Digital evangelization, paiigtingin ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,564 total reads

Personal na binisita ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang kasalukuyang isinasagawang Diocesan Media Center (DMC) para sa Commission on Social Communications ng diyosesis.

Kasama si Rev. Fr. Joseph Franz T. Dizon na siyang chairman ng komisyon ay personal na ininspeksyon ng Obispo ang pagsasagawa sa tanggapan para sa pagsusulong sa misyon ng diyosesis na paggamit sa makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.

Sa ibinahaging mga larawan at impormasyon ng Diocese of Malolos – Commission on Social Communications sa Facebook page nito, inihayag ng komisyon ang pagpapatayo ng tanggapan upang matiyak ang pagsasakatuparan sa kanilang misyon na magkaloob ng faith-filled digital content para sa mga mananampalataya saan man panig ng mundo.

“We’re halfway through the construction of our soon-to-rise Diocesan Media Center (DMC)—a space dedicated to producing high-quality, faith-filled digital content for our community. Recently, Bishop Dennis Villarojo, together with Fr. Franz Dizon, visited the site to personally witness the progress and express their support for this important mission. Once completed, the DMC will become a powerful tool for evangelization—through livestreams, video productions, and digital media that bring the Gospel to wherever people are.” Bahagi ng mensahe ng Diocese of Malolos – Commission on Social Communications.

Nanawagan naman ang komisyon ng patuloy na panalangin at suporta sa itinatayong tanggapan nito para sa ganap na pagsasakatuparan ng misyon ipalaganap ang ebanghelyo sa kasalukuyang panahon gamit ang makabagong teknolohiya.

Ayon sa komisyon layunin ng diyosesis na sa pamamagitan ng digital evangelization ay patuloy na makapaghatid ng liwanag, pag-asa, at katotohanan ang Simbahan para sa lahat.

“We still need your support to finish the center and install the necessary broadcast equipment. Together, let’s build a home for digital evangelization—one that brings light, hope, and truth to all.” Dagdag pa ng komisyon.

Para sa mga nagnanais na tumulong at makibahagi sa patuloy na pagsasa-ayos sa isinagsawagang Diocesan Media Center (DMC) ng Commission on Social Communications ng Diyosesis ng Malolos ay maaring makipag-ugnayan sa komisyon sa kasalukuyang tanggapan nito sa Diocesan Commission on Social Communications Office na matatagpuan sa ikatlong Palapag ng Diocesan Pastoral Center (Chancery) sa Lungsod ng Malolos, Bulacan o kaya naman ay mag-email sa [email protected] o tumawag sa numero bilang 0962 865 4972.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,777 total reads

 13,777 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,383 total reads

 95,383 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,832 total reads

 128,832 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,131 total reads

 164,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,208 total reads

 390,208 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top