Sabado, Abril 26, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,376 total reads

Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang
ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Mga Gawa 4, 13-21
Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

Marcos 16, 9-15

Saturday within the Octave of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 4, 13-21

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagtaka ang mga pinuno at matatanda at mga eskriba sa katapangang ipinakita nina Pedro at Juan, lalo na nang mabatid nilang mga karaniwang tao lamang ang ito at hindi nag-aral. Napagkilala nilang sila’y kasamahan ni Hesus noong nabubuhay pa. At nang makita nila ang taong pinagaling, na nakatayo sa tabi ng dalawa, wala silang masabi laban sa kanila. Kaya’t pinalabas muna sa Sanedrin ang mga alagad, saka sila nag-usap. “Ano ang gagawin natin sa mga taong ito?” tanong nila. “Sapagkat hayag na sa buong Jerusalem at hindi natin maitatatwa na isang pambihirang kababalaghan ang naganap sa pamamagitan nila. Para hindi na kumalat ito, balaan natin sila na huwag nang magsalita kaninuman tungkol sa pangalang ito.” Kaya’t muli nilang ipinatawag sina Pedro, at binalaan na huwag nang magsasalita o magtuturo pa tungkol kay Hesus.

Subalit sumagot sina Pedro at Juan, “Kayo na po ang humatol kung alin ang matuwid sa paningin ng Diyos: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos. Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita’t narinig.” At sila’y binalaan nang lalo pang mahigpit saka pinalaya. Wala silang makitang paraan upang maparusahan ang dalawa, sapagkat ang mga tao’y nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

o kaya: Aleluya!

O pasalamatan
ang Panginoong Diyos, pagkat siya’y mabuti;
ang kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Dahilan sa Poon
ako’y pinalakas, at ako’y tumatag;
siya, sa buhay ko, ang Tagapagligtas.
Dinggin ang masayang
sigawan sa tolda ng mga hinirang:
“Ang Poon ay siyang lakas na patnubay!

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

Ang lakas ng Poon
ang siyang nagdulot ng ating tagumpay,
sa pakikibaka sa ating kaaway.”
Aking sinasabing
di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay
ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Pinagdusa ako
at pinarusahan nang labis at labis,
ngunit ang buhay ko’y di niya pinatid.

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

Ang mga pintuan
ng banal na templo’y inyo ngayong buksan,
ako ay papasok,
at itong Panginoo’y papupurihan.
Ito yaong pintong
pasukan ng Poon, ang Panginoong Diyos;
tanging ang matuwid
ang pababayaang doo’y makapasok!
Aking pinupuri
Ikaw, O Poon, yamang pinakinggan,
dininig mo ako’t pinapagtagumpay.

Pinupuri kita, D’yos ko,
pagkat ako’y dininig mo.

ALELUYA
Salmo 117, 24

Aleluya! Aleluya!
Araw ngayong gawa ng D’yos,
magdiwang tayo nang lubos.
Purihin ang Manunubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 16, 9-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Umagang-umaga ng araw ng Linggo, matapos na muling mabuhay si Hesus, siya’y unang napakita kay Maria Magdalena. Pitong demonyo ang pinalayas ni Hesus sa babaing ito. Pumunta siya sa mga alagad ni Hesus, na noo’y nahahapis at umiiyak, at ibinalita ang kanyang nakita. Ngunit hindi sila naniwala sa sinabi ni Maria na buhay si Hesus at napakita sa kanya.

Siya’y napakita rin sa dalawang alagad na naglalakad patungo sa bukid, ngunit iba ang kanyang kaanyuan. Bumalik sa Jerusalem ang dalawa at ibinalita sa kanilang kasamahan ang nangyari, ngunit sila ma’y hindi pinaniwalaan.

Pagkatapos, napakita siya sa Labing-isa samantalang kumakain ang mga ito. Pinagwikaan niya sila dahil sa hindi nila pananalig sa kanya, at sa katigasan ng ulo, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya’y muling mabuhay. At sinabi ni Hesus sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Manalangin tayo ngayon sa Diyos na ating Ama sa Espiritu ng kanyang Anak na Muling Nabuhay upang makibahagi sa ating buhay, lunasan ang ating mga pag-aalinlangan, at ibalik ang ating pananampalataya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan Mo kami ng kapangyarihan
sa pamamagitan ng Espiritu ni Jesus.

