Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalagayan ng mga manggagawa, hindi napansin sa SONA ni PBBM

SHARE THE TRUTH

 14,067 total views

Dismayado ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa bayan.

Ayon kay CWS National Capital Region Chairman Father Noel Gatchalian, hindi nakita ng pangulo ang tunay na kalagayan ng mga Pilipinong nararanasan ang kahirapan.

Tinukoy ni Fr. Gatchalian ang kawalan ng malasakit ng pangulong Marcos sa kalagayan ng mga manggagawa na pinahihirapan ng mataas na inflation rate, mababang sahod at hindi pantay na benepisyo.

“Tapos yung sahod ng mga manggagawa hindi naman tumataas, nadadagdagan palang ng 50-pesos, ano ba yun? ibig sabihin malayong-malayo sa 1,200 na sahod na nanakakabuhay para sa isang manggagawa kaya ibig sabihin. palagay ko hindi niya gaanong nadadama yung mga pangangailangan ng tao, kaya palagay ko kahit na nagtatagalog siya, maganda yung- iba yung pagsasalita sa talagang gumagawa kasi marami siyang ipinangako pero dapat doon- tapos na ang kalahati ng kaniyang administrasyon, tatlong taon na ang nakalipas, napapansin ko na yung mga tao, walang tiwala na mayroon pa siyang magagawa, medyo mahina talaga ang kaniyang mga na-mention,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Gatchalian.

Patuloy naman ang apela ng pari sa gobyerno na ipatupad ang iisang national minimum wage na 1,200-pesos kada araw upang mabigyan ng dignidad ang mga manggagawa at makaagapay sa tuloy-tuloy na pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin.

“Kaya palagay ko ang mga manggagawa walang masyadong maasahan kaya kinakailangan tayong magtulungan sapagkat pagkakataon mo na bilang isang mamumuno, bilang presidente na gumawa ng aksyon, bagay na mas kongkreto pa talaga para sa mga manggagawa,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Gatchalian.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 17,692 total views

 17,692 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 68,226 total views

 68,226 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 98,172 total views

 98,172 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 112,051 total views

 112,051 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 22,411 total views

 22,411 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 18,746 total views

 18,746 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
Scroll to Top