Lunes, Hulyo 14, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,327 total reads

Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari

Exodo 1, 8-14. 22
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Mateo 10, 34 – 11, 1

Monday of the Fifteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Camillus de Lellis, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Exodo 1, 8-14. 22

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, ang Egipto’y nagkaroon ng ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose. Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, “Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila’y patuloy na dumarami at lumalakas pa kaysa atin. Kailangang gumawa tayo ng paraan para mapigil ang kanilang pagdami.

Baka tayo salakayin ng ating mga kaaway at umanib pa sila sa mga ito at pagkatapos ay umalis sa ating lupain.” Kaya’t naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinagawa ng Faraon sa mga ito ang mga Lungsod ng Pitom at Rameses, lungsod na tinggalan ng mga pagkain at kagamitan. Ngunit habang sinisikil, lalo namang dumarami at lumalaganap ang mga Israelita kaya’t sila’y kinapootan at kinatakutan ng mga Egipcio. Dahil dito, ang mga Israelita’y lalong sinikil at pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng iba’t ibang mabibigat na gawaing bukid.

Iniutos naman ng Faraon sa mga Egipcio na itapon sa Ilog Nilo ang lahat ng lalaking isisilang ng mga Hebrea at bayaan lamang mabuhay ang mga babae.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 123, 1-3. 4-6. 7-8

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Ano kaya’t di pumanig sa atin ang Panginoon;
O Israel, ano kaya ang sagot sa gayong tanong?
“Kung ang Panginoong Diyos, sa amin ay di pumanig,
noong kami’y salakayin ng kaaway na malupit,
maaaring kami noon ay nilulon na nang buhay,
sa silakbo ng damdamin at matinding kagalitan.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Maaaring kami noo’y natangay na niyong agos,
naanod sa karagata’t tuluy-tuloy na nalunod;
sa lakas ng agos noo’y nalunod nga kaming lubos.
Tayo ay magpasalamat, ang Poon ay papurihan,
pagkat tayo’y iniligtas sa malupit na kaaway.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

Ang katulad nati’y ibong sa bitag ay nakatakas;
lubos tayong nakalaya nang ang bitag ay mawasak.
Tulong nating kailangan ay sa Poon nagmumula,
pagkat itong lupa’t langit tanging siya ang lumikha.

Sa pangalan ng Maykapal,
tayo ay tinutulungan.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 34 – 11, 1

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. Sapagkat naparito ako upang papaglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae. At ang kaaway ng isang tao’y ang kanya na ring kasambahay.

“Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang umiibig sa anak na lalaki o babae nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad ko – tinitiyak ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala.”

Matapos tagubilinan ang labindalawang alagad, umalis si Hesus upang magturo at mangaral sa mga bayang malapit doon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Kung tapat tayo kay Kristo, huwag natin asahan na magiging sikat tayo. Nawa’y hubugin ang ating mga hangarin ng hiwagang ito ng Kaharian ng Langit.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming buhay.

Ang mga miyembro ng Simbahan nawa’y maging matapang at lagi nang tapat sa pananampalataya sa gitna ng pakikipagtunggali at pag-uusig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magkaroon ng lakas at tapang upang gabayan ang kanilang mga anak sa daan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y magkaroon ng lakas na mapaglabanan ang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga naliligalig at yaong nagdurusa sa isip at katawan nawa’y hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y maging masayang walang hanggan sa Kaharian ng Diyos Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga pakikibaka sa buhay. Bigyan mo kami ng kapanatagan sa kabila ng aming pagdurusa, at bigyan mo kami ng lakas na kumilos nang mayroong pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 79,198 total reads

Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa “discretionary lines”,bilyong piso sa mga ghost projects.

Tayong mga Pilipino ang laging pumapasan sa “systemic tax” na ipinapataw habang ang kaban ng bayan ay pinagpapartehan ng mga sakim na opisyal ng bayan.

Papaano matitigil ang endemic na corruption kung ang mismong nag-apruba sa pambansang budget ay bihasa sa budget insertions? Sa salita, paulit-ulit nating naririnig sa pangulo ng bansa., sa mga mambabatas, wawakasan nila ang nagiging kultura ng korapsyon. Walang nangyari, taon-taon balik uli sa dating script, kickback dito, kickbacks doon. Walang napaparusahan, walang accountability!

Kapanalig, ang tunay na anti-corruption reform ay nangangailangan na basagin at ituwid ang “loopholes” sa paggamit sa pera ng taumbayan, parusahan ang mga tiwaling opisyal bago pa maglaho ang pera ng bayan.

Sa budget deliberations ng Kongreso nagaganap ang budget insertions at triple-triple ang confidential at unprogrammed allocations na nakakalusot sa matinding public debate. Kahit masilip ang iregularidad, umaabot ng ilang administrasyon ang imbestigasyon pa lamang, sa tagal nadidismis ang kaso, o kaya watered-down ang parusa, sa huli: recycled na mga opisyal.

