Pagkakaaresto kay Duterte, pag-asa sa mga biktima ng war on drugs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,891 total reads

Naniniwala si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na mahalaga ang pag-asang hatid ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga naiwang kapamilya at mahal sa buhay ng mga biktima ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyon.

Sa mensaheng ipinaabot ni Bishop Alminaza, Vice Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, napapanahon na upang mabigyang katarungan ang lahat ng mga biktima ng walang habas na pamamaslang sa mga hinihinalang sangkot sa illegal na droga sa bansa.
“This development brings a measure of hope and solace to the thousands of families who lost their loved ones during the Duterte regime’s war-on-drugs and war-on-rights, a period marked by impunity and reward-driven killings.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Pagtiyak ng Obispo, patuloy na makikiisa ang Diyosesis ng San Carlos sa pananawagan upang mawakasan na ang karahasan sa lipunan kung saan una na ring sinimulan ng diyosesis ang pagpapatunog ng kampana bilang pananawagan ng katarungan sa mga nagaganap na karahasan sa bansa at ang pagtatanim ng mga puno bilang pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang.

“The Diocese of San Carlos has consistently called for an end to these killings. We have engaged in various initiatives, including the solemn ringing of church bells to awaken consciences, the symbolic planting of trees as a testament to life and justice, and unwavering support for the victims’ families.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, napapanahon ang pag-usad ng kaso ng mga biktima ng EJK sa paggunita ng Simbahan ngayong taon ng Jubilee Year of Hope.

Kasunod ng pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Duterte na kasalukuyang nakadetine sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands ay umaasa rin si Bishop Alminaza na mapanagot rin ang iba pang opisyal at mga indibidwal na sangkot sa marahas na implementasyon ng War on Drugs sa bansa.

Muli ring nanawagan ang Obispo sa bawat isa na patuloy na maging mapagbantay laban sa iba’t ibang karahasan na patuloy na nagaganap sa bansa partikular na sa Negros Island, Mindoro at Mindanao.

“We also hope that other perpetrators of this drug war will be brought to justice. Nevertheless, we remain vigilant in the continuing practice of impunity recently, as military attacks and bombings continue to terrorize rural communities in Negros Island, Mindoro and Mindanao.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Matatandaang sa pamamagitan ng Pastoral Appeal ng mga Obispo ng Negros noong ika-27 ng Hulyo taong 2019 na may titulong ‘Exhortation to Government to Act on Ending the Killings’ ay inatasan lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses na magpatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi upang maipaabot ang galit at apela ng mga mamamayan na mawakasan na ang hindi makatao at walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

Pagbabahagi ni Bishop Alminaza sinisimbolo rin ng tunog ng kampana ang panalangin at hinaing ng mga mamamayan sa Panginoon na pukawin ang puso ng mga kriminal at maging ng mga otoridad upang bigyan ng katarungan ang mga biktima ng mga pagpaslang sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 81,119 total reads

 81,119 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 182,857 total reads

 182,857 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 219,645 total reads

 219,645 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 250,220 total reads

 250,220 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 295,297 total reads

 295,297 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top