Ang Simbahan nawa’y mapuspos ng Espiritu ng Panginoong Muling Nabuhay habang ipinahahayag niya ang Panginoon sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang italaga ang ating sarili kay Kristo bilang katunayan ng ating pag-ibig sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi maghinanakit sa mga sumasalungat sa atin, bagkus ay ipanalangin ang kanilang pagbabagong-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y paginhawahin sa kanilang pagdurusa bunga ng kanilang pananampalataya sa Panginoong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maranasan ang mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pagkalooban mo kami ng tapang na magpatotoo sa pagdating ng iyong Kaharian. Marapatin mo na lagi naming matupad ang iyong kalooban upang kami ay maging karapat-dapat sa iyong mga biyaya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 36,755 total reads

Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka ng 96-pesos sa isang araw o katumbas ng 14,634 pesos sa isang buwan. Ito ang poverty threshold ng gobyerno para sa family of five na matugunan ang pangangailangan sa pagkain, non-food requirements tulad ng bayarin sa bahay, transportasyon,edukasyon, tubig, kuryente at healthcare. Pinagluluko ba tayo ng gobyerno ni PBBM?

Paano ka mabubuhay sa 96-pesos sa loob ng isang araw? Sa pamasahe pa lang, kulang na ang nasabing halaga, paano ang pagkain mo? Magtitiis ka na lang sa “langhap sarap” kasabay ng buntong-hininga. Ang mahirap sa magagaling at matatalinong Department of Planning and Economy  Development, dukha ka na nga, gagawin pa tayong bobo o hindi man lang marunong magbilang at magkuwenta?

Kahit anong gawin mong aritmitik sa 96-pesos na kita sa loob ng isang araw, hindi ka mabubuhay! Paano nasasabi ng DepEV daily cost of living ang 96-pesos? Ano ang kanilang naging batayan?

Ang reyalidad Kapanalig, maging sa isang street dweller ay hindi magkakasya ang nobenta y sais pesos. Kung 96-pesos ang poverty threshold ng administrasyong Marcos, wala nang mahihirap na mga Pilipino.

Tinagurian ng IBON Foundation ang poverty threshold ng pamahalaan na “problematic, outdated at unrealistic o hindi makatotohanan. Ang problema ng administrasyong Marcos, binabalewala nito ang laganap na kahirapan o karukhaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga “band-aid solutions” sa halip na resolbahin ang ugat ng kahirapan tulad ng sistimatikong korapsyon sa pera ng taumbayan.

Ang nakakalungkot at nakaka-highblood, tinagurian tayong “mayayabang” ng mismong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya walang naiipon at naghihirap sa buhay.

Walang karapatan si BSP Gov.Eli Remolona Jr., na tawagin tayong mga Pilipino na mayayabang! Bakit?

Napakalaki ng pinapasahod natin sa walang modong gobernador ng B-S-P. Kapanalig, batay sa Commission on Audit report sa salaries and allowances o (ROSA) ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 2025, sila ang may pinakamalaking sahod sa lahat ng kawani ng pamahalaan.

Bakit sila pinagpala? Sa report ng COA, si BSP GOV. Eli Remolona Jr. ay tumatanggap ng nakakalulang  ₱52.756 milyong-pisong total compensation kabilang na ang basic salary, bonuses, incentives, at allowances. Napakalakas pa ng loob ng opisyal na ito para tapak-tapakan tayong mga nagpapasahod sa kanya. Ang dalawang Senior Assistant Governor ng BSP na sina Johnny Noe Ravalo at Edna Villa, ₱30.588 million at ₱30.520 million ang kinikita kada taon.

Tumatanggap naman ang Monetary Board Members ng B-S-P na kinabibilangan ni budget secretary Benjamin Diokno at Romeo Bernardo, Rosalia De Leon, Jose Querubin, at Walter Wassmer tumataginting na ₱29.852 million hanggang ₱30.199 million; ang Deputy Assistants at senior assistant governors na sina Chuchi Fonacier, Mamerto Tangonan, Bernadette Romulo Puyat, Zeno Ronald Abenoja, Arifa Ala, at Lyn Javier ay tumatanggap ng ₱28.82 million kada taon. Akalain mo, yung 96-pesos na poverty threshold ng administrasyong Marcos ay negative percent sa kinikita ng mga opisyal na ito? Ano ba ang espesyal nilang trabaho, bakit natin sila pinapasahuran ng napakalaki?

