Kanselasyon ng mining permits,kinatigan ng mga Social Action Center ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,070 total reads

Nagpahayag ng suporta ang iba’t-ibang social action center ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa naging desisyon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez na kanselahin ang operasyon at Mineral Production Sharing Agreement (MPSAs) ng iba’t-ibang minahan sa Pilipinas.

Ayon kay Diocese of Bacolod Social Action Center director Father Ernie Larida, pabor siya sa ginawang desisyon ni Lopez dahil tunay na nakakasira ng kalikasan ang pagmimina.

Tiniyak ng pari na maging ang mga susunod na henerasyon ay makikinabang dito bagamat ilang mga manggagawa ang maaapektuhan na maari naman mapagkalooban ng ibang mapagkakakitaan.

“We need to protect our remaining environment and ecosystem for our good and the good of the next generations. I pity that a good number of people will become jobless but the government promised to help them find a job through tourism and the same time protecting our environment.”pahayag ni Larida sa Radio Veritas.

Ganito rin ang pahayag ni Father Guillermo Alorro, Social Action Director ng Diocese of Calbayog, Samar.

Kinumpirma ni Father Alorro na malaki ang epekto ng pagmimina sa kanilang lugar lalo na’t madalas silang makaranas ng mga kalamidad.

“Malaki talaga ang epekto nito sa sa lugar namin dito sa Samar at sa buong Pilipinas, kasi tayo ang importer ng malalakas na bagyo and our people are still vulnerable when it comes to preventing disasters.”mensahe ng Pari sa Radio Veritas.

Inihayag naman ni Father Edgar Fabic ng Calapan Oriental Mindoro na magsasagawa sila ng pasasalamat sa hakbang ng DENR ngayong ika-27 ng Pebrero, 2017.

Umaasa ang Pari na pormal nang maideklara na watershed area ang isang mining site sa nasabing lalawigan.

“Big thanks to DENR nabawasan ibang effort para sa anti-mining advocacies, may grupo dito na mag-conduct ng gratitude this Feb.27. Sana nga ma-declare na itong mining site dito na watershed officially.”pahayag ni Father Fabic.

Nauna rito, ikinagalak din ng iba’t-ibang environmental groups ang kanselasyon ng MPAs at mining permits ng mga minahan.

Read: http://www.veritas846.ph/cancellation-ng-75-mining-contracts-ipinagbunyi/

Magugunitang 72 MPAs at 23 mining permits ang kinansela ni Secretary Lopez bilang bahagi ng patuloy nitong pagtatanggol sa karapatan ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,112 total reads

 55,112 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,497 total reads

 134,497 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,942 total reads

 167,942 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,240 total reads

 203,240 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,560 total reads

 427,560 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,808 total reads

 111,808 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top