Pandarambong sa OFW remittances, isang heinous crime

SHARE THE TRUTH

 282 total views

‘Huwag gawing pera – pera lang ang remittances ng mga Overseas Filipino Worker.

Ito ang naging paaala – ala ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga pulitiko na minsan ay ibinubulsa lamang ang kaban ng bayan at hindi natutumbasan ng programa para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga migranteng Filipino.

Hinimok ng chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga opisyal ng pamahalaan na suklian ang pagsasakripisyo ng mga OFW higit pa sa pagpaparami ng mga minahan at casino sa bansa.

“Those money are products of their sacrifices and sufferings. They are not just “pera-pera lang. So misuse or abuse or in concrete term “plunder” of those remittances is heinous crime. Their remittances assist and contribute most to our country more than mining, casino. We see here their importance, their sacrifices.”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Iginiit pa ni Bishop Santos na napapanahon na rin na tanggalin ang ipinapatong na P550-pesos na terminal fee, tulungan ang mga nakabilanggong OFW at kasuhan ang mga illegal recruiters na nagdudulot lamang ng kapahamakan sa buhay ng mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat.

“We must be grateful to our OFW, and to be grateful is to do what is best for them, like for example scrap the 550 terminal fee, assist and help those in prison and prosecute those illegal recruiters.”giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Kaugnay nito, pinayuhan ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang pamahalaan na huwag sirain ang pag-asa ng bawat Pilipino sa kaunlaran.

Read: http://www.veritas846.ph/huwag-sirain-ang-pag-asa-ng-bawat-pilipino-sa-kaunlaran/

Naitala naman ang pinakamataas na antas ng halaga ng perang ipinadala ng mga OFW sa kanilang mga kamag-anak dito sa bansa noong Disyembre 2016 na batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay umaabot sa 2.56 bilyong dolyar.

Ayon sa BSP, ito ang pinakamalaking monthly inflow cash remittance na naitala sa kasalukuyan.

Sa kabuuan ng taong 2016, pumalo sa 26.9 na bilyong dolyar ang perang pumasok sa bansa na nagmula sa mga OFW na mas mataas ng limang porsiyento kumpara noong 2015.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,048 total views

 9,048 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,692 total views

 23,692 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,994 total views

 37,994 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,764 total views

 54,764 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,225 total views

 101,225 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top