Huwebes, Abril 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,105 total reads

Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Genesis 17, 3-9
Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Juan 8, 51-59

Thursday of the Fifth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Genesis 17, 3-9

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, nagpatirapa si Abram. Sinabi pa sa kanya ng Diyos, “Ito ang ating tipan: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa. Hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham, sapagkat ginagawa kitang ama ng maraming bansa. Pararamihin ko ang iyong mga inapo at magtatatag sila ng mga bansa; at may magiging hari sa kanila.

“Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi, at ako’y magiging Diyos ninyo habang panahon. Ibibigay ko sa inyo ang lupaing ito na inyong tinitirhan ngayon. Magiging inyo na ang buong lupain ng Canaan habang panahon, at ako ang magiging Diyos ninyo.

“Kayo naman ay dapat maging tapat sa ating tipan, ikaw at ang iyong lahi,” sabi pa ng Diyos kay Abraham.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ang Poon ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
Siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
ang kanyang paghatol, gayun din ang kanyang ginawang himala.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

Ang tipang pangako’y laging nasa isip niya kailanman,
ang mga pangakong kanyang binitiwan sa lahat ng angkan.
Ang tipan ng Diyos ay unang ginawa niya kay Abraham,
at may pangako ring ginawa kay Isaac na lingkod na mahal.

Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 94, 8ab

Kapag ngayo’y napakinggan
ang tinig ng Poong mahal,
huwag na ninyong hadlangan
ang pagsasakatuparan
ng mithi n’ya’t kalooban.

MABUTING BALITA
Juan 8, 51-59

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Tandaan niyo: ang namumuhay ayon sa aking aral, kailanma’y di makararanas ng kamatayan.” Sinabi ng mga Judio, “Ngayo’y natitiyak naming inaalihan ka nga ng demonyo. Namatay si Abraham at ang mga propeta, pero sinasabi mong hindi mamamatay kahit kailan ang sinumang namumuhay ayon sa iyong aral.

Dakila ka pa ba kaysa aming amang si Abraham? Siya’y namatay, gayun din ang mga propeta. Ano ba ang akala mo sa sarili mo?” Sumagot si Hesus, “Kung ako ang nagpaparangal sa aking sarili, iya’y walang kabuluhan. Ang aking Ama ang nagpaparangal sa akin at sinasabi ninyong siya ang inyong Diyos. Hindi ninyo siya nakikilala, ngunit siya’y nakikilala ko. Kung sabihin kong hindi ko siya nakikilala, ako’y magiging sinungaling na tulad ninyo. Subalit nakikilala ko siya at ginagawa ko ang kanyang sinasabi. Natuwa ang inyong amang si Abraham nang mabatid na makikita niya ang araw ng pagparito ko; nakita nga niya ito at siya’y nagalak.” Dahil dito’y sinabi sa kanya ng mga Judio, “Wala ka pang limampung taon, at nakita mo na si Abraham?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: bago ipinanganak si Abraham, ‘Ako’y Ako Na.’.” Dumampot sila ng bato upang siya’y batuhin, ngunit nagtago si Hesus at lumabas ng templo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Ilapit natin ang ating mga kahilingan kay Jesus na gumagabay sa atin sa ating pagpupunyagi sa pananampalataya patungo sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Jesus, dalhin Mo kami sa Ama.

Ang Kaharian ng Diyos nawa’y manatili sa mga puso ng mga kumakalinga sa presensya ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ni Jesus, maipagkaloob nawa sa atin ang kakayahang magpunyagi sa pananampalataya katulad ng ginawa ni Abraham, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang diwa ng ating pananampalataya nawa’y ganap nating maipadama sa pamamagitan ng pagkilos ni Jesus sa ating mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at binabagbag ng mga suliranin nawa’y magpasalamat sa presensya ni Jesus na kanilang kasama sa paglalakbay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat sa Panginoon na namayapa na, ay makarating nawa sa kanilang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, igawad mo ang aming mga kahilingan at panatilihin ang aming pananampalataya habang kami ay naglalakbay sa buhay upang ang muli nating pagsasama ay mapuspos ng kagalakan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 29,508 total reads

Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka ng 96-pesos sa isang araw o katumbas ng 14,634 pesos sa isang buwan. Ito ang poverty threshold ng gobyerno para sa family of five na matugunan ang pangangailangan sa pagkain, non-food requirements tulad ng bayarin sa bahay, transportasyon,edukasyon, tubig, kuryente at healthcare. Pinagluluko ba tayo ng gobyerno ni PBBM?

Paano ka mabubuhay sa 96-pesos sa loob ng isang araw? Sa pamasahe pa lang, kulang na ang nasabing halaga, paano ang pagkain mo? Magtitiis ka na lang sa “langhap sarap” kasabay ng buntong-hininga. Ang mahirap sa magagaling at matatalinong Department of Planning and Economy  Development, dukha ka na nga, gagawin pa tayong bobo o hindi man lang marunong magbilang at magkuwenta?

Kahit anong gawin mong aritmitik sa 96-pesos na kita sa loob ng isang araw, hindi ka mabubuhay! Paano nasasabi ng DepEV daily cost of living ang 96-pesos? Ano ang kanilang naging batayan?

Ang reyalidad Kapanalig, maging sa isang street dweller ay hindi magkakasya ang nobenta y sais pesos. Kung 96-pesos ang poverty threshold ng administrasyong Marcos, wala nang mahihirap na mga Pilipino.

