2,544 total views
Obispong isinasangkot sa sedition case, naghain ng counter affidavit sa DOJ
Naghain ng kanilang counter affidavit ngayong araw sa Department of Justice ang mga Obispo na isinasangkot ng Philippine National Police-Criminal and Investigation Detection Group sa kasong sedisyon, cyber libel, libel, harboring a criminal at obstruction of justice.
Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na ang counter affidavit ay tugon sa akusasyon ng tinaguriang false witness na si Peter Joemel Advincula kaugnay sa lumabas na “Ang Totoong Narcolist video” kung saan unang isinasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga ang Duterte family at Senador Bong Go.
Matapos bawiin ang unang testimonya, idinadawit naman ni Bikoy sa kaso si Bishop Bacani, Cubao Bishop Honesto Ongtioco,Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas,CBCP Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Father Robert Reyes, Father Flaviano Villanueva, Father Albert Alejo, Vice-President Leni Robredo at iba pang kritiko ng pangulong Duterte.
Inaasahan ni Bishop Bacani na mapapatunayang baseless ang mga akusasyon laban sa kanya ni Bikoy.
Iginiit ng Obispo na hindi niya kilala si Bikoy at wala siyang anumang komunikasyon dito.
“Hindi ko naman kilala yang Bikoy na yan, I’ve never met him, I’ve never talk to him, we don’t know each other. We have no communications with each other, so wala akong kinalaman diyan. Wala naman kasi silang katibayan na nagkaroon nga kami ng communication…”pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas
Umaasa naman si Bishop Bacani na manindigan at tutulan ng mamamayan ang lahat ng panggigipit sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.
Sa panayam ng Radio Veritas, kinumpirma rin ni Bishop Bacani na naghain na rin sa D-O-J ng kanilang counter affidavit si CBCP Vice-President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas habang si Bishop Ongtioco ay nasa abroad sa kasalukuyan.
“Nag-submit na kami ng counter affidavit ngayong hapon kami ni Archbishop Soc (Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas) tapos si Bishop David (CBCP Vice President, Caloocan Bishop Pablo Virgilio David) nag-submit na rin kaninang umaga at si Bishop Ongtioco (Cubao Bishop Honesto Ongtioco) out of the country so he has up to August 20 to submit…”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas
Kinumpirma din ni Bishop Bacani na hindi sila dadalo sa preliminary investigation ng D-O-J na nakatakda ika-9 ng Agosto,2019.
Kaugnay nito, magsasagawa ang Mother Butlers Guild ng pag-aayuno at pagrorosaryo bilang suporta sa mga inuusig na miyembro ng Simbahang Katolika.
Read: Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan
Nagpahayag din ng masidhing suporta ang Philippine Catholic Charismatic Renewal Services, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at iba pang religious organization sa mga inaakusahang lider ng Simbahan.
Read: PCCRS, nagpahayag ng suporta sa mga inuusig na lider ng Simbahan
Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan
Solidarity mass para sa mga inuusig na lider ng Simbahan, pangungunahan ng AMRSP
Naunang hinamon ni Prelature of Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang lahat ng Diocese, Archdiocese at Lay organization na panahon na “to stand up”.
Read: Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc
Ang hamon ni Bishop Dimoc ay tinugon ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, iba pang Obispo at religious organization sa bansa.
Read: Speak now, silence is not an option
CBCP, naglabas ng Solidarity Prayer para sa mga inuusig na obispo at pari
Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan