Tag-init at Turismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,395 total reads

Kapanalig, ramdam na ang paparating ng tag-init, at kasama nito, ang inaasahang pagdami ng mga local at international tourists sa ating bansa. Kamusta na nga ba ang industriya ng turismo sa Pilipinas?

Ang industriyang ito ay kinikilalang malaking source ng revenues o kita ng ating bansa. Ito rin ay nakakapag-generate ng trabaho sa marami nating mga kababayan at nadadagdag sa ating dollar reserves.

Nitong Disyembre 2016, tila nanghina ang industriya. Base sa datos ng mismong Department of Tourism (DOT), umabot ng Php19.38 billion ang visitor receipts. Mataas man ito, mas mababa pa rin kaysa noong 2015 kung saan umabot ng Php23.47 billion noong parehong buwan. Kahit pa ganito, tumaas naman kapanalig, ang bilang ng mga turista sa bansa. Noong Disyembre 2016, umabot ng 576,638 na turista ang dumating sa bansa, mas mataas pa noong Disyembre 2015 kung kailan mga 553,002 turista ang dumating sa atin.

Marami tayong kailangang gawin upang mas mamayagpag pa ang industriya na ito sa ating bansa. Unang-una, kailangang maisa-ayos ang peace and order situation. Kapanalig, ang magulong pulitika, ang mga balita ng extra judicial killings, pati na ang mga kidnappings ay malalaking dagok sa industriya ng turismo ng kahit anong bansa. Sa halip na mayakag ang mga bisita, natatakot pa sila ng mga ito. Hindi lamang mamumuhunan ang naitutulak palabas ng mga salik na ito, pati mga turista.

Ang estado rin ng ating mga imprastraktura ay maaring maka-apekto sa paglago ng ating tourism industry. Ang airport, kapanalig, ay isang malaking salik dito. Kapag accessible, ka-aya-aya at maayos ang mga paliparan ng bansa, mas magiging maalwa at masaya ang pagbisita ng mga turista. Ang ating mga lansangan, ang traffic, ang transport—ito ay ilan lamang sa mga sangkap na malaki ang epekto sa turismo.

Ang kalagayan din ng ating mga tourist spots ay kailangang mas pangalagaan pa. Ang kanilang sustainability, kapanalig, ang dapat nating isa-alang-alang. Ngayon, maganda pa sila at ka-aya-aya. Ngunit kung sila’y ating pababayaan, maaring masira sila at tuluyang mawala. Isipin natin kapanalig, ang kapasidad ng ating mga tourist spots, gaya ng Coron sa Palawan o Boracay sa Aklan. Kaya ba ng mga lugar na ito ang dami ng mga turista, lalo na ngayong tag-init? Anong paghahanda ba ang ginagawa ng mga local na gobyerno upang masiguro hindi lamang ang kaayusan ng sitwasyon ng turista kundi pati ang sustainability ng mga tourist spots na ito? Nagtutulungan ba nga ang public at private sectors upang pangalagaan ang ating mga pinagmamalaking mga lugar?

Ilan lamang ito, kapanalig, sa ating mga dapat bigyang pansin upang mas umayos pa ang turismo sa ating bansa. Ang ganansya ng industriya ay ganansya ng buong bayan, kaya’t dapat itong pangalagaan. Higit sa lahat kapanalig, tao at kalikasan kasi ang sakop nito, at lahat ng ito ay dapat bigyan ng natatanging proteksyon.

Kapanalig, ang pangangalaga sa kapakanan ng tao at ng kalikasan ay sagradong gawain. Tanggapin natin ang hamon mula sa Populorum Progreso, na nagsasabi na ang lahat ng nilikha ay para sa sangkatauhan. Responsibilidad nating lahat na gamitin at pagyamanin ito sa mapanuri at mabuting paraan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,258 total reads

 55,258 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,635 total reads

 134,635 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,080 total reads

 168,080 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,378 total reads

 203,378 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,684 total reads

 427,684 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 55,259 total reads

 55,259 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,636 total reads

 134,636 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,081 total reads

 168,081 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,379 total reads

 203,379 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top