14 na pampublikong paaralan ng Makati na bahagi ng desisyon ng SC, isinailalim sa DepEd

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,869 total reads

Nasa pangangasiwa na ng Department of Education ang 14 na pampublikong paaralan na naapektuhan sa desisyon ng Supreme Court sa territorial dispute sa pagitan ng Makati at Taguig.
Sa pahayag ng DepEd, ito ay upang maiwasan ang kalituhan lalo’t nagsimula na ang pasukan ng mga mag-aaral ngayong araw.
Sa kautusan, ang tanggapan ng kalihim ang mangangasiwa sa mga paaralan habang isinasaayos ang paglilipat ng pamamahala sa pamahalaang lokal ng Taguig.
Kabilang sa 14 na paaralan ang Makati Science High School, Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School at Tibagan High School.
Kabilang din sa talaan ang Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School at South Cembo Elementary School.
Nakiiisa naman sa inilunsad na Brigada Eskwela ang mga magulang, estudyante, guro gayundin si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Ayon naman kay Taguig-Pateros School’s Superintendent Dr. Cynthia Ayles, ang lahat ng 14 school officials ay nakipag-ugnayan na sa Taguig LGU simula pa noong Hulyo para sa maayos na pagbubukas ng klase.
Nanindigan din ang pamahalaang lokal ng Taguig (LGU) na hindi na kailangan ang Writ of Execution para ipatupad ang paglilipat ng mga sakop na barangay na ayon sa Korte Suprema ay saklaw ng hurisdiksyon ng Taguig.
Ayon sa pahayag, hindi sang-ayon ang Taguig sa “initial assessment” na inilabas ng Office of the Court of Administrator (OCA) na nagsasabing kailangan pa ng Writ of Execution para maipatupad ang kautusan ng Mataas na hukuman.
“Being a mere opinion, this statement does not have the force of law and does not bind Taguig. SC itself doesn’t issue opinions. How can OCA issue one? In fact, SC simply noted a similar query from DILG,” ayon pa sa pahayag.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 18,452 total reads

 18,452 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,041 total reads

 39,041 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 109,209 total reads

 109,209 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 194,577 total reads

 194,577 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 241,313 total reads

 241,313 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 289,185 total reads

 289,185 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 387,524 total reads

 387,524 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top