Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Marso 8, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,342 total views

Sabado kasunod ng Miyerkules ng Abo

Isaias 58, 9b-14
Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Lucas 5, 27-32

Saturday after Ash Wednesday (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 58, 9b-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinasabi ng Panginoon:
“Kung titigilan ninyo
ang pang-aalipin at pagsuway sa akin,
at ang masamang salita’y iiwasan,
kung ang nagugutom
ay pakakainin ninyo at tutulungan,
ang kadilimang bumabalot sa inyo
ay magiging tila liwanag sa katanghalian.
At akong Panginoon
ang siyang sa inyo’y laging papatnubay,
lahat ng mabuting kailangan ninyo’y
aking ibibigay, at palalakasin ang inyong katawan.
Kayo’y matutulad sa pananim na sagana sa dilig.
Matutulad sa batis
na di nawawalan ng agos ng tubig.
Muling itatayo ng mga lingkod ko ang kutang nadurog,
muling itatayo sa dating pundasyon,
makikilala kayo bilang tagapagtayo ng sirang muog,
mga tagapagtayo ng wasak na mga bahay.”
Sinabi pa ng Panginoon,
“Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga,
huwag kayong gagawa ng inyong gawain sa araw na banal,
sa araw na ito’y mamamahinga kayo’t huwag maglalakbay
ni gagawa o maghuhunta nang walang kabuluhan.
At kung magkagayon,
ay madarama ninyo ang kagalakan sa paglilingkod sa akin.
Bibigyan ko kayo ng karangalan
sa harap ng buong daigdig
at lalasapin ninyo ang kaligayahan
sa paninirahan sa lupaing
ibinigay ko sa nuno ninyong si Jacob.
Mangyayari ito pagkat akong
Panginoon ang nagsabi nito.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 85, 1-2. 3-4. 5-6

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Sa aking dalangin, ako’y iyong dinggin,
tugunin mo, Poon, ang aking pagdaing;
ako’y mahina na’t wala nang tumingin.
Yamang ako’y tapat, ingatan ang buhay,
lingkod mo’y iligtas sa kapahamakan
pagkat may tiwala sa ‘yo kailanman.

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Ikaw ang aking Diyos, ako’y kahabagan,
sa buong maghapo’y siyang tinatawagan.
Poon, ang lingkod mo’y dulutan ng galak,
sapagkat sa iyo ako tumatawag.

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

Mapagpatawad ka at napakabuti;
sa dumadalangin at sa nagsisisi,
ang iyong pag-ibig ay mananatili.
Pakinggan mo, Poon, ang aking dalangin,
tulungan mo ako, ako’y iyong dinggin.

Ituro mo ang ‘yong loob
nang matapat kong masunod.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Ezekiel 33, 11

Sinabi ng Poong mahal:
“Di ko nais na mamatay
ang mga makasalanang
nagbabagong-kalooban
upang sila ay mabuhay.”

MABUTING BALITA
Lucas 5, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nakita ni Hesus ang isang publikano na nagngangalang Levi, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin,” Tumindig si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod kay Hesus.

Si Hesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking piging sa kanyang bahay. Nakasalo niya roon ang mga publikano at ang iba pang mga tao. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang kanilang mga kasamang eskriba. Sinabi nila sa mga alagad ni Hesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga publikano at ng mga makasalanan?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang may sakit. Naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid kundi ang mga makasalanan upang magsisi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Sabado Pagkaraan ng Miyerkules ng Abo

Dumating si Kristo upang iligtas ang mga makasalanan. Buong kababaang-loob sa pagtugon sa kanyang tawag, ilapit natin sa Ama ang ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Tagapagpagaling, gawin Mo kaming buo.

Ang Simbahan nawa’y maituring bilang isang tahanan ng nagpapagaling para sa mga mahihina at makasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria nawa’y mamayani ang kapayapaan sa bawat bansa sa buong mundo sa pamamagitan ng habag na ipinakikita nila sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating bansa nawa’y maghari ang pagkakaisa, bunga ng paggalang ng mga mamamayan sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa lugar ng ating hanapbuhay at maging sa ating mga pamilya nawa’y hindi tayo manguna sa pamimintas sa ating mga kasama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na ay makaranas nawa ng mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, sa panahong ito ng Kuwaresma, bagamat hangad naming maging matuwid, nawa ay iadya mo kami sa pagiging labis na mapagmatuwid. Sa pagnanais naming makamit mula sa Tagapagligtas ang kanyang walang-hanggang awa, maibahagi nawa namin ang kanyang pagpapala sa pamamagitan ng aming pagpapatawad sa aming kapwa, lalo’t higit sa amin ay nagkasala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 77,151 total views

 77,151 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 84,926 total views

 84,926 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 93,106 total views

 93,106 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 108,677 total views

 108,677 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 112,620 total views

 112,620 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Lunes, Abril 21, 2025

 14 total views

 14 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 915 total views

 915 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 1,213 total views

 1,213 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 1,503 total views

 1,503 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 1,776 total views

 1,776 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 2,210 total views

 2,210 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 2,241 total views

 2,241 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 2,467 total views

 2,467 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 2,705 total views

 2,705 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 3,236 total views

 3,236 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 3,294 total views

 3,294 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 3,521 total views

 3,521 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »

Martes, Abril 8, 2025

 3,670 total views

 3,670 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Bilang 21, 4-9 Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21 Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo

Read More »

Lunes, Abril 7, 2025

 4,044 total views

 4,044 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62 o kaya Daniel 13, 41k-62 Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

Read More »

Linggo, Abril 6, 2025

 3,998 total views

 3,998 total views Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (K) Isaias 43, 16-21 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya

Read More »
Scroll to Top