Nasa likod ng pambabastos sa mga preso sa Cebu, parusahan

SHARE THE TRUTH

 1,540 total views

Nasa likod ng pambabastos sa mga preso sa Cebu, parusahan.

Mariing kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang pagpapahubad sa mga preso ng Cebu Provincial Jail dahil sa “search in operation” ng Philippine Drug Enforcement Agency o P-D-E-A sa iligal drugs sa loob ng piitan.

Iginiit ni Rudy Diamante, executive secretary ng komisyon na labag sa karapatang-pantao at privacy ng mga bilanggo ang ginawa ng mga otoridad na hubaran ng damit ang mga ito sa harapan ng media.

“Di pupuwedeng tawaging S-O-P nila yun, SOP nila ay mag-check pero hindi ganun yung manner, di pupuwedeng standard operational procedure nila ang mag-violate ng dignity ng tao. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa nila. SOP nila to respect the dignity and rights of the human person.Dapat kasuhan ang mga gumawa.”pahayag ni Diamante sa Radio Veritas

Kaugnay nito, nanawagan si Diamante sa Commission on Human Rights na imbestigahan at papanagutin sa batas ang mga nag-utos ng kabastusang ginawa sa Cebu inmates.

“We condemned this lack of respect on the dignity of human person and the violation of the human rights. We are calling on the commission on human rights to hold in to account the one who authorized it and the one who did it.”panawagan ni Diamante

Binigyan-diin ni Diamante na noon pa ay binalewala na ang karapatang-pantao ng mga preso sa Cebu matapos silang gamitin at pagkakakitaan ng sumikat sa “Youtube” ang Cebu dancing inmates.

Sinabi ni Diamante na hindi maituturing na restorative justice ang paggamit sa mga preso para kumita.(Riza Mendoza)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 21,604 total views

 21,604 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 39,017 total views

 39,017 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 53,661 total views

 53,661 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 67,501 total views

 67,501 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 80,577 total views

 80,577 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 38,767 total views

 38,767 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 38,777 total views

 38,777 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 38,777 total views

 38,777 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »
Scroll to Top