Mga kandidato, hinamong pagnilayan ang landas ng serbisyo publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,599 total views

Nanawagan ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga kandidato sa nalalapit na 2025 Midterm national and local elections na gamiting pagkakataon ang Semana Santa upang makapagnilay.

Nanawagan si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mga kandidato na samantalahin ang paggunita ng Mahal na Araw upang ganap na makapagnilay sa kung ano ang kanilang tunay na maiaambag para sa kabutihan at pag-unlad ng bayan.

Ayon sa Obispo, ang Semana Santa ay hindi lamang isang pagkakataon upang makapagbalik loob ang lahat sa Panginoon sa halip ay isang pagkakataon din upang mapagnilayan ang landas ng serbisyo publiko.

“Holy Week is not only a time for spiritual renewal but also a meaningful opportunity to contemplate the path of public service. We urge our aspiring leaders to reflect sincerely on the good they can do for the country and to recommit themselves to selfless service for the Filipino people—especially the poor, the marginalized, and the voiceless.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Nanawagan rin si Bishop Bagaforo sa bawat isa na ipanalangin ang nalalapit na halalan upang ganap na manaig ang katotohanan, katarungan at tunay na demokrasya ng bansa.

“May this election be a celebration of genuine democracy and justice… May this Holy Week lead us all toward a renewed sense of purpose, guided by truth, compassion, and the common good.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na ituon ang pagtingin kay Hesus ngayong Mahal na Araw at humingi ng biyaya upang mas maintindihan ang misteryo ng kanyang pagpapakasakit para sa katuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Batay sa tala ng COMELEC nasa 18,280 na posisyon ang pagbobotohan sa darating na 2025 Midterm Elections, kabilang ang 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 20,302 total views

 20,302 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 144,713 total views

 144,713 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 187,851 total views

 187,851 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 267,750 total views

 267,750 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top