Mga layko, inaanyayahan sa national laity week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,642 total reads

Inanyayahan ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity ang mga Layko na makiisa sa nakatakdang National Laity Week sa susunod na buwan.

Sa paanyaya ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, magsisimula ang National Laity Week Celebration 2025 sa ika-27 ng Setyembre, 2025 sa Diyosesis ng Laoag at magtatapos naman sa ika-4 ng Oktubre, 2025.

Tema ng National Laity Week 2025 ang “Empowered Laity Journeying Together as Pilgrims of Hope” na layuning isulong ang pagkakaisa ng mga layko sa pananalangin bilang daluyan ng pag-asa na alinsunod rin sa tema ng nakatakdang paggunita ng 24th Biennial National Convention at ika-75 anibersaryo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

“Once again, we will celebrate the National Laity Week from September 27 to October 4, 2025, to underscore our vocation and mission as leaven of social transformation in the world.” This year’s theme is: “Empowered Laity Journeying Together as Pilgrims of Hope”. This is our uniform theme for the Laity Week, 75th Anniversary Celebration, and the 24th Biennial National Convention.” mensahe ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Umaasa naman ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na makapagsagawa rin ng kani-kanilang gawain at programa ang mga Council of the Laity ng iba’t ibang mga diyosesis at arkidiyosesis sa bansa bilang paggunita ng National Laity Week.

Tiniyak ng SLP ang pakikipag-ugnayan sa mga Obispo at mga lingkod ng Simbahan ng iba’t ibang diyosesis bago ang nakatakdang paggunita ng Pambansang Linggo ng mga Layko.

Magkakaloob rin ang SLP ng kopya ng final document of the Synod on Synodality and the Pathways for the Implementation Phase of the Synod upang magsilbing gabay ng mga Council of the Laity sa pagbubuo ng mga gawain o programa para sa mga layko sa kani-kanilang mga lugar.

“To drum up the celebration, we encourage everyone, in coordination with your Bishops, Priests & Leaders to organize Laity Week – related activities in your respective Arch/Dioceses, Parishes, and Communities. We are attaching the final document of the Synod on Synodality and the Pathways for the Implementation Phase of the Synod for your consideration/reference in formulating the events for your celebrations.” Dagdag pa ng SLP.

Unang inihayag ng implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na layunin ng taunang pagsasagawa ng National Laity Week na ipakita at ipadama sa mga layko ang kanilang kahalagahan sa pakikiisa sa misyon ni Hesus.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 17,862 total reads

 17,862 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 99,203 total reads

 99,203 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 132,653 total reads

 132,653 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 167,951 total reads

 167,951 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 393,915 total reads

 393,915 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top