Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga kandidato, hinamong i-alok sa mga botante ang plataporma hindi pera

SHARE THE TRUTH

 24,233 total views

Binigyang diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na plataporma at hindi pera ang dapat na ibahagi ng mga kandidato sa mga botante ngayong panahon ng halalan.

Ito ang mensahe ng Obispo na siya ring tagapangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace kaugnay sa nalalapit na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon sa Obispo, plataporma sa halip na pera ang dapat na ibahagi ng mga kandidato upang magsilbing gabay ng mga botante sa pagpili kung sino ang dapat na ihalal sa nakatakdang eleksyon.
Giit ni Bishop Bagaforo, dapat na igalang at bigyang halaga ng mga kandidato ang karapatan at kalayaang bumoto ng bawat botante sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang plataporma upang magsilbing gabay sa pagpili ng ihahalal.

“Para sa mga kandidato, hindi kami tumatanggap ng inyong pera, bigyan niyo lang kami ng inyong plataporma. Please respect our votes.” Bahagi ng panawagan ni Bishop Bagaforo.

Matatandaang una ng sinuportahan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa bansa ang bagong tatag na Committee against Vote-Buying and Vote Selling ng Commission on Elections (COMELEC) na layuning pangasiwaan ang pagwawaksi sa talamak na bilihan at bentahan ng boto tuwing panahon ng halalan sa bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 78,316 total views

 78,316 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 86,091 total views

 86,091 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 94,271 total views

 94,271 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,833 total views

 109,833 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,776 total views

 113,776 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,479 total views

 23,479 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,150 total views

 24,150 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top