Panagutin naman natin sila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 64,116 total reads

Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay pamumulitika lamang. Away lang daw ito ng mga maimpluwensyang angkan sa pulitika at kani-kanilang mga kakampi. Agawan lang daw ito ng kapangyarihan. Wala naman daw itong maidudulot na mabuti sa mga mamamayan. Mapapababa raw ba nito ang presyo ng mga bilihin? Gagaan ba ang gastos ng mga nasa ospital? Magiging magaan ba ang gastusin sa pag-aaral? Gaganda raw ba ang buhay ng mga Pilipino?

Malinaw na hindi masasagot ng impeachment trial ang mga isyung malapit sa sikmura, ‘ika nga. Pero sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga lingkod bayan, magkakaroon tayo ng isang pamahalaang matatag at mapagkakatiwalaan. Kung matatag at mapagkakatiwalaan ang ating gobyerno, makakikilos ito para makapaghatid ng mga serbisyong kailangan ng mga mamamayan.

Iyan ang nais iparating na mensahe ng grupong Stratbase Institute. Ang tinatawag na accountability ay pundasyon daw ng matatatag at mapagkakatiwalaang mga institusyon, katulad ng gobyerno. Ang accountability ay tumutukoy sa pagpapanagot sa mga nagpapatakbo ng ating pamahalaan. Itinatanong dito: tapat ba sila sa kanilang tungkulin? Malinis ba ang kanilang pamamahala? Maayos ba nilang ginagasta ang pera ng bayang ipinagkakatiwala sa kanila? 

Pagbibigay-diin pa ng Stratbase Institute, “The strength of our institutions is measured not by the authority, but by how openly and honestly authorities can be questioned, corrected, and held accountable for their actions.” Hindi nasusukat ang katatagan ng ating mga institusyon sa lakas o kapangyarihan ng mga nakaupo. Nasusukat ito sa kabukasan at katapatan ng mga may tangan ng kapangyarihang nagmula sa taumbayan. Dapat bukás sila sa mga tanong, bukás na ituwid, at bukás na managot para sa kanilang aksyon, lalo na kung labag ito sa batas.

Hiráp tayong mga Pilipinong maunawaan ang mga bagay na ito. Nasanay—o sinanay—kasi tayo sa pamumunong nakasentro sa mga lider. Akala natin, dapat silang katakutan, dapat sundin, at hindi kinukuwestyon. Tagatanggap lang tayo ng kung anong ibibigay nila, at kitang-kita iyan sa hindi natin pagbusisi sa napakarami nang ayudang ipinamumudmod sa mga tao. Para sa marami sa atin, may silbi lamang ang gobyerno kung may natatanggap tayo sa kanila, kahit gaano kaliit o kahit kulang pa ito. Sinasabihan nga tayong magpasalamat na lang. Mas mabuting may natatanggap kaysa wala. Mas mabuting may pera o trabahong tatagal lang ng ilang araw kahit pa wala tayong malinis na tubig, murang kuryente, ligtas na mga kalsada, at kumpletong pasilidad sa mga pampubling paaralan at ospital. Okay lang na may ayuda kahit nagnanakaw ang ating mga lider. Mali ang mga ito, mga Kapanalig.

Hindi man natin maiiwasang sumentro sa mga personalidad ang isasagawang impeachment trial, subukan pa rin natin—lalo na ng mga mambabatas na tatayong mga miyembro ng impeachment court—na suriin, kilatisin, at timbanging mabuti ang mga ebidensya. Ito naman ang punto ng impeachment trial—ang ilatag ang mga ebidensya laban sa isang lider at bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag. Kung walang impeachment trial, para na ring aprub sa atin ang gobyernong may itinatago sa taumbayan. Kahit sa mga panlipunang turo ng Simbahan, gaya ng Pacem in Terris, ipinaliliwanag na ang kapangyarihan ng mga nasa gobyerno ay dapat ginagamit para pagsilbihan ang kabutihang panlahat, hindi ang interes ng isa o iilang tao. Salungat dito ang pagtatago sa mga baluktot na gawain ng ating mga lider.

Mga Kapanalig, sa pagsisimula ng impeachment trial kay VP Sara, ipagdasal nating lumabas ang katotohanan—ang katotohanang magpapalaya sa atin, pangaral nga sa Juan 8:32. Sa impeachment trial, maramdaman sana ng ating mga lider na binabantayan at pinananagot natin sila. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,617 total reads

 65,617 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,164 total reads

 98,164 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,990 total reads

 199,990 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,548 total reads

 240,548 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,329 total reads

 258,329 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 65,618 total reads

 65,618 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,165 total reads

 98,165 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,991 total reads

 199,991 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,549 total reads

 240,549 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top