Senadong tumalikod sa tungkulin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Nakadidismayang pangyayari ito para sa mga nananawagan ng accountability o pagpapanagot sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating gobyerno. Pero hindi na ito kagulat-gulat. 

Noong Miyerkules, halos limang oras na nagdebate ang mga senador kung tuluyan na bang idi-dismiss ang impeachment case matapos sabihin ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment. (Pero linawin nating hindi inaabswelto ng Kataas-taasang Hukuman si VP Sara; may mga mali lang daw sa prosesong ginawa ng Kongreso.) Para sa kilalang kaalyado ng bise presidente na si Senador Rodante Marcoleta, “hilaw na hilaw” ang impeachment complaint na ipinasa ng Kamara sa Senado. Dahil dito, dapat lamang na sundin daw ng Senado ang Korte Suprema, at tuluyan nang ibasura ang reklamo. 

Pero para naman sa mga senador na pinaninindigan ang tungkulin ng Senado na litisin si VP Sara, kailangang hintayin kung ano ang magiging sagot ng Korte Suprema sa motion for reconsideration na ihahain ng mga kongresista. Sa huli, pinalitan ni Senador Marcoleta ang kanyang mosyón—sa halip na motion to dismiss, motion to archive na lamang ang kanyang inihain sa plenaryo. Pinili ng mas maraming senador ang huli.

Sa isang demokrasya, malinaw ang hatian ng kapangyarihan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Kasama sa kapangyarihang ito ang bantayán ang isa’t isa para walang umaabuso at walang gumagamit sa kanilang puwesto para sa pansariling interes. Ang impeachment ay isang paraan para panagutin ang mga opisyal sa ehekutibo at hudikatura. Pulitikal ito dahil pagbabantay sa kapangyarihan ang layunin ng impeachment, pero hindi maiiwasang maiugnay ito sa mga personalidad at alyansa. Kitang-kita natin ito sa nangyari sa Senado.

Bilang sagot sa mga grupong nananawagan na papanagutin si VP Sara sa patung-patong na paglabag sa kanyang tungkulin, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na baka naman kontra lamang sila sa bise presidente. Baka hindi naman accountability ang habol nila. Baka hindi naman sila para sa pagtatanggol sa Konstitusyon. Baka sadyang kinamumuhian lang nila si VP Sara. Kung hindi raw si VP Sara ang pinagtutuunan ng impeachment, ganoon pa rin ba ang kanilang posisyon? 

Angkop ding itanong ang mga ito sa kanya at sa iba pang senador. Para ba sila sa accountability? Para ba sila sa pagtatanggol sa ating Saligang Batas? O baka naman para sila sa kanilang kakampi sa pulitika? Baka para sila sa pagpapatuloy ng baluktot na gawain sa gobyerno? Baka may pinagtatakpan din silang maaaring mabisto kung itutuloy ang impeachment

Malinaw sa ating Konstitusyon na nasa kamay ng Kongreso ang pagpapanagot sa mga matataas na opisyal ng gobyernong hindi maipaliwanag kung paano nila ginasta ang pera ng bayan. Malinaw na tungkulin ng Kongresong siyasatin ang mga hindi maikakailang nagbabanta sa buhay ng iba. Kongreso ang may obligasyon na ituwid ang pamamahalang may itinatago, may pinapaboran, at may layuning hatiin ang mga mamamayan.

Sa ginawang pag-archive ng Senado sa impeachment complaint para alamin at isiwalat ang katotohanan sa mga reklamo kay VP Sara, tinalikuran nito ang mga tungkuling ating nabanggit. Maituturing itong political corruption. Ang political corruption—o katiwalian sa pulitika—ay kahinaan ng isang demokratikong sistema. Bakit? Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ipinagkakanulo nito ang ating mga pinahahalagahang mabuti bilang isang lipunan at ang hangarin nating manaig ang katarungan.

Mga Kapanalig, sa kabila ng mga nangyayari sa ating pulitika, patuloy nating “idalangin.. ang mga [namumuno sa atin] upang tayo’y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos, at marangal.” Paalala iyan sa 1 Timoteo 2:2. Ipagdasal natin ang ating bayan. Huwag tayong mawalan ng pag-asa.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »
Scroll to Top