Biyernes, Abril 11, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,291 total views

Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 20, 10-13
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Juan 10, 31-42

Friday of the Fifth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 20, 10-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, Panginoon, malakas ka’t makapangyarihan;
madarapa ang lahat ng umuusig sa akin,
hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon,
at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
Panginoon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Panginoon
sapagkat inililigtas niya ang mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

O Panginoon kong aking kalakasan,
minamahal kita nang tunay na tunay.
Panginoo’y batong hindi matitibag,
matibay kong muog at Tagapagligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

D’yos ko ang sa akin ay s’yang nag-iingat,
Tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Sa ‘yo, Panginoon, ako’y tumatawag,
sa mga kaaway ako’y ‘yong iligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Gapos ako ng tali ng kamatayan;
siniklot ng alon ng kapahamakan.
Nabibingit ako sa kamatayan,
nakaumang na sa labi ng libingan.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Kaya’t ang Poon ay tinawag ko;
sa aking kahirapan, humingi ng saklolo.
Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig,
umabot sa kanya ang aking paghibik.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 6, 63k. 68k

Salita mo, Kristong mahal,
Espiritung bumubuhay,
nagtuturo’t umaakay
sa nagnanais makamtan
ang langit na walang hanggan.

MABUTING BALITA
Juan 10, 31-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, ang mga Judio’y kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus:

“Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako’y inyong babatuhin?” Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang.” Tumugon si Hesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, mga diyos kayo?’ Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. Ako’y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya.”

Tinangka na naman nilang dakpin siya, ngunit siya’y nakatalilis.

Muling pumunta si Hesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na noong una’y pinagbibinyagan ni Juan. Nanatili siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, “Si Juan ay walang ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.” At doo’y maraming sumampalataya kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Kuwaresma
Biyernes

Manalangin tayo na patuloy tayong patnubayan ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta upang maipalaganap natin ang mensahe ni Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga patriarka at mga propeta, dinggin Mo kami.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng mga pinuno nito, nawa’y magpatupad ng kanyang misyon na ipahayag ang Ebanghelyo nang walang pagbabago sa anumang aral nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mensahe ni Jesus, tulad ng lebadura nawa’y magpabago sa bawat aspeto ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y hangarin ang pagsupil sa sarili, lalo na sa panahong ito ng pagsisisi sa kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pagsubok sa buhay nawa’y hindi makasira ng ating loob bagkus makatulong sa paglago natin sa pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aakalang hindi nila kailangan ang Sakramento ng Kumpisal nawa’y mapukaw ang kalooban at magsisi sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, ipinadala mo sa amin ang mga pangaral ng mga propeta upang panatilihin ang aming pag-asa. Loobin mong kami ay maging malakas na makatupad sa iyong kalooban at magpatotoo sa aming pananampalataya sa iyo habambuhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 22,068 total views

 22,068 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 45,220 total views

 45,220 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 115,334 total views

 115,334 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 189,948 total views

 189,948 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 268,443 total views

 268,443 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hulyo 20, 2026

 1,572 total views

 1,572 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

Linggo, Hulyo 19, 2026

 2,998 total views

 2,998 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Karunungan 12, 13. 16-19 Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a Poon, ikaw ay mabuti sa lahat ng

Read More »

Sabado, Hulyo 18, 2026

 4,947 total views

 4,947 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 6,059 total views

 6,059 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 7,085 total views

 7,085 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top