166 total views
Gobyernong paurong!
Ganito isinalarawan ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang mga kongresistang nagsusulong ng House Bill 4727 o mas kilala bilang Death Penalty Reimposition Bill.
“Nakakaawa tayo na mayroon tayong gobyernong paurong higit sa lahat doon galing sa kongreso. Kung saan ang kongreso ginawa pang paligsahan kung sino ang boboto pabor sa death penalty. Lahat ng hindi boboto sa death penalty ay aalisin daw, nakakahiya.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.
Inaasahan ni Archbishop Cruz na kapag tuluyang naisabatas ang panukala ay mismong mga Kongresista at Senador ang siyang magpapataw ng parusang kamatayan sa kapwa mambabatas na sangkot sa iligal na droga.
Iginiit ng Arsobispo na dapat ipaubaya sa mga mambabatas ang paggawad ng hatol upang makita ang pagdurusa ng mga hinatulan ng kamatayan.
“Ang masasabi ko lamang baka sa huli ang death penalty ay sila (congressmen) mismo. Silang magpapa death penalty sa gobyerno, ito man ay sa Senado, sa Kongreso o ito mang sa Korte Suprema. Sila sana mismo ang pumindot dun sa nakakamatay na silya elektrika o kaya sila ang magpadaloy ng kuryente. Silang mga nagpataw ng death penalty, gumawa ng death penalty kayo na rin ang pumatay para hindi niyo na ring masabi na hindi kayo.” Giit pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.
Nakapagtala naman ang Amnesty International ng 1, 634 na binitay mula sa 25 mga bansa nito lamang taong 2015 mas mataas ito ng 50 porsiyento kumpara sa naitala noong 2014.
Samantala, nauna na ring tinutulan ni CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang death penalty lalo na at nasa mahigt 70 overseas Filipino workers rin ang nasa death row sa iba’t ibang panig ng bansa.
Read: http://www.veritas846.ph/kongresistang-bumoto-pabor-sa-death-penalty-papanagutin/
(Romeo Ojero)