Kapanalig, basura man ang turing sa atin ng kapwa, tayo ay biyaya para sa Diyos tulad ng sinasabi ng  Luke 6:20 – “And he lifted up his eyes on his disciples, and said, Blessed be ye poor: for yours is the kingdom of God.” Sinasabi din ng James 2:5 – “Hearken, my beloved brethren, Hath not God chosen the poor of this world rich in faith, and heirs of the kingdom which he hath promised to them that love him?”

Sumainyo ang Katotohanan.

PAGLALAKBAY SA DAAN NG KAPAYAPAAN

 5,239 total reads

Ang kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi ang kakayahang manatiling panatag sa kabila ng mga unos ng buhay. Nagsisimula ito sa pagtanggap, pagpapatawad, at pagtitiwala sa Diyos sa mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Sapagkat hindi man laging tahimik ang ating paligid, maaari pa ring magkaroon ng katahimikan ang ating puso kapag ipinauubaya natin sa Kanya ang ating mga pangamba. At sa kapayapaang ating natatagpuan, nawa’y maging daan din tayo upang mapanatag ang puso ng iba.

OUTSMARTED

 7,243 total reads

Gospel Reading for November 06, 2026 – Luke 16: 1-8

OUTSMARTED

Jesus said to his disciples, “A rich man had a steward who was reported to him for squandering his property. He summoned him and said, ‘What is this I hear about you?Prepare a full account of your stewardship, because you can no longer be my steward.’ The steward said to himself, ‘What shall I do, now that my master is taking the position of steward away from me? I am not strong enough to dig and I am ashamed to beg. I know what I shall do so that, when I am removed from the stewardship, they may welcome me into their homes.’ He called in his master’s debtors one by one. To the first he said, ‘How much do you owe my master?’ He replied, ‘One hundred measures of olive oil.’ He said to him, ‘Here is your promissory note. Sit down and quickly write one for fifty.’ Then to another he said, ‘And you, how much do you owe?’ He replied, ‘One hundred measures of wheat.’ He said to him, ‘Here is your promissory note; write one for eighty.’ And the master commended that dishonest steward for acting prudently. For the children of this world are more prudent in dealing with their own generation than the children of light.”

————

Satan is as sly as sly can be. He teaches those who allow him to influence them the wily ways that can often outsmart even those who are good.

Although Jesus teaches us to forgive those who wrong us, he never taught us that the wrong they do should be tolerated. Otherwise, he would not have used such strong words against the scribes, Pharisees, and chief priests. Neither would he have driven out the merchants and money changers from the Temple.

Let us also not make the mistake of thinking that because the master in the parable commended the dishonest steward, Jesus was commending his dishonesty, too. Rather, Jesus was pointing out the steward’s shrewdness and resourcefulness. He was teaching us that Christians, who are children of the light, should be just as wise and resourceful in pursuing what is good and in building God’s Kingdom. We should never allow ourselves to be OUTSMARTED by the evil one.

“Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour.” (1 Peter 5:8)

Sometimes, even the children of light who are supposed to expose evil become deceived because they grow complacent, thinking that being children of God makes them safe from the influence of the evil one. This is precisely why we must remain vigilant. No one is beyond temptation, even Jesus, the Son of God that he is, was tempted by Satan in the desert. No one should ever consider him/herself immune to sin. The moment we believe we are no longer vulnerable to evil may be the moment we become most vulnerable to it.

So, when the evil one tries to influence our minds by making us believe that doing things contrary to the teachings of Jesus is justifiable, we must remain alert and clear-minded. The devil will never lead us toward what is good because his purpose is to lead us away from God and destroy what God has created.

Lord Jesus, may your Spirit always grant us the wisdom and strength to make the right decisions in our daily lives. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 36,756 total reads

 36,756 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 107,581 total reads

 107,581 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 194,086 total reads

 194,086 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 237,119 total reads

 237,119 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 285,263 total reads

 285,263 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 11,485 total reads

 11,485 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 14,007 total reads

 14,007 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 16,092 total reads

 16,092 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 14,611 total reads

 14,611 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 15,710 total reads

 15,710 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top