Misa para sa jubilee for Digital Missionaries and influencers, pinangunahan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,774 total views

Pinangunahan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization ang pagdiriwang ng banal na misa para sa paggunita ng “Jubilee for Digital Missionaries and Catholic Influencers” sa St. Peter’s Basilica sa Roma.

Sa kanyang pagninilay ay binigyang diin ng Cardinal na kaakibat ng pagiging isang digital missionaries at influencers ang pagiging misyonera ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ayon kay Cardinal Tagle, bahagi ng tungkulin ng mga digital missionaries at influencers ang kahandaang tumugon sa misyong palaganapin ang pananampalatayang Kristiyano hanggang sa digital space kasabay ng pagtalakay sa kahalagahan ng Salita ng Diyos sa kasalukuyang modernong panahon.

“The Jubilee invites us to scrutinize the intention that fuels the influence our contemporary world wants to effect, the change we desire is often connected to the means we used to influence people and situations…

You are not only influencers, you are also missionaries.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Kinundina naman ni Cardinal Tagle ang hindi naaangkop na paggamit ng tinuran nitong ‘nakalalasong’ uri ng impluwensya na sumisira sa puso ng tao at maging ng lipunan.
Partikular na inihalimbawa ng Cardinal ang paninira ng kapwa, panunuhol, paggamit ng dahas o kaya naman ay paglabag sa batas upang maimpluwensyahan ang iba sa larangan ng pulitika at usaping pambansa.

“To influence the results of political elections, some candidates bribe the voters while destroying the reputation of their opponents, to influence persons or organizations to accept financial deals, some threatens them with black mail, to influence people to embrace beliefs and ideologies, some used coercion and brainwashing, to influence their enemies into submission, some powerful persons and nation resort to war – bombing and forced starvation.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Hinamon naman ng Cardinal ang mga digital missionaries at influencers na tanggapin si Hesus sa kanilang buhay upang mas maging mahusay at mas epektibong tagapagbahagi ng Salita ng Diyos sa kasalukuyang panahon.

Mensahe ni Cardinal Tagle, “Dear Missionary influencers, let the love God in Jesus and the Holy Spirit prevent various poisonous influences from flowing into human heart and societies… When you accept Jesus in your life, you will be on fire, a zealous influencer. When you welcome Jesus in your life, you will be an influencer who listen to Jesus’ words and acts on it. When you welcome Jesus, you will be an influencer bringing Jesus’ voice so, people could get out of their tombs.”

Batay sa tala aabot sa mahigit 1,000 mga delegado mula sa 75-mga bansa ang mga nakibahagi sa kauna-unahang paggunita ng Jubilee for Digital Missionaries and Catholic Influencers na isinagawa sa Roma noong ika-28 hanggang ika-29 ng Hulyo, 2025.

(with Veritas Intern Michael Encinas)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 12,585 total views

 12,585 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 82,697 total views

 82,697 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 157,311 total views

 157,311 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 237,390 total views

 237,390 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 280,179 total views

 280,179 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,566 total views

 1,566 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top