Kailangan bang isabatas ang pagkalinga sa magulang?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 179,502 total reads

Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na kinikilala ng Estado ang tungkulin ng mga pamilya na kalingain ang mga nakatatanda nilang miyembro. Ganito ang nakasaad sa ating Saligang Batas: “Ang pamilya ay may tungkuling kalingain ang matatandang mga miyembro nito ngunit maaari ding gawin ito ng Estado sa pamamagitan ng makatarungang mga pamamaraan ng kapanatagang panlipunan [o social security].” Nakalista rin sa ating Family Code ang mga kapamilyang obligadong suportahan ang isa’t isa—ang mag-asawa, mga magulang, mga anak, at maging ang mga apo.

Pero kulang pa yata ang mga ito para sa nagbabalik na si Senador Ping Lacson. Kaya inihain niya ang Senate Bill No. 396 o Parents Welfare Act of 2025. Kung maisasabatas, gagawin nitong legal na obligasyon para sa mga nakatatandang anak na suportahan ang kanilang mga magulang na may edad na, may sakit, o may kapansanan. Kung maraming magkakapatid, maghahati-hati sila sa obligasyong ito, batay sa kanilang kakayanan. Kung hindi ito magagampanan ng mga anak, ipapasa ito sa mga apo. Maaaring pera o pagkupkop sa mga magulang ang suportang ibigay sa mga magulang na hindi na kayang alagaan ang kanilang sarili. Pagmumultahin o ipakukulong ang mga anak na mabibigong tupdin ang kanilang obligasyon at ang mga mag-aabandona sa kanilang mga magulang. 

May mga Aumalma sa panukalang batas na ito ni Senador Lacson. Bakit daw inilalagay sa balikat ng mga anak ang pag-aalaga sa kanilang mga magulang? Paano ang mga nakatatandang walang anak? Bakit daw parang ginagawang automatic na breadwinners ang mga anak? Paano naman daw kung may sariling pamilya na o walang kakayanan sa buhay ang mga anak? Tila pinipigilan daw ng batas ang mga anak na piliin ang buhay na nais nila. Hindi raw ito patas lalo na’t hindi naman pinili ng mga anak kung sino ang magiging mga magulang nila. Ang mga magulang daw ang pumiling magkaanák.

Nilinaw na ang mga ito ng senador. Paliwanag niya, hindi inoobliga ng batas ang mga anak na walang kakayanan. Hindi rin oobligahin ang mga anak na iniwan, inabuso, at pinabayaan ng kanilang mga magulang. Hindi rin daw totoong ipinapasa ng batas sa mga anak ang bigat ng pagsuporta sa kanilang matatandang magulang. Magtatatag nga raw ito ng mga “old age home” kung saan maaaring manatili ang mga magulang na may edad, may sakit, o may kapansanan. Binibigyang-diin daw ng panukalang batas ang shared responsibility o ang pananagutang pinagsasaluhan ng mga anak at ng Estado.

Ano ang say ninyo rito, mga Kapanalig?

Ang ikaapat na utos, na mababasa natin sa Exodo 20:12, ay nagpapaalala sa atin na “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Kasama sa paggalang sa ating mga magulang ay ang pagkalinga sa kanila pagsapit ng edad na hindi na nila kayang alagaan ang kanilang sarili. Kahit hindi natin sabihing pagbabayad ng “utang na loob” ito, ang pag-aalaga sa kanila ay tungkulin natin bilang mga taong may konsensya at may kakayahang magmahal.

Kailangan pa ba itong isabatas? Mabibigat ang mga parusang nakalagay sa Parents Welfare Act ni Senador Lacson. Marahil, mas magiging katanggap-tanggap ang batas kung magbibigay ito ng insentibo o tulong sa mga anak na gagampanan ang kanilang tungkulin sa kanilang mga magulang. Pwede silang bigyan ng pagkakataong magbayad ng mas mababang buwis. Pwede ring gawing mas maayos ang serbisyo ng PhilHealth para maging mas magaan sa mga pamilya ang pagpapaospital sa mga maysakit nilang magulang. Pwede ring suportahan ng gobyerno ang mga institusyong kumakalinga sa mga nakatatanda; marami po tayong programa sa Simbahan na nagbibigay ng ganitong tulong.

Mga Kapanalig, pag-aralan pa natin ang panukalang batas na ito dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng pamilyang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 24,484 total reads

 24,484 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 58,522 total reads

 58,522 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,005 total reads

 95,005 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,216 total reads

 113,216 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 196,257 total reads

 196,257 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 24,485 total reads

 24,485 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 58,523 total reads

 58,523 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 95,006 total reads

 95,006 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 113,217 total reads

 113,217 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top