Para sa isang ordinaryong Pilipino, ang katiwalian ay hindi isang legal na usapin. Ang sentimo., ang bawat piso na napunta sa kickbacks, overpriced na government contract., ghost projects ay perang ninakaw mula sa masikip na silid-aralan, walang ponding barangay health centers, mga commuters na nagtitiis sa depektibong mass transit.

Kapag nakakaligtas sa accountability ang matataas na opisyal ng gobyerno habang ang mga ordinaryong mamamayan ay pinapatawan ng matinding penalties sa napakaliit na pagkakasala, ang tiwala sa demokratikong institusyon ay nawawala.

Kapanalig, para matigil na ang cycle of corruption, kailangan ang konkretong institutional na pagkilos sa halip na recycled slogans. Kailangan din ang matinding pagbabantay sa budget deliberations ng Senado sa 7.2-bilyong pisong 2027 national budget at bicameral conference committee para matiyak na mapupunta sa serbisyo publiko ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Napananahon na ring magiging accessible ang procurement portals ng alinmang sangay ng pamahalaan sa mga mamamahayag, journalists, watchdog at mamamayang Pilipino upang manumbalik ang kultura ng honesty sa gobyerno.

Harinawa Kapanalig, manaig at maisabuhay ng bawat opisyal ng bayan at maging ng mga Pilipino ang sinasabi ng Philippians 2:3-4: “Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, not looking to your own interests but each of you to the interests of the others.”

Sumainyo ang Katotohanan.

HOW PRIVATE IS A PRIVATE DIARY?

 11,306 total reads

There is something about the recently published The Private Diary of Pope Francis that makes me feel a little uneasy. There is almost an irony in the title itself. What was private has now been made public.

Reading those brief entries, sometimes consisting of only two or three lines, I get the impression that what we have here is not so much a diary as a spiritual journal.
I wish a fellow Jesuit of Francis could explain to us the Ignatian practice of reviewing one’s prayer in what Jesuits call a “consciousness examen.” Much like the cooling-down period after a strenuous run, it is a moment of quiet attentiveness to what has transpired during one’s encounter with God. One takes note of interior movements, consolations and desolations, as material for the discernment of spirits.

These are not necessarily settled convictions or considered judgments about oneself or others. They are the raw material of spiritual discernment.

I wonder how these entries might be understood by readers unfamiliar with this spiritual discipline. Taken out of their prayerful context, they could easily be misinterpreted.

I am not questioning the good intentions behind the publication. Nor do I know how much of this Francis himself would have wanted to share with the public.

But there is something almost sacred about the intimacy of a person’s encounter with God. Reading these pages, I sometimes feel like an intruder in a sanctuary where someone has taken off his sandals.

Perhaps I should take off mine, too.

DESTRUCTION

 13,075 total reads

Gospel Reading for November 26, 2026 – Luke 21: 20-28

DESTRUCTION

“When you see Jerusalem being surrounded by armies, you will know that its desolation is near. Then let those who are in Judea flee to the mountains, let those in the city get out, and let those in the country not enter the city. For this is the time of punishment in fulfillment of all that has been written. How dreadful it will be in those days for pregnant women and nursing mothers! There will be great distress in the land and wrath against this people. They will fall by the sword and will be taken as prisoners to all the nations. Jerusalem will be trampled on by the Gentiles until the times of the Gentiles are fulfilled.

“There will be signs in the sun, moon and stars. On the earth, nations will be in anguish and perplexity at the roaring and tossing of the sea. People will faint from terror, apprehensive of what is coming on the world, for the heavenly bodies will be shaken. At that time they will see the Son of Man coming in a cloud with power and great glory. When these things begin to take place, stand up and lift up your heads, because your redemption is drawing near.”

————

The DESTRUCTION of Jerusalem by the Romans in 70 CE was very frightening even to think about because it brought widespread starvation, enslavement, displacement, and disease. To this day, the exact number of deaths has not been established, but a great number of people were killed. Jesus knew this would happen, which is why he wept over Jerusalem (Luke 19:41-44). He could not help but weep because they were his countrymen, even though he knew that he would suffer at their hands.

What Jesus mentions next is even more frightening because it speaks of the DESTRUCTION of the whole earth, when all nations will be in anguish.

With what is presently happening around the world, not only wars but also the degradation of life and moral values, people are saying that the end is near.

Jesus tells us that we need not be frightened when these things take place. Instead, we are to stand up and lift up our heads because our redemption is near.

Lord Jesus, may we be among those who will eagerly await your coming in power and glory. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 79,199 total reads

 79,199 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 218,675 total reads

 218,675 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 334,451 total reads

 334,451 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 452,010 total reads

 452,010 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Nobyembre 5, 2026

 42,528 total reads

 42,528 total reads Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 4, 2026

 45,049 total reads

 45,049 total reads Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33

Read More »

Martes, Nobyembre 3, 2026

 47,133 total reads

 47,133 total reads Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos Filipos 2, 5-11 Salmo

Read More »

Lunes, Nobyembre 2, 2026

 45,652 total reads

 45,652 total reads Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10.

Read More »

Linggo, Nobyembre 1, 2026

 46,752 total reads

 46,752 total reads Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top