“Church in mission” ng simbahan, paiigtingin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,199 total reads

Ikinalugod ni Dumaguete Bishop Julito Cortes ang patuloy na pagyabong ng pananampalataya ng diyosesis sa loob ng pitong dekadang pagmimisyon.

Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng ordinasyon ni Bishop Glenn Corsiga na bagong obispo ng Diocese of Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Bishop Cortes na malaking biyaya para sa diyosesis ang makapagbahagi ng misyonerong pastol sa simbahang katolika.

“As we celebrate the 70th anniversary of the founding of our diocese, we have been gifted with a bishop from among our own clergy. What a great grace and providence of the Lord for us. A gift meant to be shared,” pahayag ni Bishop Cortes sa Radyo Veritas.

Tiniyak ng obispo na patuloy itong makikiisa sa misyon at panawagan ng namayapang Pope Francis gayundin sa kasalukuyang pamumuno ni Pope Leo XIV na maging ‘church in mission.’

Kabilang din sa mga obispong mula sa diyosesis ay sina Marawi Bishop Edwin dela Peña, Agaña Guam Archbishop Ryan Jimenez, Chalan Kanoa Bishop Romeo Convocar at iba pang mga paring naglilingkod sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“This call of our popes to be a missionary Church is a recognition of God’s grace at work in our midst. We already have two other missionary priests — one in Marawi and the other in Canada — showing that our diocese is already contributing to the universal Church,” dagdag pa ni Bishop Cortes.

Batay sa kasaysayan, noong Hulyo 29, 1955, itinalaga ni Pope Pius XII si Bishop Epifanio Surban bilang kauna-unahang obispo ng Dumaguete.

Makalipas ang 70 taon, inordinahan naman si Bishop Corsiga para sa Diocese of Ipil upang magpastol sa mahigit kalahating milyong kawan, kabilang na ang mga Muslim sa Zamboanga Sibugay.

Pinangunahan ni Zamboanga Archbishop Julius Tonel ang rito ng ordinasyon katuwang sina Dumaguete Bishop Julito Cortes at Palo Archbishop John Du habang si Cebu Archbishop Jose Palma ang nagsilbing homilist.

Dumalo sa pagtitipon ang 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis, kabilang na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula. Si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara naman ang kumatawan sa mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang kasalukuyang Pangalawang Pangulo nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 11,944 total reads

 11,944 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 93,798 total reads

 93,798 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,247 total reads

 127,247 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 162,546 total reads

 162,546 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 388,709 total reads

 388,709 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top