Tinagurian ng IBON Foundation ang poverty threshold ng pamahalaan na “problematic, outdated at unrealistic o hindi makatotohanan. Ang problema ng administrasyong Marcos, binabalewala nito ang laganap na kahirapan o karukhaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga “band-aid solutions” sa halip na resolbahin ang ugat ng kahirapan tulad ng sistimatikong korapsyon sa pera ng taumbayan.

Ang nakakalungkot at nakaka-highblood, tinagurian tayong “mayayabang” ng mismong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya walang naiipon at naghihirap sa buhay.

Walang karapatan si BSP Gov.Eli Remolona Jr., na tawagin tayong mga Pilipino na mayayabang! Bakit?

Napakalaki ng pinapasahod natin sa walang modong gobernador ng B-S-P. Kapanalig, batay sa Commission on Audit report sa salaries and allowances o (ROSA) ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 2025, sila ang may pinakamalaking sahod sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Bakit sila pinagpala? Sa report ng COA, si BSP GOV. Eli Remolona Jr. ay tumatanggap ng nakakalulang  ₱52.756 milyong-pisong total compensation kabilang na ang basic salary, bonuses, incentives, at allowances. Napakalakas pa ng loob ng opisyal na ito para tapak-tapakan tayong mga nagpapasahod sa kanya. Ang dalawang Senior Assistant Governor ng BSP na sina Johnny Noe Ravalo at Edna Villa, ₱30.588 million at ₱30.520 million ang kinikita kada taon.

Tumatanggap naman ang Monetary Board Members ng B-S-P na kinabibilangan ni budget secretary Benjamin Diokno at Romeo Bernardo, Rosalia De Leon, Jose Querubin, at Walter Wassmer tumataginting na ₱29.852 million hanggang ₱30.199 million; ang Deputy Assistants at senior assistant governors na sina Chuchi Fonacier, Mamerto Tangonan, Bernadette Romulo Puyat, Zeno Ronald Abenoja, Arifa Ala, at Lyn Javier ay tumatanggap ng ₱28.82 million kada taon. Akalain mo, yung 96-pesos na poverty threshold ng administrasyong Marcos ay negative percent sa kinikita ng mga opisyal na ito? Ano ba ang espesyal nilang trabaho, bakit natin sila pinapasahuran ng napakalaki?

Kapanalig, basura man ang turing sa atin ng kapwa, tayo ay biyaya para sa Diyos tulad ng sinasabi ng  Luke 6:20 – “And he lifted up his eyes on his disciples, and said, Blessed be ye poor: for yours is the kingdom of God.” Sinasabi din ng James 2:5 – “Hearken, my beloved brethren, Hath not God chosen the poor of this world rich in faith, and heirs of the kingdom which he hath promised to them that love him?”

Sumainyo ang Katotohanan.

PAGLALAKBAY SA DAAN NG KAPAYAPAAN

 4,902 total reads

Ang kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi ang kakayahang manatiling panatag sa kabila ng mga unos ng buhay. Nagsisimula ito sa pagtanggap, pagpapatawad, at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Sapagkat hindi man laging tahimik ang ating paligid, maaari pa ring magkaroon ng katahimikan ang ating puso kapag ipinauubaya natin sa Kanya ang ating mga pangamba. At sa kapayapaang ating natatagpuan, nawa’y maging daan din tayo upang mapanatag ang puso ng iba.

OUTSMARTED

 6,769 total reads

Gospel Reading for November 06, 2026 – Luke 16: 1-8

OUTSMARTED

Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said, ‘What is this I hear about you?Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’ He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”

————

Satan is as sly as sly can be. He teaches those who allow him to influence them the wily ways that can often outsmart even those who are good.

Although Jesus teaches us to forgive those who wrong us, he never taught us that the wrong they do should be tolerated. Otherwise, he would not have used such strong words against the scribes, Pharisees, and chief priests. Neither would he have driven out the merchants and money changers from the Temple.

Let us also not make the mistake of thinking that because the master in the parable commended the dishonest steward, Jesus was commending his dishonesty, too. Rather, Jesus was pointing out the steward’s shrewdness and resourcefulness. He was teaching us that Christians, who are children of the light, should be just as wise and resourceful in pursuing what is good and in building God’s Kingdom. We should never allow ourselves to be OUTSMARTED by the evil one.

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.” (1 Peter 5:8)

Sometimes, even the children of light who are supposed to expose evil become deceived because they grow complacent, thinking that being children of God makes them safe from the influence of the evil one. This is precisely why we must remain vigilant. No one is beyond temptation, even Jesus, the Son of God that he is, was tempted by Satan in the desert. No one should ever consider him/herself immune to sin. The moment we believe we are no longer vulnerable to evil may be the moment we become most vulnerable to it.

So, when the evil one tries to influence our minds by making us believe that doing things contrary to the teachings of Jesus is justifiable, we must remain alert and clear-minded. The devil will never lead us toward what is good because his purpose is to lead us away from God and destroy what God has created.

Lord Jesus, may your Spirit always grant us the wisdom and strength to make the right decisions in our daily lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 29,510 total reads

 29,510 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 100,588 total reads

 100,588 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 187,093 total reads

 187,093 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 230,125 total reads

 230,125 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 278,475 total reads

 278,475 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 11,375 total reads

 11,375 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 13,897 total reads

 13,897 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 15,982 total reads

 15,982 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 14,501 total reads

 14,501 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 15,600 total reads

 15,600 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top