Senador at mga Kongresista, gawing executioners ng death penalty.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total reads

Gobyernong paurong!

Ganito isinalarawan ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang mga kongresistang nagsusulong ng House Bill 4727 o mas kilala bilang Death Penalty Reimposition Bill.

“Nakakaawa tayo na mayroon tayong gobyernong paurong higit sa lahat doon galing sa kongreso. Kung saan ang kongreso ginawa pang paligsahan kung sino ang boboto pabor sa death penalty. Lahat ng hindi boboto sa death penalty ay aalisin daw, nakakahiya.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Inaasahan ni Archbishop Cruz na kapag tuluyang naisabatas ang panukala ay mismong mga Kongresista at Senador ang siyang magpapataw ng parusang kamatayan sa kapwa mambabatas na sangkot sa iligal na droga.

Iginiit ng Arsobispo na dapat ipaubaya sa mga mambabatas ang paggawad ng hatol upang makita ang pagdurusa ng mga hinatulan ng kamatayan.

“Ang masasabi ko lamang baka sa huli ang death penalty ay sila (congressmen) mismo. Silang magpapa death penalty sa gobyerno, ito man ay sa Senado, sa Kongreso o ito mang sa Korte Suprema. Sila sana mismo ang pumindot dun sa nakakamatay na silya elektrika o kaya sila ang magpadaloy ng kuryente. Silang mga nagpataw ng death penalty, gumawa ng death penalty kayo na rin ang pumatay para hindi niyo na ring masabi na hindi kayo.” Giit pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.

Nakapagtala naman ang Amnesty International ng 1, 634 na binitay mula sa 25 mga bansa nito lamang taong 2015 mas mataas ito ng 50 porsiyento kumpara sa naitala noong 2014.

Samantala, nauna na ring tinutulan ni CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang death penalty lalo na at nasa mahigt 70 overseas Filipino workers rin ang nasa death row sa iba’t ibang panig ng bansa.

Read: http://www.veritas846.ph/kongresistang-bumoto-pabor-sa-death-penalty-papanagutin/
(Romeo Ojero)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,725 total reads

 8,725 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,786 total reads

 43,786 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,270 total reads

 80,270 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,481 total reads

 98,481 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,352 total reads

 182,352 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top