »

Huwebes, Setyembre 24, 2026

 2,809 total reads

 2,809 total reads Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 1, 2-11 Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan

Read More »

Miyerkules, Setyembre 23, 2026

 4,495 total reads

 4,495 total reads Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Kawikaan 30, 5-9 Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay

Read More »

Martes, Setyembre 22, 2026

 5,753 total reads

 5,753 total reads Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44 Sa pagsunod sa

Read More »

Lunes, Setyembre 21, 2026

 6,723 total reads

 6,723 total reads Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita Efeso 4, 1-7. 11-13 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top