Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,382 total views

Homiliya para sa Misang Paggunita kina Marta, Maria at Lazaro, Ika-29 ng Hulyo, Juan 11:19-27

Ang malakas na alingawngaw na naririnig ko sa ating mga pagbasa, sa araw na ito ng Kapistahan ng tatlong magkakapatid na Kaibigan ni Hesus, ay isang pakiusap: Samahan mo kami, Panginoon. Katulad ng sinabi ng dalawang alagad sa estrangherong nakilakbay sa kanila.

Naging pamilyar tayo sa salitang Synodality, o sa panawagan ng yumaong Papa Francisco na tayo’y maging isang simbahang SINODAL. Na ito ay may kinalaman sa pagiging handang makilakbay sa bawat kapwa—hindi iyung namimili lang tayo ng pakikisamahan, hindi iyung para bang tayo lang ibig iligtas ng Diyos. Nasabi ko nga ito sa nakaraang PCNE sa UST—na ang kaligtasan na hangad ng Diyos ay laan para sa lahat ng tao. Kaya niya tayo tinuturuan na maging bukas ang isip at kalooban na makilakbay, hindi lang sa mga kapamilya,hindi lang sa mga ka-relihiyon, kundi sa bawat kapwa. Kasi, ganyan din ang ating Diyos sa atin.

Kaya bago tayo matutong makilakbay sa isa’t isa, kailangan munang makilala natin ang Diyos na nakilakbay sa atin. Ito ang pakiusap na narinig natin sa unang pagbasa—tungkol sa paglalambing ni Moises sa Diyos. Sabi niya, “Kung totoong kaibigan ang turing mo sa akin, samahan mo kami. Mabuti pang huwag na kaming magpatuloy sa paglalakbay namin kung hindi ka naman namin kasama. Makilakbay ka sa amin, Panginoon, kahit may katigasan ang aming mga ulo. IKaw na sana ang magpuno sa aming pagkukulang.”

Malakas ang dating ng ating ebanghelyo tungkol sa eksena ng naatrasong pagdating ni Hesus sa Betania—matapos na magpaabot sila ng balita na nag-aagaw-buhay ang kapatid nilang si Lazaro. Huli na ang lahat; pagdating niya, patay na si Lazaro. Kaya ang dating laging excited na sumalubong kay Hesus ay hindi lumabas at sumalubong; nagmukmok sa bahay, nagtatampo. Si Martha, sumalubong nga pero sumbat ang isinalubong sa kaibigan: “Kung narito ka lang, hindi sana namatay ang kapatid namin.”

Masakit na sumbat, pero nilunok ni Hesus; hindi na siya nangatuwiran. Kung narito ka lang… Ibig sabihin, “Wala ka noong kailangan ka namin.” Totoo naman, kung minsan, parang ganoon ang himutok natin sa Diyos kapag bumibigat ang mga pagsubok na kailangang harapin.

Balik sa kuwento—ang dating sinasalubong na kaibigan, ngayon parang hindi na welcome. Pero tumuloy pa rin si Hesus, pinakinggan ang himutok ng magkapatid, at nang umiyak si Maria, umiyak din siya. Ang mensahe niya ay ang presensya niya. Narito ako, kasama ninyo ako. Kung siya ay ang Diyos na nagkatawang-tao at kusang-loob na nakilakbay sa atin ay ang daan, paano ba tayo mailigaw? Kung siya ang katotohanan, paano ba tayo malilinlang? Kung siya ang buhay, paano ba tayo tatalunin ng kamatayan?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 75,994 total views

 75,994 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 150,608 total views

 150,608 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 230,687 total views

 230,687 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 273,826 total views

 273,826 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 270,248 total views

 270,248 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 23,073 total views

 23,073 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 87,092 total views

 87,092 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 37,402 total views

 37,402 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 41,242 total views

 41,242 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top