Huwag palawakin ang agwat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 120,700 total views

Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa kanya sa The Hague sa The Netherlands dalawang linggo na ang nakararaan.

Kalát sa social media ang mga larawan at video na nagpapakita ng pagsasama-sama ng mga nagpakita ng pakikiisa sa dating pangulo at kanyang pamilya. May mga galít at dismayado sa ating gobyerno. May mga emosyonal at hindi napigilang umiyak dahil mistulang kinakawawa ang kanilang idolo. May mga matapang na naghamon ng pag-aalsa laban sa pamahalaan dahil sa anila’y pagtatraydor kay Pangulong Duterte.

May isang partikular na video na lubhang nakababagabag ang kalakip nitong caption. Handa raw ang mga Maranao at Muslim sa digmaan kapag may mangyaring masama sa kinikilala nilang “Tatay Digong.” Kuha ang video sa lungsod ng Marawi sa Mindanao. Pero ang mas nakalulungkot ay ang caption ng isang nag-share ng naturang video. Tinawag niyang installer ng tempered glass ang mga nag-rally. Marami sa comments section ng post ang tila nanggatong pa at ginawang katatawanan ang pagtawag sa mga tagasuporta ni Pangulong Duterte na tagapaglagay ng tempered glass sa cellphone.

Nakaugat ang ganitong karakterisasyon sa mga kapatid nating Muslim dahil marami sa mga tindahang nagbebenta ng mga accessories ng cellphone dito sa Metro Manila ay mula sa Mindanao. Nakasuot ng hijab ang mga babae, at kufi at thobe ang suot naman ng mga lalaki. Hindi simpleng costume ang mga kasuotang ito; nakakabit ang mga ito sa pananampalatayang Islam. Nakalulungkot na pinalalaganap ng ganitong post ang mga tinatawag nating stereotypes o pagkakahon tungkol sa mga Muslim—mga taga-install lamang ng tempered glass.

May masama ba sa pagiging manininda, mga Kapanalig?

Sa isang bansang mas marami ang Kristiyano, maituturing na minorya ng ating populasyon ang mga taga-Mindanao, lalo na ang mga Muslim. Sa pagkakaaresto ng ipinagmamalaki nilang anak ng Mindanao, natural lang na makaramdam sila ng pagkalungkot at galit. Tayong mga wala sa kanilang lugar at hindi nakaiintindi sa pinanggagalingan ng kanilang emosyon ay mas makatutulong kung mananahimik muna. Imbes na palakihin ang pagkakaiba-iba natin sa gitna ng ingay sa pulitika, mainam na hayaan muna nating mailabas ang mga emosyon, subukan munang pakinggan ang kanilang sinasabi, at suriin muna ang magiging reaksyon sa kanila. Walang mabuting ibubunga ang gawin silang katatawanan o maliitin ang kanilang trabaho, pagkakakilanlan, at pagkatao.

May mga kasong isinampa laban kay Pangulong Duterte at ang proseso na ng batas ang magpapatunay ng kanyang pananagutan sa mga ito. Maraming tumutuligsa sa mga pamamalakad ng dating presidente, lalo na sa pagtugon niya sa aniya’y problema natin sa iligal na droga. Pero maghinay-hinay tayo sa pakikitungo sa mga walang nakikitang mali sa kanyang pamumuno. 

Huwag na nating palalain ang sinasabi ng United Nations na “disturbing rise in anti-Muslim bigotry.” Laganap daw sa buong mundo ang tinatawag na Islamophobia o pagkamuhi sa mga Muslim. Ang gawing silang katatawanan at pangmamaliit sa kanila ay isang porma ng diskriminasyon. Mas matindi pa ang pag-uugnay sa kanila sa karahasan at terorismo. 

Ang pagturing sa mga Muslim bilang mas mababa ay salungat sa solidarity, isang batayang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Sa kabila ng ating pagkakaiba-iba—relihiyon man o paniniwala sa pulitika—inuudyukan tayo ng ating pananampalatayang ituring ang ating kapwa bilang kapantay natin. Mababasa natin sa Juan 15:12 ang turo ni Hesus: “magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo.” Mahirap ito kung ikinakahon natin ang ating kapwa.

Mga Kapanalig, ramdam ang pagkakawatak-watak nating mga Pilipino sa nangyaring pag-aresto sa isang tinitingalang tao ng ilang kababayan natin. Huwag na natin itong palawakin, kahit pa sa social media.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 23,897 total views

 23,897 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 30,026 total views

 30,026 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 60,168 total views

 60,168 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 80,454 total views

 80,454 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 100,979 total views

 100,979 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 23,899 total views

 23,899 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 30,028 total views

 30,028 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 60,170 total views

 60,170 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 80,456 total views

 80,456 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top