Sabado, Marso 29, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,685 total views

Sabado sa Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Oseas 6, 1-6
Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Lucas 18, 9-14

Saturday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Oseas 6, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Oseas

Halikayo at tayo’y manumbalik sa Panginoon pagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya siya rin ang gagamot. Sa loob ng dalawang araw ay mapalalakas niya tayo uli. At sa ikatlong araw, tayo’y kanyang ibabangon, upang mamuhay sa kanyang pagtangkilik. Halikayo, sikapin nating makilala ang Panginoon; tiyak na tutugunin tayo sa ating panawagan. Sintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan na dumidilig sa kaparangan.

Ano ang gagawin ko sa iyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa iyo, Juda? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay tulad ng ulap sa umaga, gaya ng hamog na dagling napapawi. Kaya nga, ipahahampas ko kayo sa aking mga propeta, lilipulin ko kayo sa pamamagitan ng aking mga salita, at simbilis ng kidlat ang pagkatupad ng aking hatol. Sapagkat katapatan ang nais ko at hindi hain, at pagkakilala sa Diyos sa halip ng handog na susunugin.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4. 18-19. 20-21ab

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Hindi mo na nais ang mga panghandog;
sa haing sinunog di ka nalulugod.
Ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat
ay ang pakumbaba’t pusong mapagtapat.

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

Iyong kahabagan, O Diyos, ang Sion;
yaong Jerusalem ay muling ibangon.
At kung magkagayon, ang handog na haing
dala sa dambana, torong susunugin,
malugod na ito’y iyong tatanggapin.

Katapatan ang naisin
kalakip ng paghahain.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 94, 8ab

Kapag ngayo’y napakinggan
ang tinig ng Poong mahal,
huwag na ninyong hadlangan
ang pagsasakatuparan
ng mithi n’ya’t kalooban.

MABUTING BALITA
Lucas 18, 9-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. “May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.’ Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo, hindi man lamang makatingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Sabado

Taglay ang mga pusong nagsisisi at nagpapakumbaba, humaharap tayo ngayon sa Diyos. Tumugon tayo ng tapat at nagpapakaabang panalangin sa mga kahilingang ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Padaluyin Mo sa amin ang iyong habag, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tiyak na kanlungan para sa mga makasalanan at mga itinatakwil ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y magbigay ng higit na malasakit sa mga kababaihan, mga bata, mga ulila, mga matatanda, at mga walang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalataya nawa’y magkaroon ng higit na malalim na pananalangin at pagsisisi lalo na sa panahong ito ng Kuwaresma, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maranasan ang nakapagpapagaling na kapangyarihan ni Kristo upang mabigyan sila ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tinutunghayan mo ang aming mga puso at nakikita mo ang aming mga pangangailangan. Ipagkaloob mo, dahil sa iyong habag, ang hinihiling namin sa aming panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 15,640 total views

 15,640 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 189,574 total views

 189,574 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 167,207 total views

 167,207 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 230,868 total views

 230,868 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 249,554 total views

 249,554 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 1,262 total views

 1,262 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 2,919 total views

 2,919 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 2,919 total views

 2,919 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,430 total views

 2,430 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Mayo 23, 2026

 1,679 total views

 1,679 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top