Lunes, Hunyo 2, 2025

SHARE THE TRUTH

 3,201 total views

Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir

Mga Gawa 19, 1-8
Salmo 67, 2-3. 4-5ak. 6-7ab

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Juan 16, 29-33

Monday of the Seventh Week of Easter (White)

or Optional Memorial of Saints Marcellinus and Peter, Martyrs

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 19, 1-8

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Samantalang nasa Corinto si Apolos, si Pablo nama’y naglagos sa mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang dumating sa Efeso. May natagpuan siya roon ilang alagad, at tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang sumampalataya kayo?” “Hindi po,” tugon nila. “Ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo.” “Kung gayun, sa ano kayo nabinyagan?” tanong niya. “Sa binyag ni Juan,” anila. Sinabi ni Pablo, “Ang binyag ni Juan ay tanda ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga Israelita na dapat silang sumampalataya sa darating na kasunod niya, samakatuwid baga’y kay Hesus.” Nang marinig nila ito, sila’y nagpabinyag sa pangalan ng Panginoong Hesus. Ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila. Bumaba sa kanila ang Espiritu Santo at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika at nagpahayag ng salita ng Diyos. Sila’y humigit-kumulang sa labindalawang lalaki.

Sa loob ng tatlong buwan, si Pablo’y pumapasok sa sinagoga at nakikipagtalo sa mga naroon at buong tapang na ipinaliliwanag sa kanila kung ano ang paghahari ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 2-3. 4-5ak. 6-7ab

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

o kaya: Aleluya.

O mag-alsa sana ang Diyos, ang kaaway pakalatin,
at ang mga namumuhi’y tumakas sa kanyang piling!
Kung paanong yaong ulap tinatangay noong hangin,
gayun sila itataboy, gayun sila papalisin;
at kung pa’nong yaong pagkit sa apoy ay natutunaw,
sa harap ng Panginoon ang masama ay papanaw.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Ang lahat ay nagagalak, natutuwa ang matuwid;
sa harapan nitong Diyos, galak nila’y di malirip.
Awitan ang Panginoon, purihin ang kanyang ngalan,
ang pangalan niyang banal, magalak na papurihan.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

Ang Diyos na naroon sa tahanan niyang templo,
tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.
May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot,
ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod.

Tanang mga kaharian,
ang Poong D’yos ay awitan.

ALELUYA
Colosas 3, 1

Aleluya! Aleluya!
Kayong kay Kristo nabuhay
ay sa langit nakalaan
upang kay Kristo pumisan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 29-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ng mga alagad kay Hesus, “Ngayon po’y tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na patalinghaga! Alam na naming batid ninyo ang lahat ng bagay, at hindi na kailangang tanungin ninuman. Dahil dito, naniniwala kaming kayo’y mula sa Diyos.” Sumagot si Hesus, “Naniniwala na ba kayo ngayon?” Darating ang oras – at ngayon na nga – na magkakawatak-watak kayo, magkakanya-kanyang lakad kayo, at iiwan ninyo ako. Gayunma’y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. Sinabi ko ito sa inyo upang kayo’y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipag-isa sa akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan; ngunit laksan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Pagkatapos mapagtagumpayan ni Jesus ang mundo, isinugo niya ang Espiritu upang tulungan tayo sa mga hinaharap nating pagsubok at sa ating misyon na magpatotoo sa kanya. Manalangin tayo upang pagkalooban tayo ng lakas at hilingin ang kanyang tulong sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, loobin Mong makasalo kami sa iyong tagumpay.

Ang mga inuusig nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na manindigan sa kanilang paniniwala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga natutukso nawa’y mapaglabanan ang kanilang kahinaan sa pamamagitan ng biyaya ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nag-aalay kay Kristo ng kanilang gawain, propesyon, at negosyo nawa’y makatanggap ng lakas sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa Kristiyanong paraan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na haplos ng Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng maningning na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, magagawa mo ang lahat ng bagay. Marapatin mong gamitin namin ang iyong kapangyarihan sa lahat ng aming ginagawa para sa iyong ikaluluwalhati. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 18,034 total views

 18,034 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 191,968 total views

 191,968 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 169,601 total views

 169,601 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 233,089 total views

 233,089 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 251,587 total views

 251,587 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 1,522 total views

 1,522 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 3,179 total views

 3,179 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 3,179 total views

 3,179 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,517 total views

 2,517 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Mayo 23, 2026

 1,766 total views

 1,766 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top